Chapter 2

3 1 0
                                    

"EXCUSE me? Where's the office of the CEO?" mataray na tanong ko sa babaeng nasa front desk.

"15th floor po," takot na sagot nito.

Mabilis ko lang siyang tinalikuran at mabilis na hinanap ang daan paakyat.

Hindi naman ganu'n kahigpit ang security dito. Meron din kasi silang bookstore dito kaya madami din ang taong namimili.

Paglabas ko ng elevator sa 15th floor ay may nabungaran akong isang mahabang pasilyo.

Pagkanan mo sa mahabang pasilyo ay may secretary. Dito na siguro 'yung office niya.

"Where's the CEO?"

"Do you have an appointment with him ma'am? May I have your name po?" Naka-smile siya sa'kin pero dahil nga beast mode ako ay tinaasan ko lang siya ng kilay. Mukha naman siyang napahiya at natakot.

"I don't need to ask for a schedule from you." Taas noo kong sabi at nagsimula nang maglakad papasok ng opisina.

"Pero ma'am-"

"Pigilan mo pa 'ko, I'll make sure na mawawalan ka ng trabaho." Kitang-kita ko ang takot sa kanyang mga mata kaya nakaramdam tuloy ako ng guilt. Joke lang naman 'yun e. Sino ba naman ako para magkaroon ng karapatang ipatanggal siya 'di ba? Magso-sorry na lang ako sa kanya mamaya.

Dahil sa kabiglaan niya sa akin ay hindi na niya ako napigilan nang dire-diretso akong pumasok sa loob.

Isang lalaking nakatalikod at may kausap ang naabutan ko.

Bakit parang pamilyar ang likod niya? Parang...

"Ikaw?!" Gulat na gulat na tanong ko sa taong nabungaran ko sa opisinang pinagdalhan sa akin.

"Bakit Sharmaine? Miss na miss mo ba ako kaya ka nagulat nang ganyan?" Ngumiti siya nang nakakaloko.

"Ako, mami-miss ka? Asa ka pa!"

"So, what brought you here?"

"Gusto ko lang naman itanong sa walang pusong may-ari nitong publishing house kung bakit rejected lahat ng manuscript na pinasa ko?!"

"Dahil siguro walang puso din 'yung nagsulat," sabi niya saka tumawa nang mahina.

"Asshole! Ang sabihin mo sinadya mo lang i-reject 'yung mga 'yun para galitin ako at puntahan ka!"

"Dream on, babe."

"Ang kapal mo talaga!" Mabilis akong lumapit sa pwesto niya at balak hampasin ang kanyang dibdib pero agad niya akong naunahan dahilan para mapahiga ako sa office table niya.

Napalunok ako bigla nang mapagtanto kung gaano ako kalapit sa kanya.

Halos isang dangkal na lang ang lapit ng gwapo niyang mukha sa akin.

Halos wala pa ding pinagbago ang kanyang itsura. Nangungusap pa din kung tumingin ang kanyang mapupungay na mga mata. Napakasarap ding pisilin ng kanyang matangos na ilong.

At siyempre, mawawala pa ba ang mapupula niyang mga labi na parang kay sarap halikan?

What? Halikan? No way!

Itutulak ko na sana siya palayo nang isiniksik niya pa nang kaunti ang katawan niya sa'kin.

"Do you really want me to publish your stories, Sharmaine?" Bakit parang nang-aakit 'yung boses niya? Ugh! What the heck is happening with me?

"Y-yes, Zeus." Napalunok kong sabi.

Bakit ba ako kinabahan bigla?

"Then attend the seminar."

FAKE Relationship REAL FeelingsWhere stories live. Discover now