13

6.3K 299 28
                                    











Unedited.....













"Sir, marami na yata ang nainom mo," sabi ni Kate dahil napansin niyang namumula na ang magkabilang mukha ng boss.

"Why?" tanong ni Ace. "Hindi pa ah."

"Pero namumula na ang mukha mo, sir."

"Ganito talaga ako, baby face," sagot ng binata at hinarap si Kate. "Dito ka lang sa tabi ko, baka kung ano pa ang gawin nila sa 'yo."

"Okay," sagot niya. Mukhang ito pa nga ang dapat niyang bantayan dahil kakaiba na ang tono ng pananalita nito.

"Mister Arguela, uwi na kami," paalam ni Mr.Tan at tinapik sa balita si Kate. "Ikaw na ang bahala sa kanya ha. Mababaw lang ang alcohol tolerance niyan."

"Anong mababaw? Kaya ko pa po," sabat ni Ace saka itinaas ang glass sabay inom ng laman nito.

"Oh siya, andiyan naman ang girlfriend mo," sabi ni Mr.Tan. "Uwi na kami. Hija ha. Ikaw na ang bahala sa kanya."

"Okay po," sabi ng dalaga at ngumiti.

Kaunti na lang ang tao kaya niyaya na ni Kate ang asawa na umuwi pero nang tumayo ito ay muntik nang matumba.

"I'm fine," sabi ni Ace at inakbayan si Kate. "Don't worry about me, asawa ko. I'm okay."

"Ma'am? Mayroon hong pina-reserve si Mister Tan na room sa inyo," sabi ng isang hotel staff nang lapitan sila.

"Kaya ko pang mag-drive," sabat ni Ace at humarap sa staff. "Mukha ba akong lasing?" Medyo tipsy nga siya pero ayaw niyang mapahiya kay Kate.

"Uuwi na lang ho kami," sabi ni Kate pero napatingin kay Ace na napahawak sa mesa. "Wag na pala. Saan ho ang reserved room?"

"One hundred twenty one, Ma'am," sagot nito sabay bigay ng keycard.

"Okay po, thank you," pasalamat niya saka dinala si Ace sa kwarto.

"Okay, hindi ko na nga kayang mag-drive," pagpayag ni Ace na sinubukang maglakad ng tuwid kahit na tila umiikot ang buong paligid.

Pagpasok sa room, agad na isinara ni Kate ang pinto.
May swan towel sa ibabaw ng kama.

"Maligo ka," sabi ni Ace. "May bathrobe dito kaya pwede mo 'yang gamitin. Padalhan kita ng damit bukas para may maisuot ka palabas."

"Okay," pagpayag ng dalaga at tumungo na sa banyo saka naligo para matanggal ang makeup niya. Nang matapos ay si Ace naman ang naligo upang mawala ang kalasingan.

Kakatapos lang matuyo ng buhok niya nang lumabas si Kate sa bathroom.

"May wine factory ka pero mabilis ka rin palang malasing," sabi ni Kate.

"Yup. Okay lang kasi tikim lang naman ang ginagawa ko," sabi ng binata at kinuha ang hair dryer.

Nahiga si Kate matapos suklayin ang buhok. Patalikod kay Ace na nahiga siya. Narinig nya ang pagpatay ni Ace ng hair dyer.
Umuga ang kama nang mahiga si Ace sa tabi niya.

Naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanyang bewang at pinaharap siya nito.

"S—Sir," nauutal na wika niya habang nakatitig sa maamong mukha ng asawa. "L—Lasing ka na ba?"

"I'm not drunk," tanggi ni Ace dahil medyo natauhan na matapos maligo. "I'm not your boss now, Kate. Bakit ba sir ka nang sir?"

"S—Sorry," paumanhin niya. Sobrang lapit kasi ng mukha nila sa isa't isa kaya nalalanghap na niya ang mabango nitong hininga, amoy menthol.

4. The CEO's secretWhere stories live. Discover now