Alam naman natin na tapos na talaga ang kwento pero gusto ko lang bigyan ng moment ang dalawa after ng lahat. 😄
Unedited...
"Sure ka ba talaga na magtrabaho ka?" usisa ni Ace sa asawang nagbibihis.
"Oo. Kaysa dito lang ako sa bahay."
"Okay. Basta sobrang gaan lang ha. Kung ano lang ang ipapagawa sa 'yo yun lang ang gawin mo ha."
"Okay po. Basta 'wag mong pakialaman ang trabaho ko ha."
"Bakit naman?" tanong ni Ace.
"Kasi ayaw kong mailang ang katarabaho ko sa akin."
"At bakit naman?"
"Haist. Ace naman. Syempre ikaw ang boss tapos alam mo na, takot sila sa 'yo. Syempre wala nang kakausap sa akin o makipagkaibigan kasi takot sila," sabi ni Kate. "Basta. Hayaan mo lang ako sa trabaho ko."
"So, sinasabi mong i-deny kita?"
"Hindi naman sa ganun. Ang akin lang, 'wag na nating sabihin kung wala rin namang nagtatanong," paliwanag ni Kate. "Ayaw kong ipagsigawan na 'uy, ako ang asawa ng boss ninyo' kung wala namang nagtatanong. Gets mo?"
"Oo na. Pero wag mo akong i-deny," ani Ace.
"Basta 'wag ka lang makialam, okay? Kapag may kailangan ka sa akin, tawagan mo lang ako ha. Wag mo akong puntahan sa pwesto ko."
"Fine," pagpayag ni Ace. "Tara na, sabay na tayo."
"Ang aga mo naman yata ngayon."
"Syempre kasama ko ang asawa ko," sagot ni Ace at inakbayan ang asawa. "Kapag magutom ka, tawagan mo ako o di kaya si Marco ha."
Nang makarating sa opisina, naghiwalay ang mag-asawa sa kagustuhan na rin ni Kate.
"Morning," bati ni Kate nang pumasok sa designer's office kasama ang HR.
"Guys, si Kate pala. Siya ang bago ninyong katrabaho," pagpakilala ng HR. Ipinaliwanag nito kung ano lang ang trabaho ni Kate sa department nila. Muli niyang hinarap si Kate at nginitian. "Kapag may iutos sila na hindi sakop ng trabaho mo, sabihin mo sa akin ha."
"Yes po," magalang na sagot niya. Hindi niya alam kung gaano kahalaga si Kate sa opisina pero alam niyang malakas ang backer nito mula sa itaas lalo na't ang assistant ni Ace ang nagsabi sa kanila.
"Ito ang pwesto mo. Makikita mo ang buong team na nagtatrabaho mula rito. Kapag may kailangan ka, tawagan mo lang ang boy natin para matulungan ka."
"Thank you po," pasalamat niya at ngumiti. Iniwan na siya nito kaya inayos niya ang table. Sinet-up din niya ang computer para may gagawin. Ang sabi ni Ace, sa kanya lang ibigay at ipatago ang mga nagawa nilang design ngayong araw tapos may kukuha rito bago mag-uwian. Siya rin ang tigabantay sa kanila.
"Hi, madam," bati ng baklang lumapit sa kaniya na medyo may edad na.
"Hello po," bati niya.
"I'm Kendra. I heard na from Iloilo ka?" tanong ni Ken na matagal nang nagtatrabaho rito. Naging barkada rin siya ni Anika na ina ni Ace kaya malapit siya sa may-ari nitong kompanya.
"Yes po."
"I see," ani Kendra na tinitigan nang maigi ang mukha ni Kate kaya nakaramdam ng pagkailang si Kate. "Maganda ka."
"H—Ho?"
"Simple nga lang pero kaunting ayos lang, lilitaw ang ganda mo kagaya ni Anika," ani Kendra.
BINABASA MO ANG
4. The CEO's secret
General FictionHindi madaling magpalaki ng anak bilang single mom. Nandiyan ang financial, emotional and physical stress. Dagdagan pa ng mga marites sa paligid na walang magawa kundi ang bantayan ang buhay niya. Hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa pagdad...