Simula

1.8K 55 78
                                    


"Ikaw pa rin... ang hanap ng pusong ligaaaw..." I sang while combing my hair and staring at the mirror.

"Tanginang boses 'yan parang kinakatay na baboy," reklamo ni Marcus na nakaupo sa sofa.

I glared at him through the mirror. My eyebrows almost met upon hearing his statement.

Umirap ako sa kanya. "Ang sama ng ugali mo, 'no? Pinaglihi ka siguro kay satanas."

"Tanga. Magkasing-edad lang tayo, Violet. Bakit naman ako ipaglilihi sa'yo?" Natatawang sagot niya.

Muntikan ko nang maibato sa kanya ang suklay na hawak ko. Konting-konti na lang talaga sasaktan ko na 'tong bwiset na 'to, e.

Mabuti na lang ay dumating na sila Hiraya at Cassandra na may hawak na baking pan. Galing sila sa kusina dahil nag-volunteer si Cass na mag-bake ng bento cake para sa amin.

"Hi, my best friend forever in the whole wide world!" Bati ko kay Raya bago tumabi sa kanya at pinaikot ang kamay sa kanyang braso.

She just raised her brow at me. I laughed at her action before I pulled her to sit down on the carpet.

"Beh, nag-iisip ako... anong magandang sunod na i-cover? Tapos ko na 'yung pusong ligaw, e."

"Mouth mo, girl. I-cover mo ang mouth mo." Si Cassandra ang sumagot. They all laughed at her retort.

"Fuck you, Cass. Mga alagad kayo ni satanas!" Nagtatampo kong sabi sa kanya bago sumimangot.

"Hindi mo naman kami alagad..." pang-aasar nila.

I laughed with them. Mabuti na lang ay hindi ako pikon dahil kung oo, matagal ko na siguro silang na-cut off. Ikaw ba naman lagi kang binubully ng mga kaibigan mo? Sinong hindi maiirita?

"Tumigil na nga kayo. Mag meryenda na tayo para makaalis na tayo mamaya," inawat kami ni Raya.

Tumabi sa akin si Marcus bago kumuha ng isang slice ng cake. Habang kumakain kami ay inaayos niya rin ang buhok ko. Sinusuklay-suklay niya ang bangs ko habang iniipit ang ibang nakalabas na strand ng buhok sa likod ng tainga ko.

Hanggang likod lang naman ang haba ng buhok ko kaya mas pinili kong huwag itong itali. Mas maganda rin kasi ang itsura kapag nakalugay dahil mas visible ang natural soft curls. Bumagay rin ito sa curtain bangs ko na ako mismo ang nag gupit.

"Anong kukunin niyong strand sa enrollment?" Tanong ni Marcus.

Ubos na ang kinakain ko kaya nang makita kong hindi pa ubos ang kanya ay binuka ko ang bibig ko para humingi ng pagkain.

Mabilis niya naman akong sinubuan at walang reklamo kahit nasubo ko na ang tinidor na gamit niya.

"HUMSS ako, kayo?"

"HUMSS din," sagot ni Cass na katulad sa sagot ni Raya.

"HUMSS din ako. Mag psychology ako tapos ikaw una kong pasyente, Cass..." sagot ni Marcus na nakangisi kay Cassandra.

"Ulol ka, Marcus Richard." She even raised her middle finger at her.

"Ikaw, Vi? What's your plan?"

Nagkibit-balikat ako.

Honestly, hindi ko rin alam. Ni hindi ko nga alam kung anong gusto ko. Nung nanood ako ng Legally Blonde, gusto ko mag-attorney pero nung natapos ko naman 'yung A Good Doctor, gusto ko na mag-medicine course.

"Ewan. HUMSS na lang din siguro para kasama ko kayo."

"Gaga ka!" Binato ako ni Cassandra ng tissue. "Dapat 'yung strand mo aligned sa course mo sa college para hindi ka mahirapan."

Hues In The Arid EntityWhere stories live. Discover now