Chapter 1

3 1 0
                                    

"ANG matampuhin talaga ng baby ko." Bigla akong nakaramdam ng dalawang brasong pumulupot sa bewang ko.

"Wag ka nang magtampo baby. I love you," bulong niya sa tenga ko na ikinataas ng balahibo ko.

Grabe pa rin 'yung kilig na nararamdaman ko sa kanya kahit mag-iisang taon na 'yung relasyon namin.

We were in second year college when he started courting me. Nakilala ko siya dahil sa isang event sa school.

Lahat ng first year students sa school namin noon ay dinala sa napakalaking quadrangle habang naka-blindfold. Sinabihan nila kami na maglakad ng dahan-dahan habang may tumutugtog na kanta. At the end of the song, kung sino man ang taong mahatak namin ay makaka-bonding namin for a day. It's one of the school's idea for the students to get to know each other.

Kahit na may mga nakakabanggaan kami, it was fun. Exciting siya since hindi namin alam kung sino ang mababangga namin.

At doon na nga nagsimula ang lahat dahil si Zeus ang nakabangga ko.

Naging sobrang magkalapit kami sa isa't-isa dahil nagkataon naman na blockmates din kami. To end the story short, hindi maiiwasan sa magkaibigan ang magkamabutihan.

We were friends for a year. Pagkatapos ay niligawan niya ako ng isang taon at ngayon nga ay almost one year na din ang relationship namin.

"Baby? Di ka na umimik diyan. Tampo pa din?" Nakapatong 'yung baba niya sa balikat ko kaya pinipigilan kong makiliti habang nagsasalita siya.

"Hindi na po," sabi ko nang humarap ako sa kanya.

"Are you sure?" Ayokong nagagalit o nagtatampo ka sa akin." Hinawi niya ang buhok kong nililipad ng hangin. "You saw what happened earlier right? Hindi ko pinapansin si Diana kahit na anong pagpapapansin ang gawin niya. You will always be the most beautiful girl that I'll look at. Why would I waste my time searching for someone else if I already have you in my life? I love you." Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha kasabay ng pagngiti.

"I love you too, Zeus. 'Wag mo akong ipagpapalit ha?" Nakanguso pero humihikbing sabi ko.

"You will always be the only girl that I will love." Dahan-dahan niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko kasabay paglalapit ng aming mga labi.

"HOY BABAE! HAPON NA NANANAGINIP KA PA DIN NANG GISING DIYAN? TAMA NA 'YANG PANGANGARAP MO!"

"ANG INGAY MO NAMAN JOAN!" Ganting sigaw ko sa best friend/apartment-mate/kapatid sa ibang magulang ko.

"Eh pa'no ba naman Sharmaine kanina pa ako katok nang katok dito hindi mo man lang ako pinapansin. Halos masira ko na nga y'ang pintuan mo e! Ano? Inaalala mo na naman ba si Zeus na ex mo na gwapo na mabait na ka-forever mo sa pangarap na niloko at iniwan ka lang naman?"

"Ang aga-aga Joan! Nagbubunganga ka na naman. Hindi ko na nga iniisip 'yung lalaki na 'yun! Ikaw nga lang diyan ang banggit nang banggit e."

"Paano mo pa nga ba iisipin ang taong nakatatak na sa puso mo?"

"Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo, Joan! Alin pa ba ang hindi malinaw? Ex na nga 'di ba? Ibig sabihin, tapos na."

"Tapos na nga 'yung relasyon n'yo pero 'yang puso at isip mo hindi pa tapos magpakatanga para sa kanya. Alam ko naman na kahit anong pagpipilit mong kunwaring move-on ka na sa kanya, alam ko namang hindi pa talaga. Tsk. Oh," sabay hagis sa'kin ng folder na alam ko na agad ang laman. "Kung iiwasan mo na yang pagka-bitter mo, baka sakaling may pumasa ka nang manuscript."

Gusto kong mapamura nang malakas. Sampung beses na akong nagpapasa ng manuscript na 'yan pero ni isa ay walang pumasa! Parang nananadya na lang y'ung publishing house na 'yun? Masugod nga!

"Teka lang, saang giyera naman ang lakad natin Sharmaine?" Bungad sa akin ni Joan nang makalabas ako ng kwarto.

"Sa publishing house!" gigil na sagot ko.

"Ano naman ang gagawin mo doon, aber? Kung ako sa'yo, mag-isip ka na lang ng ibang story. Alam mo, naisip ko lang, 'yung mga manuscript pala na isinusulat mo ay parang lovelife mo na din."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hanggang papel na lang sila pareho!" sigaw niya sabay takbo palayo.

Walang hiya talaga 'tong best friend ko. Ang supportive!

Imbis na habulin pa siya ay dumiretso na ako palabas ng bahay. Sa may-ari ng publishing house ko na lang ibubuhos ang inis ko.

FAKE Relationship REAL FeelingsWhere stories live. Discover now