Chapter 7

324 8 22
                                    

Chapter 7

Trigger warning: mention of selfharm and depression

"You're going home?"

Nilingon ko ang nagsalita, nakaramdam ako ng kaba nang Makita si Akill na naglalakad papunta sa deriksyon ko. Ang kaninang suot na itim na coat ay nakasampay na sa braso nya. Nag-iwas ako ng tingin nang mapansin na hapit na hapit sa maskuladong katawan nya ang puting long sleeve.

"Oo." tipid na sagot ko. Hindi talaga ako komportable sa presensya nya.

"Ihahatid na kita." I watched as he loosened the worn necktie using his veiny hand. Napamura ako sa isip ko dahil napaka-hot nyang tignan habang ginagawa 'yon.

Pumayag na lang ako dahil ayoko ng humaba ang usapan. Pinagbuksan nya ako ng pinto. Naupo ako sa tabi ng driver's seat. Dumaan sya sa harap ng sasakyan para umikot. Tsalka nya binuksan ang pinto at naupo sa driver's seat. Nangunot ang noo ko nang mapansing wala si kuya Nyx.

"Pinagday-off ko si Nyx," wika nya nang mapansin ang pangungunot ng noo ko. "Are you comfortable here? o gusto mong lumipat sa likod?"

"W-wag na, Akill. Ayos lang ako dito," I saw how he tighten his grip in the steering wheel dahilan para mas lalong lumabas ang ugat sa kamay nya.

"I just realized that my name sounds really good pala, when I hear it coming from you."

Pinigilan ko ang mapairap nang mapagtanto na may ganitong side pala ang lalaki. Bolero.

Binalot kami ng katahimikan at wala ni isa sa amin ang nagtangkang sirain iyon. Hinilig ko ang gilid ng aking ulo sa bintana ng sasakyan at tahimik na pinagmasdan ang mga nadadaanan namin.

"Are you sleepy? do you want to sleep?"

"Hindi naman, pagod lang," sagot ko nang hindi sya tinatapunan ng tingin.

"Why do you need to work? Is your parents not giving you enough allowance, or they're not supporting you financially?" tanong nya habang nagmamaneho.

"Hindi naman, ayoko lang umasa sa kanila. Gusto ko habang bata pa ako, eh matutunan ko na kung paano kumita ng pera. Hindi naman sila nagkukulang sa pag suporta sa akin financially," mapakla na napangiti ako. "Sa pagmamahal at pag-aaruga pwede pa."

"That's why you're hurting yourself?" I stilled when he start to open that topic. Hinila ko ang laylayan ng long sleeve na suot ko to hide the almost heal wound on my wrist. Lumunok ako nang paulit-ulit para pahupain ang kaba sa dibdib ko.

I'm scared to open this kind of topic to everyone, dahil alam kong hindi lahat ay maiintindihan ka. I'm also scared na malaman ng iba ang ginagawa kong pananakit sa sarili, because for them, kapag naglalaslas ka, kapag depressed ka, you're an attention seeker.

Inihanda ko na ang sarili sa anumang masasakit na salita at panghuhusga na matatanggap mula sa kanya, ngunit nagkamali ako.

"I'm not in the right position to say this, since I don't know your story indoors, but I know you have deep reason why you're doing that. Probably, because you want yourself to be numb, or probably you're blaming yourself for something that's not your fault."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi nang marinig iyon. Ayokong umiyak sa harap ng ibang tao, ayokong ipakita na mahina ako kahit na iyon naman ang totoo.

In The Midst Of Chaos (ON-GOING) ADULT SERIES #1Where stories live. Discover now