5

6 1 0
                                    

Kabanata 5

Hindi ako napagalitan ni Ate Ruby. Rafael explained to her that it was his fault.

He lied.

Hindi ko alam kung bakit hindi niya sinabi ang totoo. Baka gustong magpaka-hero.

Nagtagal ang titig sa akin ni Ate Ruby na para bang sinubukan niyang basahin ang mata ko. I thought she would inform our parents about what happened. Kaya hinintay ko sila Daddy noong gabing iyon at kinabukasan na kausapin at pagalitan ako pero hindi dumating. I figured Ate Ruby did not tell them. And even Rafael.

Hindi na naging madalas ang pagpunta ni Rafael sa bahay mula ng araw na iyon. Dahil na rin siguro abala ang mga tao sa kumpanya. I heard they have a huge project. So even Daddy is busy these days.

"Ate, si Daddy po?" tanong ko kay Ate Rosa na pinapalitan ngayon ang bedsheet ko.

"Nasa baba. Mukhang paalis na."

Tumango ako. Nagpaalam ako sa kaniya at mabilis na lumabas ng kwarto.

Bumaba ako sa hagdan.

"Dad!" tawag ko nang natanaw itong nasa may pinto at paalis na.

Hindi ko pinansin ang kasama niyang si Rafael. Halos isang buwan na matapos ang nangyari noong nakaraan pero tanda ko pa rin.

Inangat ni Dad ang tingin sa akin nang marinig ako. Nang makababa at makalapit na ako ay hinabol ko muna ang aking hininga.

"What is it? Busy ako, Maia. If it's food, ask the maids to assist you."

"No, Dad. Papaalam po sana ako na lalabas ako saglit? Nababagot na kasi ako. Gusto kong manood ng sine sa mall."

Kumunot ang noo nito. Akala ko hindi ako papayagan pero kinuha niya ang wallet niya sa bulsa at may nilabas na pera.

Inabot niya sa akin iyon.

"Walang mall dito sa Escala. Sa kalapit na bayan, meron. Call Harold para mahatid ka," aniya.

Pinapayagan ako!

Ngumiti ako, nagagalak.

"But remember you're not allowed to buy art mats, Maia. Don't test me," paalala nito sa akin.

Ngumiti ako.

"Yes, Dad. I remembered. Thank you!" I said and kissed his cheek as goodbye and thank you.

"Buy books, too. Malapit na ang pasukan. Magbasa-basa ka," pahabol ni Dad. "Os'ya. Papanhik na kami ni Rafael."

Tumango ako at saka pa lang sinulyapan ang kasama niya. Nakasuot ito ng blue v-neck t shirt at pants. I caught him staring at me when I glanced at him.

He immediately looked away. Nang nakasakay na sila sa sasakyan, kinawayan ko si Dad. Hanggang sa tuluyan na silang nakaalis.

I am in a good mood today! Hindi naging mahigpit si Dad sa akin. Magandang simula iyon. Kapag nagpatuloy ito, baka magbago ang isip nila Dad at ibalik ako sa Manila. I still have more than a month before the class starts to change their mind.

Katulad ng plano, nagtungo ako sa mall. Hinatid ako ni Kuya Harold.

"I-tetext na lang po kita kapag papasundo na po ako," saad ko.

Tumango ito. Kaya pumasok na ako sa loob ng mall dito sa kabilang bayan ng Escala.

It was bigger than I thought. Mabilis na pinuntahan ko ang sinehan. Nakapili ako ng papanoorin pero maghihintay pa ako ng saglit kaya kumain muna ako.

Nang oras na ay pumasok na ako sa sinehan. I watched a foreign action film. It was fun and exciting! Not really my genre but I enjoyed it a lot.

Nang natapos sa sinehan ay nagtungo ako sa isang kilalang milktea shop.

Forbidden KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon