Chapter 4: Lipstick

185 2 0
                                    


NORMAL NA ARAW para kay Glenn ang mauna palagi sa opisina. Napasandal siya sa swivel chair habang nakikinig sa lagatik ng wall clock sa pader ng opisina ni Ella. Kanina pa siya nandito. Siguro mga two hours na siyang naghihintay sa pagdating ng dalaga. Natapos na nga niya ang lahat ng paper works sa opisina, ngunit si Ella, as usual, kung hindi late, ay buzzer beater kung dumating.

Hindi pa naman late si Ella, ngunit may limang minuto na lamang siya para makarating sa opisina.

Huminga nang malalim si Glenn at dinampot ang phone niya na nakapatong sa table niya. Kaagad niyang tinawagan si Ella. Buti na lang at binigay sa kanya kagabi ng daddy ni Ella ang cellphone number ng dalaga.

Pag-ring pa lang ng cellphone ay sinagot na kaagad ito ni Ella.

"Wait a minute! I'm near na!" sabi ni Ella sa kabilang linya, habang hingal na hingal sa pagtakbo.

Hula ni Glenn, ay nagmamadali na naman itong maglakad papasok ng company building. "Pakibilisan. May meeting pa tayong dalawa!" masungit niyang utos, habang bakas ang panunudyo sa kanyang mga ngiti.

Tila bumaliktad na kasi ang ihip ng hangin, at si Ella na ang naging sunod-sunuran kay Glenn.

"Oo na sige na! Malapit na ako!"sagot naman ng dalaga sa kabilang linya. Parang napipilitan pa ang tono niya. Hindi pa man nakakasagot si Glenn, ay kaagad nang binaba ni Ella ang tawag. Napaismid na lamang si Glenn.

Mayamaya pa ay biglang bumukas ang pinto ng office at pumasok na si Ella. Hingal na hingal habang bitbit ang mga dokumento na kailanganin niya para sa kasal na gaganapin nila ni Glenn ng palihim.

Nang makita siya ni Glenn ay kaagad na natigilan ang binata. Sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang magandang mga labi. Para bang nakakita siya ng isang anghel na biglang bumaba sa lupa.

"Come on, Ella! You're never disappoint me for making me happy," sabi niya. Tila ba dahil sa simpleng presensya lamang ni Ella, ay biglang nabuo na ang araw niya.

Napakunot noo naman si Ella. "Can you please stop glaring at me like that? Stop acting like gandang-ganda ka sa 'kin! I know naman na maganda ako, but to be honest ang weird ng reaction mo!" sabi niya.

Tumawa lang si Glenn lalo, habang humahakbang palapit kay Ella. Hinawakan niya sa magkabilang pisngi ang dalaga, at tinitigan sa mga mata. "Ella. . . May tuwalya ka pa sa ulo." Seryoso niyang sabi, sabay ngisi. Ngisi na may kasamang panunudyo.

Kaagad namang nataranta ang dalaga. "What?" Bigla niyang hinawakan ang kanyang ulo, at may tuwalya pa nga. "Oh my Gosh!" Tiningnan niya si Glenn na hanggang ngayon ay nakangisi, at saka mabilis na inalis ang tuwalya na nakabalot sa kanyang ulo. "Stop smirking, you j*rk!" saad niya.

Ngunit hindi natinag si Glenn. Bagkus ay mas lalo siyang natawa nang makita ang buhok ni Ella, na sumabog at basang-basa pa ito.

"I said stop laughing!"sigaw ni Ella.

Ngunit hindi tumigil si Glenn, kaya naman lalong nainis si Ella. Kaagad niyang hinagis ang bitbit niyang mga dokumento, at bigla naman itong nagkalat sa sahig. "Ayo'ko na! Hindi na ako magpapakasal sa'yo!" inis na sabi niya.

Kaagad namang nabura ang saya sa mukha ni Glenn. Napalitan ito nang pagkadismaya. "What? Come on! Don't making a joke like that. Nagbayad na ako ng mayor sa huwest," sabi niya.

Umirap si Ella, habang gulo-gulo pa rin ang kanyang buhok. "I don't care!" sigaw niya, sabay talikod.

Umangat ang gilid ng labi ni Glenn."Ah ganun?" Kaagad niyang hinila sa braso si Ella, bago pa man ito mahakbang palayo.

Mabilis namang napalingon si Ella kay Glenn. At sa isang iglap lang, naglapat ang kanilang mga labi.

Napakurap-kurap lamang si Ella, habang si Glenn ay nakapikit at ninanamnam ang tamis ng kanyang halik sa labi ng dalaga. Ngayong hinalikan niya ito, sigurado na siyang mas pakakasalan siya ng dalaga. Lalo pa at sinabi sa kanya ni Ella, na siya ang first kiss nito. Kung talagang iniingatan ng dalaga ang kanyang first kiss ay hindi na siya dapat pakawalan ng dalaga.

Nang magising sa huwisyo si Ella ay kaagad niyang tinulak palayo si Glenn. "What are you doing?" sigaw niya, sabay punas ng kanyang mga labi.

