CHAPTER 3

0 0 0
                                    

Nagising akong nasa hospital. Medyo malabo ang paningin ko dahil nag-a-adjust sa ilaw ng kwarto. Nilibot ko ang paningin at napansin na naroon ang pamilya.

"Your awake," agad kong nakilala ang boses nang lalaking papalapit saakin. He was wearing the cap that Jacob give me.

Umayos na ang paningin ko at agad na nagulat nang si Jacob nga ang taong narito sa hospital.

Agad na lumapit saakin ang mga doktor maging ang nurse at ni-check ang blood pressure ko. May nag-aayos din ng swero sa kanan kong kamay. I flinch when the nurse hold my right hand.

"Jacob!" I tried to get up and he help me up.

Nasa hospital ako.

"S-si, si...Cali.." ani ko at niligid ang paningin sa paligid.

Napatigil l ako at hindi na nagsalita pa nang tumagpo ang paningin namin ni papa. Nakikipag-usap siya sa isang pulis at galit na pinapatunog ang sapatos sa sahig.

Nandito ang buong pamilya, maging si Kuya na ang alam ko ay uuwi sa lunes ay narito na. Maging si Manang ay tahimik na nakaupo, katabi ni Mama.

Alam ko, papa. Sorry na po. I shouldn't made a decision on my own. Hiningi ko muna sana ang opinyon mo bago ko puntahan si Cali.

Nagtagal ang pag-uusap nila at mukhang naging maayos na si papa. Nagpaalam na aalis muna si Jacob para bilhan ako nang makakain dahil tatlong araw daw akong nakatulog rito sa ospital. Alam daw niyang gutom ako at alam ko sa sarili kong gutom nga.

Lumapit saakin si Manang at tiningala ang nakatungo kong mukha. Inayos niya ang buhok ko. "Jusko namang bata ka, oo!"

I smiled at her to show that I'm okay...pero agad din ang pagkawala ng ngiti ng maramdaman ang palad sa pisngi. Napayuko ako.

"Franco naman!" Sigaw ni mama at naramdaman ko ang titig ng lahat.

"Puro na lang ba kahihiyan ang ibinibigay mo sa pamilyang ito!?" Panunumbat niya at dinuduro ang ulo ko pero agad naman siyang pinigilan ni Kuya.

I can feel the pain beside my lips but it's nothing compared to what I did, I'm sorry, it's my fault. I've done it again. I disappoint him again, and it simply break me.

"Kagigising lang po ni Iday!" Pag-depensa ni Manang.

Lumapit siya saakin at hinawakan niya ang namamanhid kong mukha na puno nang pag-aalala ang mga mata. Bigla na lang akong naiyak habang paulit-ulit niyang pinupunasan ang mukha ko.

"Wala akong pakialam!" He stated. "Ano na lang sasabihin ng mga tao?! Na pabaya akong ama?!"

Tinabig ko ang kamay ni Manang na nakahawak sa mukha ko at yumuko para humingi ng tawad.

Alam ko na mali ako ngayon. Ako ang may kasalanan, kung hindi ko sana pinuntahan si Cali, hindi sana mangyayari ito.

"Sorry po, kasalanan ko po. Hindi na po ako aalis ng hindi niyo alam...." Paghingi ko ng tawad. "Pa, hindi na po uulit."

He cursed on me and good thing Kuya was able to block his hand that supposed to land on my head.

Manang hug me as I feel another batch of tears on my eyes. Ganito kahirap kuhanin ang loob nila, pero bakit ang dali lang para kay kuya?

Hindi nagtagal ay kumalma na si papa at umalis ng walang paalam sumunod naman si mama na hindi man lang lumingon saakin.

"Aalis na ho ako, Manang." Paalam ni Kuya at kagaya ni mama ay walang tingin din itong umalis.

I breath heavily as I feel the lump in my throat. Thinking that they didn't bother to ask me if I'm okay. Kung may masakit ba saakin. Humiga na ako ulit at nagtalukbong ng kumot.

YesteryearWhere stories live. Discover now