Chapter 4

1 1 0
                                    

"GISING na!"

"Tulog mantika ka pa rin pala hanggang ngayon?"

"'Di ka na nagbago. Gising na o."

Ano ba 'yung ingay na 'yun? Nananaginip ba 'ko?

"SUNOOOG!"

"AAAH! NASAAN! NASAAN ANG SUNOG?!" Napabalikwas ako ng bangon sa nadinig.

Narinig ko naman ang malakas na tawa ni Zeus. "Kung nakita mo lang 'yung itsura mo." Tawa pa rin siya nang tawa. "That was priceless!" Napapapunas pa si Zeus ng luha sa sobrang saya niya.

"Ugh!" Binato ko sa kanya 'yung unan na yakap-yakap ko. "Asshole!" I hissed. "Napaka mo talaga!" Pinaghahampas ko pa siya ng kumot ko.

"Aray! Tama na. Stop it, babe."

"Babe mo mukha mo! That was not a good joke!" galit na sigaw ko kasabay ng pagpatak ng luha ko. Mukhang nagulat naman siya at napatigil. "That was not funny," sabi ko bago tuluyang napaupo at napahagulgol.

"Hey. I was just joking. I'm sorry." Lumapit na siya sa'kin pero 'di ko pa din napigilan ang pag-iyak.

"Biro? Lahat naman sa'yo biro e! But for me? That was the worst nightmare I ever had! 'Yun 'yung gabing hinding-hindi ko makakalimutan dahil nawala ang pinakamamahal kong daddy because of that!"

"What? I don't understand, Sharmaine." Niyakap na niya 'ko kahit halatang naguguluhan pa din siya.

"M-my... My father died dahil sa sunog." I was sleeping and, gaya ng sinabi ni Zeus, tulog mantika daw ako kaya hindi ko narinig 'yung sigawan sa bahay na may sunog pala. Akala daw nila nakalabas na lahat ng bahay but my dad found out na naiwan ako sa loob. Without any hesitation, he came back for me. Pero nasawi siya. Malaki na 'yung sunog pero sa kagustuhan niyang mailigtas ako, gumawa siya ng paraan para makalabas ako kahit na ang maging kapalit nito ay ang buhay niya.

Sobrang sakit para sa'kin na maalala pa ito.

Sobrang sakit. Nangyari iyon a week after our break-up which is the same day after we graduated. No one shared my tears. No one shared my pain. No one shared my sleepless nights except Joan. Kaya right after that incident, I moved in with her.

Hindi rin naman ako hinanap ng family ko or something.

"I-I didn't know Sharmaine. I'm sorry." Zeus hugged me tight. Para tuloy nawala 'yung binibitbit kong sama ng loob. I also felt his kiss on my hair.

It feels like my Zeus is back.

Not for good.

Just for three months.

That's why I need to make sure that I will not fall in love with him... again.

Nang mahimasmasan na ako ay agad akong umalis sa pagkakayakap sa kanya.

"Ano ba kasing ginagawa mo sa room ko?"

"Room mo? Para ipaalala ko sa'yo, pad ko 'to. And so, this is my room." Lumabas na naman ang pagka-ibang Zeus niya.

"Fine. What are you doing in my borrowed room?" Gigil na naman ako sa kanya. Kanina lang feeling girlfriend na 'ko e. Panira talaga. "Ano ba kasing meron?"

Napatigil naman siya sandali at tumayo. Pumunta sa gilid ng room. Hindi ko siya makita since may wall na sa pinuntahan niya.

"Good morning, babe." Todo smile with matching flowers and breakfast pa niyang sabi.

"Para saan 'yan?" Pagtataray ko kahit na parang sasabog na 'yung puso ko.

"May I court you again, Sharmaine?" Parang may biglang bumara sa lalamunan ko. Hindi ako agad makapagsalita.

Alam kong nagpapanggap lang siya pero bakit parang 'yung nararamdaman ko, totoo na?

"Bakit mo naman ako liligawan?" Pagsakay ko sa seminar na sinalihan ko.

"Tinatanong pa ba 'yan? It's because I love you, Sharmaine." Umupo siya sa gilid ng kama. "I want to court you because I want you in my life. 'Yung akin lang. Exclusive for Zeus, kumbaga. Sana bigyan mo 'ko ng chance to prove that I am worthy of your love. So may I ask you again, can I court you?"

Waah! Naluluha ako! Dapat ko bang pigilan?

Pupunasan ko na sana 'yung luha ko nang maalala kong dapat magpakatotoo lang ako. Para sa'n pa ba 'tong seminar na 'to kung hindi ko mararamdaman 'yung mga ganitong moments 'di ba? I mean kaya ko nga pinasukan 'to, to be a better writer. Experience is the best teacher, right?

"So? Mahirap paghintayin ang gwapo." Yabang talaga neto.

"No."

"No? Liligawan pa lang kita, basted na agad?"

I smiled. "Joke lang. Oo naman. Court lang pala e. Pero dapat sport ka 'pag hindi kita sinagot ha? Siyempre 'andiyan si John, si Carl, si Matthew, si Earl, si Joshua, si Marc, sino pa ba 'yung iba?"

"Who the hell are they?"

"My suitors." Ngumiti pa ko ng todo sa kanya.

"Your what? Are you kidding me Sharmaine! Ako lang dapat. Ako lang."

"Ligaw pa lang possessive na? Sige basted ka na," sabi ko sabay ngiti ng nakakaloko.

"Ganun?" tipid na sagot niya.

"Yes."

"Okay. Pakiayos na lang ng kwartong ito kapag aalis ka na. Bye."

Shems! Personalan na 'to ah?

"Joke lang naman e. O siya pwede ka nang manligaw. Sa isang kondisyon." Tumaas lang 'yung kilay ni Zeus. Sarap hatakin e. "Basta ba 'wag mo kong sasaktan."

"Oo naman Sharmaine. I promise not to hurt you. I love you." Sana totoo na lang 'to. Sana. Inipit niya 'yung buhok ko sa likod ng tenga ko. "I love you.."

Unti-unti nang lumalapit 'yung labi niya sa akin. "Hep! Nanliligaw ka pa lang!" Pigil ko sa kanya.

"Akala ko makakalusot na," he grinned. "Mag-ready ka na. Date tayo." Saka niya 'ko hinila patayo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FAKE Relationship REAL FeelingsWhere stories live. Discover now