23

5.8K 273 50
                                    

A/n:

Hi guys. Alam kong iilan lang ang readers ko. Actually, napapangiti ako sa comments n'yo.  Ang tatalino n'yo☺️😚 Di ba wala akong plot palagi pero ang story na ito ay buo na bago ko pa simulan. Siguro kailangan ko lang ng mga eksena para matawag siyang istorya. Like need ko ng mga names and place, etc.

Nabasa n'yo na ba ang story ng parents nila at ni Tasha? Sa mga hindi pa, basahin nyo muna habang naghihintay ng update dito.
Sold to CEO
Sold to arrogant CEO.
The CEO's secret lover.
















Unedited....



"May meeting ako mamaya, sumama ka sa akin ha," sabi ni Ace nang lapitan si Kate.

"Anong oras?"

"Alas tres. May inutos ako kay Marco kaya hindi siya makakasama."

"Saan ba?"

"Doon din sa madalas na pagmeeting-an, sa hotel," sagot ni Ace.

"Bakit ba doon? Magtipid naman kayo," tanong niya.

"Invited lang ako. Hindi ako ang nag-arrange ng meeting kundi ibang company. Gusto nilang mag-invest tayo sa kanila kaya baka syempre, nagpa-book sa mamahaling hotel."

"Kailangan ba ng dress?"

"Mayroon na ako sa office kaya don't worry," sagot ni Ace kaya napasimangot si Kate. "Wag mo akong tingnan ng ganyan, Kate. Kailangan kita mamaya."

"Syempre trabaho ko rin naman 'yun."

"Date tayo pagkatapos," nakangiting sabi ni Ace.

"Uy, tumahimik ka!" saway niya at palinga-linga sa paligid.

"Saan pala ang mga kasama mo?"

"Sa mga boss nila," sagot niya. Buti nga at wala ang mga ito dahil baka mahirapan siyang harapin si Ace kapag nandito ang mga kasama niya.

"Okay. Hintayin kita mamayang alas tres," sabi ni Ace at napatingin sa wristwatch. "May isang oras ka pa. Two thirty pasok ka na sa office ko."

"Okay po. Tapusin ko lang ang tina-type ko," sagot niya.

"Nag-merienda ka na ba?"

"Yes."

"Good. Wag kang magpagutom ha. Kapag may kailangan ka, magpasabi ka lang kay Marco at sa akin."

"Okay. Thanks," pasalamat niya at napatingin kay Diane na lumabas sa office ni Niel.

"Alis na," bulong ni Kate na kulang na lang ay itulak palayo si Ace.

"I'm the boss, Kate," seryosong sabi ni Ace. "Natatakot ka ba na mahalata nila ang—"

"Diane!" malakas na tawag ni Kate para balewalain si Ace. "Kamusta ang pag-uusap ninyo ni Sir Niel?"

"Hello, Sir Ace," bati ni Diane. "Okay lang naman, nag-ayos lang kami ng ibang files," sagot niya

"Kita na lang tayo after one hour," paalam ni Ace dahil alam niyang hindi na siya papansinin ng asawa at gusto na nitong umalis siya.

Pagpasok sa opisina, tumawag muna siya sa mga magulang at nakipag-usap pagkatapos ay umidlip siya sa sofa.

Nagising siya nang tumawag si Marco. Alam niyang mahalaga ang sasabihin nito kaya agad niyang sinagot.

"Boss," ani Marco sa kabilang linya.

"Ano na ang balita? Hawak mo na?"

"No, boss. Shit, boss. Nawala raw."

4. The CEO's secretWhere stories live. Discover now