6

6 0 0
                                    

Kabanata 6

"Mabuti at pumayag ka rin sa wakas, hijo!"

Pinanood ko ang liwanag at saya sa mukha ni Mommy.

Nandito kami ngayon sa sala at sa harap namin ay si Rafael na may mga bitbit na mga bag.

"Bakit ayaw mo sa isa sa mga kwarto rito?" tanong ni Dad sa lalaki.

Naghahalukipkip naman na nasa gilid ako.

"Ayos na po ako sa kwartel sa likod kung saan din natutulog sila Harold at Ben, Engineer," mababa ang boses na sagot ni Rafael.

"Nako! Dapat talaga ay sa isa sa mga kwarto ka namin manatili. Pero mukhang hindi ka na mapipilit," ani Mom. "Pero kung sakaling magbago ang isip mo, hijo. Magsabi ka agad."

Tumango ang lalaki. "Maraming salamat po."

"Anyway, we're happy for your decision to stay here. Kung hindi pa nagkaproblema sa linya ng tubig ang apartment mo, mukhang hindi mo pa ata tatanggapin ang alok namin," saad ni Dad.

"Mabuti pala at nagkaroon ng problema," ani ni Danzel at ngumisi.

Humalakhak si Dad. Nagtawanan sila roon habang ako ay tahimik at hindi natutuwa. And I have no intention to hide it.

"I'm happy you will be with us, Raf! Feel free to ask the maids if you need help!"

Napalingon ako kay Ate Ruby at tinitigan siya ng matagal. She looks happy.

Sinulyapan ko naman si Rafael at nakita ang pagngiti siya sa kapatid ko. His eyes bore into her for a moment.

Nagtagis ang bagang ko. He's......really flirting with my sister!

"Salamat. Sana ay hindi ako magiging abala sa inyo rito," saad pa nito.

Hindi nga ako nagkamali!

He accepted my father's offer so he can be with my sister! To flirt with her and to make her fall in love with him!

Alam niyang ang mag-i-inherit ng UNO Build Construction Company ay si Ate Ruby kaya niya ginagawa ito. He wants our company! Manggagamit!

And my poor family is blind to not notice that!

"Syempre hindi, Raf. Kailan ka ba naging abala sa amin?" tugon at tapik ni Dan sa balikat nito.

Matalim ang matang pinanood ko si Rafael na ngayon ay buhat-buhat ang mga bagahe niya. Nag-abalang tumulong ang mga kasambahay pero inilingan niya.

Walang kahirap-hirap na binitbit niya ang kaniyang mga gamit.

He's wearing a black shirt. So when he lifted his bags, the muscle in his arms popped up.

"Why don't you go with Rafael, hija? Ituro mo sa kaniya ang magiging kwartel niya," utos ni Mommy kay Ate Ruby.

Narinig iyon ni Rafael kaya napalingon siya kila Mommy.

"Sure!"

Lumapit si Ate Ruby sa lalaki. Saglit silang nag-usap at nagtawanan.

Nagpaalam na si Rafael kila Daddy at tinalikuran na nila kami para maglakad na palayo papunta sa may likod kung saan ang kwartel.

"They look good together," biglang sambit ni Mommy habang tanaw ang dalawa.

Nilingon ko siya. Nagkatinginan sila ni Daddy na para may pinag-uusapan sila gamit ang mga titig nila.

Kinuyom ko ang kamao ko. Labis-labis ang galit na nararamdaman. That Rafael manipulated them!

"Hanggang kailan siya rito? This month lang ba?" tahimik na tanong ko kay Dan nang naiwan kami sa sala. Nakaupo kami sa sofa.

Umakyat na sila Daddy para magbihis dahil aalis sila.

Si Ate Ruby naman ay nakabalik na at nagtungo sa kaniyang kwarto.

Nilingon ako ng kapatid.

"Kararating pa lang, tinatanong mo na agad iyan. And no, I don't think Dad will let him leave our house that early."

If that's the case, then I will make him leave the house on his own.

.
.
.

To be continued.

The continuation and the rest of the chapters are available to read on Goodnovel. Currently, it has 34 chapters and more to go.

How to read on Goodnovel?

1. Download Goodnovel on Google Playstore and sign up.

2. Search "Forbidden Kiss" and find the story under "marcella_ph". Add the story to your Library.

3. There are free coins on Goodnovel daily that you can use to read the chapters of the story.

3. For better reading experience, you may purchase coins and enjoy reading "Forbidden Kiss" without hassle.

4. Enjoy!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 23, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Forbidden KissWhere stories live. Discover now