Kabanata 1

1.1K 42 29
                                    

Lyon Violet

"Good morning, my perfect family!" I greeted my parents and my brother who's currently sitting in the dining area. Hindi pa sila nagsisimulang kumain dahil siguro'y hinihintay nila ako.

"Finally! Mamamatay na yata ako kakahintay sa'yo," masungit na bungad ni kuya sa akin bago nilagyan ng pagkain ang plato niya.

"Momma, oh!" Pagsumbong ko. "Naririnig niyo po si kuya? Ang sama ng ugali niya! Parang anak ng demon..."

Humalakhak si kuya dahil sa sinabi ko habang nanlaki naman ang mata ni momma. Si daddy ay natawa nang bahagya.

"Violet!" Saway niya sa akin. "What do you mean anak ng demon ang kuya mo?"

Nanlaki ang mata ko dahil sa sermon niya. Saka ko lang na-realize ang sinabi ko nang pagalitan ako ni momma. Tuluyan akong bumaba sa hagdan dala ang bag ko bago lumapit sa kanya. Hinalikan ko siya sa pisngi bago umupo sa tabi ni kuya.

"Joke lang, momma. Ampon 'yan si kuya 'di ba? Edi hindi po kayo 'yung demon."

My father laughed at my remarks.

"Ayan, honey. Ganyan ka rin nung kabataan 'di ba? Edi nakahanap ka ng katapat mo..."

My mother rolled her eyes at him before we started eating.

It's been our family tradition ever since to eat together. Syempre, the family that eats together, stays together! Hindi sila kakain hangga't wala ang isa sa amin kaya siguro ramdam ko ang masamang tingin ni kuya sa akin.

"What?" I asked him.

He glared at me. "Ang tagal-tagal mag-ayos! Akala mo sasali ng pageant sa sobrang tagal mag-ayos!"

I giggled. "Gano'n talaga kapag maganda, kuya. Tsaka alam mo, huwag ka na magalit sa akin kasi sa susunod magiging kamukha mo 'yang pangalan mo."

My father cackled once again. This time, halos mabilaukan na siya katatawa at hinahaplos na ni momma ang likod niya.

Guilty siya. Syempre, siya nakaisip ng pangalan namin ni kuya. Ewan ko ba sa trip nilang dalawa at pinangalanan kami ng kulay. Ako, Violet tapos si kuya Black. Parang trippings lang ng magulang namin 'yung pangalan namin ni kuya.

"Momma, bibili po ako ng school supplies mamaya," paalam ko sa kanya.

"What? Hindi ba bumili ka na kahapon?"

"Hehe," 'yon lang ang nasagot ko.

At dahil kontrabida ang kuya ko sa buhay ko, binuking niya ako kay momma.

"Anong school supplies? Dumiretso sa Watsons 'yan, 'Mi, kaya wala 'yang gamit sa school. Walang ballpen pero may eyeliner... gawin niyang panulat 'yon sa blotting paper na binili niya."

"Epal!" I booed. "First day pa lang naman, kuya! As if naman may isusulat kami! Ano ako, kinder?"

Hinampas ko siya ng tinidor kaya ginantihan niya ako ng kurot. Papaluin ko pa sana siya nang sawayin kami ni momma. Inutusan niya na kaming kumain kaya wala kaming nagawa kung hindi manahimik habang kinakain ang niluto ni momma para sa amin.

"Tara na, kuya! Pumasok na tayo! Gusto ko na maging mabuting mag-aaral ngayong taon!" Masayang yaya ko sa kanya bago muling sinuot ang backpack ko.

Maliit lang naman 'yon tapos hindi siya mabigat. Syempre, make-up lang naman ang laman niyan. Okay lang walang papel, basta fresh at hindi tatablan ng school air.

"Wow, nasaan ang kapatid ko? First time maging excited pumasok?" Nakataas ang kilay na sabi niya.

My smile widened. Sino bang hindi ma-e-excite pumasok kung may reason ka na para pumunta sa school?

Hues In The Arid EntityWhere stories live. Discover now