Kabanata 8

863 33 25
                                    

Lyon Violet

"Hindi na, may trabaho pa ako," sagot niya.

"Edi kainin natin sa trabaho mo! Let's go!" Hinawakan ko ang pulsuhan niya at nagmamadaling nag martsa papunta sa front gate. Mabuti na lang at pwede nang lumabas dahil tapos naman na ang exams.

He slowly removed his hand before he held me in my bag pack. "Kaya ko maglakad mag-isa. Hindi mo ako kailangang hawakan."

Nakanguso ako habang naglalakad kami papunta kung saan ang coffee shop na pinag-tatrabahuhan niya. Medyo maraming estudyante na galing sa school namin at sa iba dahil siguro examination week ngayon. Maraming students ang dumiretso rito after ng exams.

"Pre, aga mo, ah? Hindi mo nabasa chat ni Madam? Pinag-OT niya si Gian, mamaya pa raw shift mo," bungad sa kanya ng lalaking naka-apron at may hinahalong drinks.

Iñigo looked at his wrist watched before replying, "anong oras daw shift ko? Hindi ko nabasa chats niya."

"Mamayang mga alas dos ka pa raw 'pag out ko..." the guy answered as he looked up the wall clock. "Hindi ka pa isang oras."

"Sige. Lunch muna ako, 'tol," sagot niya bago nakipag-fist bump sa kasamahan.

Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa umupo siya sa pinakadulong seat na table for two.

"Kakain ka?" Excited kong tanong.

"Tayo..." he paused. "Kakain tayo."

Mabuti na lang ay pwede raw kumain ang employees dito sa coffee shop kahit hindi galing sa kanila ang pagkain. Kumuha lang si Iñigo ng utensils para sa kanya at dalawang basong tubig. Napansin kong wala siyang dalang plato kaya nagtataka ko siyang tiningnan.

"Saan ka kakain?"

"Diyan," nginuso niya 'yung container na may kanin. "Hindi ka naman laway conscious 'di ba?"

I nodded.

Lies. OMG! Super LC ko kaya when it comes to other people pero kapag siya? G lang! Kahit mag-share pa nga kami ng isang straw.

We ate in silence. Kapag susubo ako, kukuha naman siya ng pagkain mula sa container para hindi maging crowded at magkatamaan ang mga kutsara namin. Sometimes, hihimayan ko siya ng chicken at aalisin ang laman sa buto para hindi siya gaanong mahirapan kumain.

"So... gaano ka na katagal nag-wowork dito?" Curious na tanong ko.

"Just last summer. Full time," sagot niya.

"Tapos ngayon, nag-part time ka na lang kasi may pasok na 'di ba? Shift system kasi 24 hours naman 'tong open?" I concluded. Mukhang tinatamad din kasi siyang mag-kwento.

Tumango siya sa kwento ko bago nagpatuloy kumain.

Nasa gitna kami ng pag-kain nang maramdaman kong may kumalabit sa akin. Naka-uniform siya ng sa school namin pero pang-junior high. Kulay blue ang lanyard niya so I'm assuming that he's in 10th grade.

"Ate, ikaw po ba 'yung may camera nung nakaraan? 'Yung sa Ginoo at Binibining Wika?" Tanong niya.

I smiled at him. "Hello! Hindi ko sure kung ako 'yung tinutukoy mo pero kasama kasi ako sa photojourn, bakit? Nagpa-picture ba kayo no'n tapos gusto niyo ipa-send?"

Umiling siya. "Taga HUMSS ka po ba? Tapos color 'yung pangalan mo?"

"Yes, bakit? I'm Violet!"

"Ah!" Napakamot siya sa kanyang batok. "Hehe, ikaw nga po 'yon. Ang ganda mo po."

My heart melted at his compliment. Mas lumaki tuloy ang ngiti ko dahil doon.

"OMG, thank you! Anong grade ka na?"

Hues In The Arid EntityWhere stories live. Discover now