Chapter 3

3 1 0
                                    

PIKIT-MATA kong pinindot ang doorbell na nasa aking harapan.

"SINO BA- Maine?! W-what are you doing here?" Mula sa galit ay bakas na ang pagkagulat sa mukha ni Zeus ng pagbuksan niya ako ng pinto.

"Ahm... Ano... Kase-"

"Babe who is she?" Biglang may sumulpot na babae sa likod ni Zeus at ipinulupot pa nito ang braso sa kanya.

Hindi ko alam kung saan nanggaling pero nakaramdam ako ng bahagyang sakit.

"Ay sorry, busy ka pala? S-sige una na ko." Agad akong tumalikod dahil pakiramdam ko may tutulong luha mula sa mga mata ko.

"Wait!" Hinawakan niya ko sa braso para pigilan. "She's leaving!"

"What! We're not done yet!" sigaw nu'ng babae.

"Yes, we are. Leave."

"Bitch!" sabi nu'ng babae sabay bunggo sa'kin nang paalis na siya.

"Why are you here?" tanong ni Zeus sa'kin.

"A-about the deal."

"What about it?" Sungit naman.

"Teka nga! Ganyan ka ba mag-entertain ng bisita mo? 'Di mo man lang ba 'ko papapasukin?"

"I was not expecting you." Sapakin ko na kaya 'to?

"Kaya nga may tinatawag tayong surprise visit 'di ba?" Nakita ko ang ginawa niyang pag-irap sa akin bago ako patuluyin sa loob.

Agad ko namang pinagsisihan ang ginawa kong pag-pasok sa loob ng pad niya. May mga balat ng chips sa center table. May baso ng alak. T-shirt at... bra?

"Bading ka ba?" Biglang harap ko sa kanya.

"What!"

"Sabi ko bading ka ba?"

"Ako? Bading?" Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin habang ako ay patuloy sa pag-atras.

Shems! Palapit na siya! 'Wag na lang kaya akong umatras para mahuli na niya ko?

Aatras pa sana akong muli pero naramdaman ko na ang matigas na pader sa aking likuran.

"Got yah!" sabi niya sabay pulupot ng braso niya sa bewang ko.

Shems! Nakikiliti ako at... kinikilig?

Sharmaine! Gumising ka nga! Kapag bumigay ka ulit sa kanya, sasaktan at papaiyakin ka lang niya. Nakalimutan mo na ba 'yung sakit na dinanas mo maka-move on lang sa kanya?

Sa naisip ko ay agad ko siyang naitulak. "Ano bang ginagawa mo, Zeus?"

"I just want to prove that I'm not gay." Saka niya hinawakan ang pisngi ko. Diyos ko, bakit palapit nang palapit 'yung mukha niya sa'kin? Hahalikan ba niya 'ko? Hindi pwede! Dahil kumain ako ng longganisa kanina at mabaho 'yun sa bibig.

"Zeus naman. Oo na hindi ka na bading! Bakit kase may bra ka diyan?"

"That's not mine, kay Mitch ata." Binitawan na niya 'ko at tumalikod.

Kay Mitch? Sino 'yun? Girlfriend niya? O baka naman asawa na? Bakit parang masakit talaga?

"Anyways, ano nga bang ginagawa mo dito?"

"About the deal. I'm accepting it now."

"It's not a deal. It's a seminar," pagtatama niya.

"E 'di seminar na kung seminar. Psh. We have to set our rules."

"Wow. May I just remind you? I am the boss here so I'll be the one to set the rules."

"Basta! Rule number one, I'll live at your place," sabi ko sa kanya.

"Uh-oh. Boyfriend-girlfriend lang 'yung sa seminar, hindi mag-asawa. Pwera na lang kung patay na patay ka pa din sa'kin kaya gusto mo kong i-bahay," sabi niya sabay kindat.

"Heh! That's my rule. Take it or leave it," taas-noong sabi ko.

"Okay."

"Okay?! As in payag ka na?" Excited na sabi ko! May matutuluyan na 'ko.

"Okay as in you may now leave." Bumagsak balikat ko sa sinagot niya.

"Asshole! Dali na kasi! Pumayag ka na!"

"Ikaw na nga lang ang namimilit, tinawag mo pa kong asshole? Out."

"Waaaah! Hindi pwede. Sorry na, Zeus." Nilapitan ko na siya at tinusok-tusok 'yung tagiliran niya.

Dati nu'ng kami pa, ito 'yung pampawala ko ng galit niya sa'kin. Kapag galit siya sa'kin tapos nagso-sorry ako, lagi kong tinutusok-tusok 'yung tagiliran niya. 'Ayun, nawawala 'yung galit niya. Sana effective pa din.

"Sige na Zeus. Payag ka na." Tusok-tusok.

"Aish! Okay fine! Stop that!" 'Di ko napigilang yakapin siya sa tuwa.

"Woooh. Hinay-hinay lang, hindi pa naman start ang seminar."

"Rule number two, no other woman," pagpapatuloy ko.

"'Di ako papayag diyan. How about my flings?" Ouch. Masakit.

"Meron bang mag-on na may iba pa rin 'yung partner nila? Kung meron man, naglolokohan lang sila." Parang tayo noon. Tayo nga pero nagkaroon ka pa din ng iba. Hanggang ngayon ba naman Zeus, ganun ka pa din?

"Okay fine! For three months, it's just for you and me." Pagpayag niya.

"Rule number three, no touch."

"Okay." Seriously, pumayag siya? "Dahil ang tunay na nagmamahalan, hindi na namamalayan kapag nagkakahawak ang kanilang mga kamay. Kusa na lang 'yun dahil 'yun ang nararamdaman nila."

"Ang dami mong alam."

"Siyempre gwapo ako e."

"Asa ka pa!"

"Sus. Mapapasagot ba kita dati kung hindi?"

Okay. San nanggaling 'yun?

"Whatever." Inirapan ko siya. "Where's my room?" Pag-iiba ko sa usapan namin. Bakit ba kailangan pa niyang ibalik ang nakaraan?

"Take the room on the left."

"Okay. Pahinga lang ako. I'll cook for dinner," sabi ko saka binitbit ang isang maliit na bag na dala ko. Mabuti na lang at pinayagan ako ng mga pulis na kunin 'yung iba kong damit sa loob ng bahay.

"Hatid na kita." Saka niya kinuha 'yung mga bitbit ko. "When do you want to start the seminar?" tanong niya pagkabukas ng room. Pumasok na 'ko sa loob habang siya ay nasa may pintuan lang at naghihintay ng sagot ko. "Kapag niligawan mo na ako," sabi ko sabay kindat at sara ng pinto.

FAKE Relationship REAL FeelingsWhere stories live. Discover now