Nanatili ang mga ngiti ni Glenn. "Why? I'm just kissing my soon to be wife. What's wrong with that?" Pangiti-ngiti niyang sabi.

Lalo namang nairita si Ella. Nagmamaktol siyang naglakad palapit sa sariling cr ng kanyang office, na parang bata. "I hate you!" sigaw niya lamang.

Umismid lang si Glenn, at napailing. "Tss! 'Wag ka nang maarte. After ng kasal, hindi lang naman kiss ang gagawin natin e!" Pang-aasar niya sa dalaga.

Kaagad namang napasigaw sa inis si Ella habang papasok sa loob ng cr. Kaagad naman siyang sinundan ni Glenn, upang tingnan kung anong gagawin nito.

Pagdating sa loob ng cr, ay kaagad na humarap si Ella sa malaking wall mirror. Kaagad siyang napasimangot. "Look what you did to me?" sabi niya sa naiiyak na tono.

Bigla namang kinabahan si Glenn. Mukhang nagalit ang dalaga sa paghalik niya rito. Siguro kasi ay dahil hindi na ito lasing tulad nung nasa club sila.

"I'm. . . I'm sorry!" sabi ni Glenn.

Kaagad siyang tinapunan ng masamang tingin ni Ella. "Sorry?" Napapailing na lamang siya at natatawa sa pagkadismaya. "You ruined my lipstick, then sorry lang yun?" galit niyang tanong.

Natigilan naman si Glenn. Ang akala niya ay dahil sa halik niya nagalit ang dalaga. "I thought you-"

"Please stop!" Sumenyas si Ella ng stop at pumikit sa inis. "I don't need your explanations! What you did to me, provide sufficient evidence that you're totally a j*rk! sigaw niya.

Kaagad namang nagsalubong ang mga kilay ni Glenn. "Hey! Don't talk to me like that! You don't know who you're calling j*rk with!" nakatiim bagang nitong sabi.

Walang sinuman ang tumatawag sa kanya ng j*rk. Dahil mula sa kanyang pamilya at mga taong nakakakilala ng lubusan sa kanya, ay ginagalang siya ng mga ito, mula sa dulo ng kanyang buhok, hanggang sa dulo ng kalingkingan ng kanyang mga paa.

Nag-angat ng isang kilay si Ella. "I don't care who you are! You don't even know who I am either! Secretary lang kita sa kompanya namin, and you!" Huminga siya nang malalim habang nagpipigil ng iyak. "You're just ruined my lipstick and my whole entire life!" sigaw niya habang naiiyak-iyak sa inis.

Napailing na lamang si Glenn. "Will you please stop acting like that? Lipstick lang 'yan! Hindi ka mamamatay!" mahinahon niyang sabi habang matiim na nakatitig kay Ella.

Sinamaan siya nang tingin ni Ella. "What do you say?" Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Glenn. Napaismid siya sa inis. "Do you know how much the cost of my lipstick is? This is Dior, and it's worth a, four thousand three hundred five pesos!" sigaw niya.

Nakatitig lamang si Glenn kay Ella. Hindi maintindihan ang pinuputok ng butsi ng dalaga. Samantalang lipstick lang naman ito. Bakit ganito na lamang ito kung mag-react? Nakakunot noo siyang lumapit kay Ella, at binura ng kanyang daliri ang katiting na lipstick na bahagyang lumagpas sa gilid ng labi ng dalaga. "You know what? Tigilan mo na 'yang kadramahan na 'yan. Marami ka pang appointment. Mamaya may meeting kayo ni Mr. Lim, baka hindi na rin pala kita masamahan," sabi niya.

Kaagad namang nagsalubong ang mga kilay ni Ella. "What did you say?"

Napaangat ang dalawang kilay ni Glenn. "Mag-undertime ako," saad niya.

Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Ella. "I don't care kung mag-undertime ka! I don't even care kung hindi ka na pumasok! It's such a favor to me Mr. Cuanco! Ang hindi ko lang talaga matanggap, ay. . ." Humikbi siya at nagpigil ng iyak. "Nabura mo ang lipstick ko, tapos wala kang pakialam? Hindi mo ba alam na last na yun? Sinimot ko na lang 'yun!" galit niyang saad.

Napakunot noo lang si Glenn. "I'm. . . Sorry, hindi ko naman alam na mahalaga sa 'yo ang lipstick e. At saka. . ." Nilapitan niya si Ella at pinahiran ng kanyang hinlalaki ang mga luha nito na umagos sa pisngi. "Maganda ka pa rin naman kahit wala kang lipstick eh," sabi niya.

Kaagad namang umiling si Ella, at tuluyang umiyak. Inalis niya ang mga kamay ni Glenn sa kanyang pisngi. "No! Hindi mo ba nakikita? Sobrang putla ko oh!" naiiyak niyang tinuro ang kanyang magagandang labi na may bahid pa ng kakarampot na lipstick. "Hindi. . . Hindi ako sanay!" sabi niya sabay iyak nang malakas.

Ngunit kaagad ring napawi ang iyak niya nang bigla na naman siyang halikan sa labi ni Glenn.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 19 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Cinderella Syndome (Princess syndrome Series 1)👠ON-GOING👠Where stories live. Discover now