4

5 0 0
                                    

Kabanata 4

Tinigil niya ang motorbike nang makarating na kami sa labas ng gate ng aming bahay. Mabilis akong bumaba, napapaso sa lapit namin. Tinanggal ko rin ng mabilisan ang helmet.

Kumunot ang noo ko nang tinanaw ang labas ng aming bahay.

Napansin ko na may mga tao roon. Rinig na rinig ang halakhakan kahit nasa labas pa lang kami.

"Mga Engineer at Architect sa kumpanya ninyo. Narito sila para i-celebrate ang isang malaking proyekto niyo."

Nilingon ko si Rafael nang sinabi niya iyon.

Iyon ba ang dahilan kung bakit abala kanina ang mga kasambahay?

"Tara na," aya niya at una nang pumasok.

Tahimik na sumunod ako.

Bumungad sa akin ang siguro'y hindi lalagpas sa labinglima na mga bisita. Mas marami ito kumpara noon. Nasa may pwesto sila sa labas at kumakain, nagkwekwentuhan at ang iba ay nag-iinuman.

Habang naglalakad, natanaw ko sila Daddy at Mommy. May kausap na grupo at tumatawa.

They don't look bothered or worried at all.

Nagtaka ako. Hindi ito ang eksenang inaasahan kong madatnan!

I thought they would be waiting for me at the entrance of our house with worried faces. Hindi ganito.

Tumigil si Rafael sa pwesto nila Daddy. Agad din siyang napansin ng mga ito. Nang makalapit ay tumigil din ako.

"Valiente!" tawag ng ilang mga lalaki kay Rafael nang matanaw siya.

Tinanguan ni Rafael ang mga ito at saglit silang nagbatihan.

Valiente? That must be his last name. Rafael Valiente.

"Oh! There you are! Akala ko ay hindi ka na makakarating, Raf. Bakit ka natagalan——Wait. You're with my daughter?" Daddy asked when he got a short glimpse of me behind Rafael.

Kumunot ang noo ni Mommy sa akin. She's also surprised to see me.

Nanlamig ang katawan ko nang may napagtanto.

"Is that your youngest, Sir?" someone in the group asked.

Hilaw na tumawa si Daddy nang nilingon niya ang nagtanong. "Ah. Yes, Alfredo. She's Maria Aia. Maia."

My parents briefly introduced me to them.

I forced myself to smile and greet them back.

"I hope you're enjoying the night po," I said my rehearse line.

"Yes, we are. Nabusog na kami at heto nagkwekwentuhan na," ani ng isa sa kanila na hindi ko matandaan ang pangalan.

Ngumiti ako.

"Paniguradong matalino rin ang bunso niyo, Engineer. Katulad ng kaniyang mga kapatid," sambit pa ng isa.

"Sana nga ay ganoon, Tom. Pero iba ang hilig nitong si Maia kaya distracted. Hindi tuloy tumataas sa uno ang kaniyang grado," ani Daddy. "Ewan ko ba kung kanino siya nagmana. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang pagkahilig sa arts na ‘yan."

Nanlamig ako. Feeling embarrassed around these people.

Hilaw na tumawa ang nagtanong at sinulyapan ako.

"Nako, eh, Engineer, maganda rin naman ang career na iyan. Madami akong kilala na successful sa ganyan."

Nag-angat ako ng tingin sa nagsabi no'n. Ngumiti siya sa akin.

Forbidden KissWhere stories live. Discover now