Chapter 27

270 3 0
                                    

Chapter 27

"Happy 24th birthday, fafa Range!"

Si Lester na may hawak pang bento cake at hinihipan ang party horn na lumilikha ng nakakarinding tunog. Sa likod niya ay ang apat na body guards na naka-suit, may mga hawak itong balloons at nakasuot ng party hat.

"What he fuck—" mariing hinilot ni Akill ang kaniyang sentido. "What are you doing here, Renglour?" walang pakundangang tanong niya.

Hinipan muli ni Lester ang party horn bago nagsalita dahilan para mariing mapapikit naman si Akill.

"Don't assume that I went here to greet you, because you're wrong, boss Range. In tagalog, mali ka. Napadaan lang ako, 'no."

"Yeah, halata nga. Parang hindi mo nga talaga sinadya na pumunta rito. Halata sa mga dala niyo." sarkastikong wika niya.

"Teary eye ka na ba, boss Range? Naappreciate mo ba?"

"Yeah, even though I'm not a fucking child anymore, Renglour. I appreciate it."

Mapaklang saad nito dahilan para gustuhin kong humagalpak ng tawa. Halata sa kaniya na tila napipikon siya at naiinis sa nakikita niya

"Parang hindi mo naman yata naa-aappreciate, e. Illara oh!" parang tuta na tinignan naman ako ni Lester, tila ba nagsusumbong sa amo niya.

Mahinang tumawa naman ako.

"Stop making that puppy face and staring at my wife like that, Renglour. If you don't want me to blow your mind instead of this candle." tiim bagang na wika niya.

Mahinang hinampas ko siya dahilan para salubong ang kilay na lingunin niya ako.

"What? He's being annoying." may bahid ng inis ang tono ng kaniyang boses.

"Sus, nagseselos — joke lang! Blow mo na ang candle, boss Range." Lester cutted his word when Akill glared at him.

Halos hindi namin namalayan ang oras dahil sa dami ng kuwento ni Lester. Puro lang naman iyon tungkol sa kaniya at sa kung papaano siya palaging sinisindak ni Akill. Nalaman ko na lang na gabi na nang lingunin ko ang bintana ng aking silid. Madilim na sa labas at tanging ang poste na lamang ng ilaw sa garden ng hospital ang nagbibigay liwanag sa paligid.

"At alam mo ba, Illara." Lester said again, tila walang kapaguran ang kaniyang bibig sa pagkukwento.

Nakuha niya ang atensyon ko dahilan para ibaling ko sa kaniyang muli ang tingin.

"She doesn't know." Akill said using his monotone voice. Nasa kaniyang dibdib pa ang magka-krus niyang mga braso. Kanina pa siya tila iritado sa presensya ng lalaki lalo na nang itabi rin nito ang isang upuan sa gilid ng hospital bed. Samantala, ang apat na bodyguards na kasama ni Lester ay nasa labas nagbabantay.

"Grabe ka talaga sa 'kin, boss Range. You're hurting my feelings."

"You should be thankful, because I'm just hurting your feelings, even though I badly want to hurt you since you enter this room— but of course, that was a joke, Renglour." pumeke siya ng tawa at inakbayan pa ang lalaki sa tabi niya.

"Bumabait ka na ba, boss Range?" halos malukot ang kaniyang noo habang nakatingin kay Akill.

"Ayy! Kaya naman pala biglang umamo ang leon," bawi nito sa kaniyang sinabi nang maibaling niya sa akin ang paningin. "Sa masamang titig ka lang pala ng Misis mo tataob, e."

In The Midst Of Chaos (ON-GOING) ADULT SERIES #1Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin