KABANATA 10

1.3K 88 2
                                    

“SAAN ka nagtungo nang araw na iyon? Nagsumbong ang isa sa mga kasambahay natin na gabi ka na nang nakauwi. Buti na lamang at nakita ka ng tagahatid ng mga gulay sa bayan at ihinihatid ka rito sa ating tahanan!” Galit na sermon sa akin ni Don Alipio habang nasa aking harapan. Nakahawak naman sa mga bisig niya si Doña Esperanza na sukbit ang takot sa mukha.

Nakakatakot siya magalit.

Nakaupo kami ngayon sa sofa dito sa sala ng bahay. Nasa single sofa lang ako habang sina ama at ina ay nasa mahabang sofa.

 Nasa pagitan naman namin ang mahabang kahoy na lamesa. Sinigurado ko talagang may malayong distansya ako sa kanila. Hindi ko pa kilala si Don Alipio baka mamaya pagbuhatan pa ako ng kamay.

Nakasisiguro akong kaninang umaga pa nagsumbong yung mga kasambahay.

 Tirik na kasi ang buwan nang makauwi ako kagabi. Pati ba naman dito sinesermonan parin ako ng aking ama.

 Hays!

Kasalanan ito nang kutsero, 'di makapaghintay eh. Iniwan ba naman ako. Kaya ayun nilakad ko na lang, inabot pa ako ng dilim, buti na lang at nakita ko yung kalesa na papunta sa Hacienda Claveria, kaya ayun nakisakay na ako.

“Sagutin mo ang aking tanong! Saan ka nagtungo kagabi?”

Shit! ate Adelina help, huwag ka muna matulog.

“Do—ama, sa bayan po.” Nauutal kong sabi dahil sa takot.

Nakakatakot ang sigaw niya mula sa malalim na boses, lalo na yung pabigla niyang pagsigaw.

Naalala ko tuloy si Dad Fredo. Simula bata ako ay takot talaga ako sa kaniya. Paano pa kaya kay Don Alipio na mas malaki ang katawan at nakakatakot ang seryosong mukha.

“Alipio, hayaan mo na lang siya, nais niya lamang mamasyal. Maglibot sa paligid, dahil simula bata siya ay 'di niya manlang nasilayan ang labas ng Santa Cruz.” Papapaliwanag ni Doña Esperanza at hinaplos ang mukha ni ama.

Agad namang umamo ang mukha ni ama, sa tingin ko'y nabawasan kahit papaano ang galit sa mukha nito. “Sa susunod ay huwag mo na iyong uulitin.”

“Kasama ko naman po si Leonardo.”

“Tignan mo, kasama niya naman pala ang ating manugang. Tunay nga na magkaibigan na sila.” Tumingin sa akin si Doña Esperanza at nginitian ako. Ang lambot ng kaniyang ngiti. Bagay na bagay sa maamo at makinis niyang  mukha.

“Sige, basta sa susunod ay magpaalam ka bago umalis.” Padabogna tumayo si Don Alipio at  umalis na sa sala. Mukhang 'di pa lumalamig ang kaniyang ulo.

Ngumiti sa akin si Doña Esperanza at lumapit. Umupo siya sa gilid ng sofa, mas mataas siya sa akin. Hinaplos niya ang aking buhok.

Ang lambot ng kaniyang kamay. Habang ang isa niya namang kamay ay nakayakap sa aking balikat.

“Huwag mo na lamang intindihin ang galit ng iyong ama. Binalot lamang siya ng galit dahil ayaw niyang mapahamak ka.” Pag papaliwanag niya.

Nagbalik lamang ako ng ngiti sa kaniya at isinandal ang aking ulo sa kaniyang mga braso. Rinig ko rin sa aking tainga ang mahinang huni niya na nagpahina sa akin at nagpa antok, dagdag pa ang marahan niyang pag himas sa aking buhok.

Gosh! I miss mom Maxxine so much. kamusta kaya siya ngayon? Ano kayang ginagawa niya? Sana okay lang siya.

Pumikit na ang aking mata at dinamdam ang pakiramdam na kasama ang ina, hanggang sa tuluyan na akong umidlip.

KINABUKASAN,  wala akong ginawa kun’di ang tumihaya sa aking kuwarto. Gusto kong gumala, gusto kong uminom pero saan?

ManawariWhere stories live. Discover now