004

4 0 0
                                    

KATHERINE's P.O.V.

"What the hell happened?!" Sigaw ni Jake pagkapasok na pagkapasok ko sa office. Parang mas galit pa siya kaysa sa akin ah. "Anong ginawa mo?!"

"Nakita mo ba?" Tanong ko na nakapagpahinto sa kaniya. "Nakita mo ba ang braso ni Ezekiel? Nakita mo ba kung paanong naghihingalo si Pearl? Nakita mo ba kung paanong walang magawa ang District 4?" Pinilit kong huminahon. Pinilit kong huwag nang sobrahan pa ang galit ko.

"Ano nam-"

"Hindi mo nakita, 'di ba?"

"Kararating ko lang, for fuck's sake!"

"Kaya huwag mo akong pagtaasan ng boses dahil wala ka! Kung kailan wala ako, do'n mo piniling umalis din!" Naiinis ako. Hindi ko alam kung bakit, pero naiinis ako. "Paano kung wala ako?! Ano sa tingin mo kahihinatnan ng District 4 dahil wala silang nakuhang permiso galing sa 'yo?!"

"I didn't know that they'll come! Don't blame me for what happened!"

"You're fucking irresponsible! Your district is being fucked up, while you're out there doing some fucking things that is fucking unknown to everyone! You fucking don't deserve your fucking position if you can't fucking even stay here to keep the fucking safety of everybody!"

"Woah...that's a lot of 'fuck'." Tumingin ako kay Ezekiel na kakapasok lang sa office. Agad dumapo ang paningin ko sa braso niyang kulay lila na. Nilapitan ko siya at hinawakan ang braso niya. Narinig ko pa ang mahina niyang pagdaing nang dumampi ang daliri ko sa parte na kulay violet. "Okay lang ako, Kat."

"Sorry..." Yes...Kasalanan ko. It was all my fault. Kahit nasa malayo ako, dapat pinapanatili kong ligtas ang pinamumunuan ko. Hindi ko dapat ipinapaubaya sa iba. "Sorry, sorry, sorry, sorry...I'm really sorry..." Hindi ko alam kung kailan at saang mata nag-umpisa ang pagpatak ng mga luha ko, basta nalang silang lumabas nang hindi ko namamalayan.

Kanina, habang nakatingin ako kung paanong nahihirapan ang mga miyembro ko, may pumasok sa isip ko na hindi naman dapat. Just a thought of that made me so enraged. Hindi ko napigilan ang sarili kong gumamit ng lakas at awtoridad sa kinilos ko. Sobrang sama ng loob ko no'ng mga oras na 'yon. Sobra sobrang sakit sa dibdib ang naramdaman ko habang pinapanood sila. Nagpakain ako sa galit na nararamdaman ko kanina.

"Hindi mo kasalanan, Kat." Ani Ezekiel saka ipinulupot ang braso sa akin para yakapin ako. Patuloy ako sa pag-iyak habang siya ay pinapatahan ako. "Lagot ka, Jake."

"Ulol!" Naramdaman kong may dumampi sa likod ko at hinaplos 'yon. "Sorry, Captain."

"Hmp!"

"HAHAHAHA! Nagtatampo, pre. Suyuin mo 'to! HAHAHA!"

"Ano ba?!"

Gladly, the night went good. Maliban nalang sa namugto ang mata ko at pinagtawanan ako ng mga halimaw na miyembro ng district. Para namang hindi sila umiyak sa tanang buhay nila.

Naalala ko naman ang nangyari kagabi. Hindi pa nagawa ni Carlie na saktan ang kahit sino sa District 4, pero kagabi ay ginawa niya. Ano ang nasa isip ng babaitang 'yon? Akala niya ba ay hindi ako pupunta? At nagsama pa siya ng hindi ko kilala.

Sigurado akong uulitin nila ang nangyari kagabi, kaya siniguro ko na bigyang permiso ang kahit sino sa distrito na lumaban upang iligtas ang sarili nila. Ang mga gunggong naman ay natuwa pa na parang mga batang pinayagang maglaro.

"Earth to Katherine." My head immediately snapped to look at the caller of my name. "Finally."

"Ang baho ng pangalan ko. Huwag mo nang babanggitin 'yon." Inayos ko ang pagkakaupo sa silya saka itinuon ang atensyon sa harapan.

THE WORLD'S MAJESTYWhere stories live. Discover now