1

6 1 0
                                    

Kabanata 1

Habang nasa veranda ng aking kwarto, tulala akong pinagmasdan ang madilim na langit. Hindi pa rin rumerehistro sa utak ko na wala na ako sa Manila at nandito na ako sa Escala.

"Maia, nariyan na ang mga bisita ng Daddy mo. Kakain na!"

Hindi ko nilingon ang pinto nang kumatok ang isa sa mga kasambahay. Hindi rin naman nito hinintay ang sagot ko at mukhang umalis na.

Hindi ba pwedeng dito na lang ako at magmukmok? I don't think I can face anyone right now!

Akala ko kakatok ulit ang kasambahay pagkatapos ng ilang minuto na hindi pa rin ako bumaba pero hindi. Walang dumating.

"Cheer up, Maia Asuncion!"

Binaluktok ko ang legs ko at niyakap ito habang nakaupo sa kama.

"Mainit pa ang ulo sa'yo ng magulang mo sa ngayon. Syempre, fresh pa ang atraso mo pero sigurado ako na kapag nagtagal-tagal, makakalimutan na nila ang pagbabawal nila sa'yo na bumili ng art materials. Hang in there, okay? Kung gusto mo bilhan pa kita e," she chuckled.

It is a call with my best friend, Kola Montecillo.

"Tingin mo makakabalik pa ako sa Manila? I miss the Art Center and the people there."

"Syempre naman! Hindi ka naman mananatili diyan forever, for sure!"

I sighed. Alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko. But it's not working.

"Hindi ba lagpas isang linggo na kayo diyan? Still not get used to your hometown? Naglibot-libot ka na ba?"

"I'm too miserable to go out. Wala akong gana."

"Maia, miserable na nga ang sitwasyon mo, gagawin mo pang mas miserable. You should go out and enjoy the fresh air of the province. Walang ganyan dito sa Manila kaya sulitin mo na diyan."

Napailing ako sa sinabi niya.

"At saka, huwag kang mag-alala. Dadalaw ako diyan sa inyo. Tapos sabay nating libutin ang Escala. Welcome naman ako siguro, no?" she chuckled.

Nakuha no'n ang atensyon ko. Bahagyang na-excite sa ideyang iyon.

"Of course! When? So I can inform my parents. I'm bored here, Ko."

"Chill! Magbabakasyon pa kami. Pero basta! I'll inform you."

Somehow that made me a bit happy and excited. Gusto ko pa sana makipag kwentuhan sa kaibigan ng matagal pero ayoko namang makaabala sa ginagawa niya.

Habang nagmumuni sa veranda ay bumaba ang tingin ko sa aking phone. I swiped to see the photos of all my artworks.

Mapait akong ngumiti.

Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko sa nangyari sa Manila. It was the reason why I'm here in our province, Escala.

My parents caught me in an Art Center instead of studying for our final exam. I was dragged out of the center. And to my surprise, when we got home, all of my things — art materials and artwork were torn and slid in a trash can!

Tinago ko na nga ang mga iyon para masigurong hindi makikita nila Daddy. Pero sa huli, nakita pa rin nila.

My parents are not really supportive of me wanting to be an artist. Mababa ang tingin nila sa ganoong career. They want me to pursue business or anything professional that fits into their vocabulary. Not arts.

Sa susunod na pasukan ay second year na ako sa college. Business ang kurso ko, katulad ng gusto nila.

Pero kahit anong pilit ang gawin ko, hindi ko iyon magustuhan! Dahilan kung bakit mababa ang mga grado ko. Hindi naman bagsak pero ang gusto kasi ng mga magulang ko ay matataas katulad ng grado na nakukuha ng mga kapatid ko.

Forbidden KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon