Kabanata 9

928 33 29
                                    

Lyon Violet

Kahit sinabihan ko na ang sarili kong huwag siyang tapunan ng tingin ay nakita ko na lang ang sarili kong pinagmamasdan ang bawat galaw niya. Hindi ko kasi alam kung paanong alisin ang mata sa direksyon niya lalo na't pakiramdam ko ay sobrang pogi niya ngayon.

He was wearing a blue denim jacket and a black shirt inside. He paired it with loose khaki pants and a black cap. 'Yung sumbrero niya pa ay 'yung may dalawang maliit na bakal sa unahan na animoy piercings.

Mukhang napansin na rin ni Cameron na nandito ako kaya tawa siya nang tawa habang nakikipag-usap sa mga ka-banda niya.

Ano kayang pinagtatawanan nito?

Natigil lang siya sa kakadaldal nang binatukan siya ni Antonette. Bumaba silang dalawa saglit habang naiwan si Iñigo at Steven sa stage.

"Uy, lodi!" Tinapik niya ang balikat ko bago tumawa. "Akala ko ba ang-momove on ka na? Bakit nandito ka?"

"Pwede huwag kayo assuming? Hoy! BFF ko na kaya si Sachie. Sinamahan ko lang siya. Hindi ko naman alam na kayo pala 'yung pupuntahan namin."

"Hoy! Dapat friends lang kayo! Pwede huwag mo agawan ng best friend si Josiah?"

"Hindi naman po ako inaagaw ni Violet. Friends na po kami and si Josiah pa rin naman po ang best friend ko," si Sachie ang sumagot.

"Tamis! Best friends!" He laughed even harder. "Sachie, dapat best friends forever. Baka malungkot si Josiah kapag nalaman niyang hindi forever 'yan."

Namula ang mukha ni Sachie dahil sa sinabi ni Cameron. Mukhang napansin ni Ann na nahihiya si Sachie kaya hinila niya ito pabalik sa stage. Naiwan tuloy kaming dalawa habang pinanonood mag-start sa pag-peperform ang banda.

"Good evening, everyone. My name is Cameron Miguel and I am the frontman of Dynamics. For tonight, we want to sing our original song for our first song and then we're going to accept a request from the audience," seryosong pakilala ni Cameron.

Nag-iwas ako ng tingin nang mag-umpisang tumugtog ang banda. Kasi naman, si Iñigo ang unang nag-hit ng beat.

Shet, alam na alam niya talaga paano ako kunin.

Habang kinakanta nila ang composed song nila ay kita ko rin na nag-eenjoy ang mga audience sa pakikinig sa kanila. Alam kong hindi pa sila kilala dahil nagsisimula pa lang sila pero maganda na agad sa pandinig ang first song nila.

It's about being in love with someone... that you're willing to do anything for them, kahit ialay mo pa ang buong ikaw.

Para sa pangalawang kanta, may nag-request sa audience ng kantang Perfect ng One Direction.

Unang strum pa lang ni Steven sa lead ay gusto ko na agad tumili pero pinigilan ko. Nonchalant kasi ako ngayon dahil nag-momove on nga ako kay Iñigo.

Pero, tangina. Paano ako makakapag-move in kung sinundan niya ng pag-hit sa drums ang note na unang binigay ni Steven? Shet talaga.

At kahit anong pigil ko, wala, e. Bigla na lang napupunta kay Mikael ang atensyon ko. Nasa kanya na naman ang mata ko habang tumutugtog siya ng drums. Kalmado lang ang paraan niya ng pag-hit sa drums pero ang lakas ng sex appeal niya.

Fuck it, wala na.

"When I first saw you from across the room, I could tell that you were curious, oh, yeah..." Cameron's voice echoed around the whole resto.

I kept murmuring to myself. Kay Cameron ang tingin, Violet.

"Girl, I hope you're sure what you're looking for. 'Cause I'm not good at making promises..."

Hues In The Arid Entityजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें