08

1.5K 41 25
                                    

3 years later

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

3 years later.....

T

atlong taon na ang nakakalipas simula nung nag perform kami ng Aces sa harap nang maraming tao.


Napangiti ako habang nakatingin sa reflection ko sa salamin at pinagpagan ang damit ko bago huminga nang malalim.


Nung araw na matapos ang performance namin may pumuntang agency sa backstage that time, inanyayahan nila ang Aces na sumali sa company nila at mag training para sa Music Global Group.


Noong araw rin 'yon ay masayang pumayag ang mga Aces, inofferan din ako pero tumanggi ako dahil mas iniisip ko na mas nababagay ang opportunity na 'yon sa mga Aces.


Naging busy sila sa pag t-training at mabilis din silang nakilala nation wide kaya ngayon araw mag c-concert sila rito at alam kong marami ang pupunta.


Hindi alam ni Russel na pupunta ako sa concert nila dahil isu-suprise ko siya.


Napalingon ako sa wall clock at natigilan ako nang makitang mag si-six na ng hapon. 7pm ang simula ng concert nila kaya kailangan ko nang mag madali.


Kinuha ko na ang bag ko na nasa sofa at kaagad na sinukbit 'to at lumabas na sa condo ko, tumawag lang ako ng trycicle papunta sa labasan bago sumakay sa taxi.


"Manong sa Realm Arena nga po." sabi ko nang makaupo na ako nang maayos sa upuan pagkatapos pumasok.


Tumango nalang ang driver at kaagad na pinaandar ang sasakyan kaya napatingin nalang ako sa bintana at nakaramdam ng excitement dahil makikita ko na ulit ang boyfriend ko.


Through video calls and chats nalang kami minsan dahil nga sobrang busy na siya ngayon sa career niya but i understand him, eto naman talaga ang pangarap niya noon pa lang.


Tinapos pa namin ang pag aaral namin noon bago sila tuluyang sumabak sa ganito, nakapag bonding pa kami kasama sila Aziel, Krox, Ryle at Jacob.


Sa tagal din na pag sasama namin, may mga nalaman din ako tungkol sakanila.


Lagi kaming magkasama ni Russel until he confess to me that he likes me, kinuha ko na rin ang pagkakataon na 'yon and i confess my feelings too.


That i liked him since sila pa ni Karina, na crush ko na siya noon and of course paghanga lang naman ang nararamdaman ko sakaniya noon and wala nang iba.


Pero simula nung nag break sila ni Karina and doon nag start ang pag co-comfort ko sakaniya at hanggang sa dumating nga na naging close kami and then he totally confessed to me.


Nanligaw siya sa akin pinatagal ko pa ng halos isang taon kasi gusto kong siguraduhin kung naka-move on na ba talaga siya kay Karina.


Nakita ko naman sa mga mata niyang naka-move on na siya pero may duda pa rin talaga sa puso ko at hindi ko maiwasang mag overthink minsan na baka pag bumalik si Karina ay bigla rin bumalik ang feelings ni Russel sakaniya.


Shattered ChordsWhere stories live. Discover now