26 .

12.1K 372 30
                                    










Unedited....









"Ako itong ina at boss sa bahay pero ako pa ang natatakot na mahuling nagsinungaling!" nakasimangot na sabi ni Kate kaya natawa si Ace.

"Bakit? Wala namang masama kasi nagtatrabaho ka lang. Normal lang na mag-overtime ka sa trabaho," paliwanag ni Ace saka niyakap siya sa bewang.

"Overtime pala," ani Kate.

"We both love it," bulong ni Ace saka hinalikan ang leeg ng asawa. "Kung lumipat na kaya kayo ni Kaitlyn dito?"

"Saan naman kami matutulog?"

"Eh di tabi tayong tatlo. Malaki naman ang kama ko pero pwede rin naman ako sa couch matulog," sagot niya. Napapikit si Ace. Never niya na-imagine ang ganitong sitwasyon noon. In fact, wala talaga sa utak niya ang ganito ka-corny na eksena. "Mas maganda siguro kapag magsama na tayo sa iisang bubong. Tutal kasal naman na tayo."

"Hmm? Magugulat ang pamilya mo at mga nakakilala sa atin."

"Hanggang ngayon iniisip mo pa rin ba sila? O baka si Niel talaga ang inaalala mo at ang pamilya niya?" nagtatampong tanong ni Ace.

"Hindi ah. Syempre magulat sila. Hindi naman naging tayo e."

"Kasal na nga tayo e. Nauna kitang panagutan bago kita ibahay."

"Kahit na ah." Inalis niya ang kamay ni Ace sa bewang pero muli siyang niyakap ng asawa at hinatak palapit sa katawan nito. Nakatalikod si Kate kay Ace kaya ramdam niya ang mainit na katawan nito na nakadikit sa kanyang likod. "Hey, uwi na ako. Anong oras na oh. Sabi ko pa naman hanggang alas sais lang ang overtime ko."

"May thirty minutes ka pa," bulong ni Ace at hinalikan sa balikat si Kate.

"Hey, tama na. Nakadalawa ka na eh. Uwi na po ako," sabi ni Kate saka muling inalis ang kamay ni Ace pero narinig niya ang pag-ungol nito bilang pagtutol. "Magagalit ako, Ace!"

"Fine," pagsuko ni Ace saka hinayaan ang asawang tumayo.

"Sa amin ka na mag-dinner," yaya niya at isa-isang pinulot ang saplot na nakakalat sa sahig. Napalingon siya kay Ace. Hindi maikaila ang pagnanasa sa mga mata nito habang pinagmasdan siyang nagbibihis. Same eyes nang una siyang makita ni Niel na hubo't hubad matapos ng magdamag nilang pagniniig noon. Sinubukan niyang alisin ang ex sa utak. Hindi lang niya maiwasan na maalala ang nakaraan.

"Okay. Bibili pa ba ako ng food natin?"

"Nag-prepare na ako ng lechon manok. I-oven ko na lang 'yun later," sagot niya.

"Okay. Maligo lang ako at punta na ako mamaya," ani Ace at tumayo. "By the way, punta pala sina Mommy bukas."

"Ha? Saan sila tutuloy? Aalis ba muna kami?" nag-aalalang tanong niya dahil sila na ang nakatira sa unit ng mga ito.

"Kina Ate Tasha sila tutuloy or baka nag-book na sila ng hotel. Hindi ko alam pero alam na nilang nandito kayo so don't worry."

"Hala, nakakahiya."

"Bakit naman? Si Ate ang nagbigay sa 'yo ng unit. Isa pa, hindi naman sila tatagal. They can book a hotel sa don't worry, okay?"

Napasulyap si Kate sa matipunong katawan ni Ace. Kahit na ilang beses nang may nangyari sa kanila, naiilang pa rin siyang tingnan ang kabuuan ng asawa.

"Ano na naman ang iniisip ng asawa ko, ha?" tanong ni Ace saka hinawakan sa magkabilang balikat si Kate. "Look at me, asawa ko. Ano ang nasa isip mo, ha? Parang kailangan ko nang mag-worry ah."

4. The CEO's secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon