008

4 0 0
                                    

KATHERINE's P.O.V.

Naiwan sa third floor ang kalahati ng grupo para kuhanan ng picture ang mga bakas ng dugo ro'n. Kami naman ay nagtitiis ng masangsang na amoy at hindi kaaya-ayang paligid ng fourth floor.

May mga putol na parte ng katawan ang basta-basta mo nalang makikita sa kung saan. Si Oliver lang ang kasama ko sa team namin, kaya hindi problema na baka mandiri o masuka siya sa nakikita, pero parang ang distansya niya sa akin. Sa district naman ay sina Ezekiel, Pearl, at Eugene ang nandito na kumukuha ng picture ng bawat makita nilang dapat ilagay sa record.

"Cap, tignan mo." Lumapit ako sa tinuro ni Oliver. Bakas 'yon ng kalmot sa kahoy na lamesa. Nang ilibot ko ang torch sa loob ng kwarto ay napupuno ng kalmot at guhit ang dingding. "Parang may sira sa utak ang huhulihin natin ah."

"Kat! Nasaan ka?" Narinig ko ang boses ni Kiel kaya sumilip ako sa corridor. Nakita niya naman ako agad kaya lumapit siya sa akin. "Gustong-gusto talaga nila ang linyang 'yon." May ipinakita siyang mga papel na puro sulat ng linya mula sa libro ni Lithuan. "Saka ito, tignan mo." Picture naman 'yon ng bangkay na walang kalmot sa katawan, pero may kagat sa bandang balikat.

"Tao ba 'to o ano?"

"Ito pa oh." Dumating naman si Eugene at Pearl na may dala-dalang syringe at bottle ng asul na likido. Kinuha ko ang bote at itinapat sa apoy. Nagbago ang kulay no'n, mula asul ay naging pula. Pero nang matanggal sa apoy ay bumalik din sa dating kulay.

"Angas" Sabi ko.

"Akala ko naman maganda ang sasabihin mo." Banat agad ni Oliver.

"Akala ko rin eh." Eugene.

"Nasa isip ko nga na may natuklasan siya o ano HAHAHAH" Pearl.

"Hindi niyo pa ba kilala si Kat? May sinabi bang matino 'yan?" At Ezekiel.

"Sino ba 'to?" Turo ko sa lalaking may pulang buhok.

"Kapatid nila." Turo niya naman sa mga patay.

"Okay na ba lahat? Baba na tayo." Nakita namin ang iba sa labas na ng building. May mga dala rin sila na nakuha nila sa third floor. Ang second at first floor kasi ay clear naman.

"Ano 'to?" Tanong ni Jake sa dala ni Pearl.

"Katas ng Havony?" Lahat kami ay tumingin kay Kitty na nagsalita. "Sa kulay at lapot ay masasabing katas ng bulaklak na Havony 'to. May ganito sa lugar niyo, Carol."

"Yeah. They're hazardous by the way."

"How?" Tanong ni Jake.

"Kapag nakainom ng katas o nakadikit sa bulaklak nito ang isang tao, magiging allergic sila sa init, which can cause their death dahil hindi nila makayanan ang init na nararamdaman nila." Paliwanag ni Kitty. "To keep the patient alive, nilalagay nila sa malamig na lugar, tulad ng freezer or snowy areas. Kahit anong lamig ng paligid ay hindi maapektuhan ang katawan nila, normal lang silang makakakilos."

"Allergic sa init huh?" Tulad ng ginawa ko kanina ay itinapat ni Jake ang isang bote sa apoy at nagbago ang kulay no'n. "This explains their red eyes."

"Kung na-poison nga sila, paano naman sila nananatiling buhay sa init ngayon?" Tanong ni Flame.

"It's simple, they have a master who's taking care of them." Simpleng sagot ko habang nakatingin sa isang puno sa hindi kalayuan. Nginitian ko siya, at nakita naman ni Jake at Ethan 'yon. Mukhang pareho nilang nakuha ang ibig sabihin ng ginawa ko, kaya nanatili lang silang umakto ng normal.

"Fuck, nakakatakot." Kabadong saad nanaman ni Flame. Itong lalaking 'to, matatakutin pa sa bata.

Naramdaman kong nawala si Eugene sa paligid namin. Maya-maya pa ay may tumunog sa likod ng puno at lumabas si Eugene na may hawak-hawak na babae.

THE WORLD'S MAJESTYWhere stories live. Discover now