Prologue

16 1 0
                                    

"IKAW?!" Gulat na gulat na tanong ko sa taong nabungaran ko sa opisinang pinagdalhan sa akin.

"Bakit Sharmaine? Miss na miss mo ba ako kaya ka nagulat nang ganyan?" Ngumiti siya nang nakakaloko.

"Ako, mami-miss ka? Asa ka pa!"

"So, what brought you here?"

"Gusto ko lang naman itanong sa walang pusong may-ari nitong publishing house kung bakit rejected lahat ng manuscript na pinasa ko?!"

"Dahil siguro walang puso din 'yung nagsulat," sabi niya saka tumawa nang mahina.

"Asshole! Ang sabihin mo sinadya mo lang i-reject 'yung mga 'yun para galitin ako at puntahan ka!"

"Dream on, babe."

"Ang kapal mo talaga!" Mabilis akong lumapit sa pwesto niya at balak hampasin ang kanyang dibdib pero agad niya akong naunahan dahilan para mapahiga ako sa office table niya.

Napalunok ako bigla nang mapagtanto kung gaano ako kalapit sa kanya.

Halos isang dangkal na lang ang lapit ng gwapo niyang mukha sa akin.

Halos wala pa ding pinagbago ang kanyang itsura. Nangungusap pa din kung tumingin ang kanyang mapupungay na mga mata. Napakasarap ding pisilin ng kanyang matangos na ilong.

At siyempre, mawawala pa ba ang mapupula niyang mga labi na parang kay sarap halikan?

What? Halikan? No way!

Itutulak ko na sana siya palayo nang isiniksik niya pa nang kaunti ang katawan niya sa'kin.

"Do you really want me to publish your stories, Sharmaine?" Bakit parang nang-aakit 'yung boses niya? Ugh! What the heck is happening with me?

"Y-yes, Zeus." Napalunok kong sabi.

Bakit ba ako kinabahan bigla?

"Then attend the seminar."

"What seminar?" May seminar naman pala silang ino-offer para sa mga aspiring writers, bakit hindi ako agad sinabihan?

"A seminar that will give you the real feelings about love."

"Ano naman ang pinapalabas mo? Hindi ako marunong magmahal?"

"Ikaw ang nagsabi niyan. Anyways, you will have a boyfriend for three whole months and you will use the experience that you'll have on your next manuscript."

"Hindi ko na kailangan niyang seminar na sinasabi mo! Nagkaroon na kaya ako ng boyfriend." Oo. Ikaw.

Yes. He was my first love.

My first hug.

My first kiss.

And my first boyfriend who was a freaking asshole.

"Ako ba?" Mayabang na tanong niya.

"Ha? Excuse me lang ha? Naging tayo ba?" Bahagyang nangunot ang noo niya. "Anyways, who will be the one to teach me during the seminar that you're talking about?" Pagtatapos ko sa usapan namin dahil hindi na ako mapalagay sa posisyon naming dalawa.

"Ako." Madiing sabi niya na ikanabigla ko.

"What the hell! Are you insane? What made you think na papayag ako, ha? HELL NO!" Malakas ko siyang itinulak palayo sa akin. Agad din naman akong nakawala dahil hindi na niya ako pinahirapan pa.

"Why are you acting like that? It's not like it's the first time that I touched you. Why are you so afraid to say yes to that seminar? Dahil ba natatakot kang ma-in love ulit sa'kin?" That's the last thing I heard before I left his office.

Natatakot nga ba ako?

FAKE Relationship REAL FeelingsWhere stories live. Discover now