KABANATA 35

914 49 36
                                    

KABANATA 35

“ESTEBAN, halika na.” Sigaw ni Inggo. Naglakad siya papunta sa akin. Ngayon ay hinawakan niya na ang aking kamay at hinila, na siyang nagpagising sa akin sa katinuan. “Kanina pa kita tinatawag.”

“Paumanhin.” Tanging nasambit ko. Hindi ko alam kung bakit biglang nawala ang mood ko. Dahil siguro nakita ko si Leonardo na may kasamang babae.

“Mag gagabi na, baka pagalitan tayo ni manang Esperanza.” Sermon niya pa sa akin. Iniabot niya sa akin ang isang supot. “Oh, ayan. Sinupot ko yung mga pagkain na nakuha ko. Tig isang supot tayo.” Dagdag pa niya.

Kinuha ko naman iyon sa kaniya. “S-salamat.” Nauutal kong pasasalamat. Hindi pa rin maka move on ang utak ko sa nakita kanina. May kirot parin akong nararamdaman sa puso ko.  Hindi ako makapaniwala na magkikita pa kaming muli, 'di ako makapaniwalang sobrang layo na namin sa isa't isa ngunit pinagtagpo kaming muli.

Kailangan ko siyang makausap, pero dapat wala ang kaniyang ama. Natatakot na akong magulo kong muli ang buhay ni Esteban. Ako ang may kasalanan kung bakit naghihirap ang katawan na gamit ko ngayon.

Siguro ay kaibigan lamang ni Leonardo ang babaeng kasama niya kanina. Pero bakit ganon, wala manlang akong makitang ekspresyon ng kasiyahan sa mukha ni Leonardo, hindi ba siya masaya na nakita niya akong muli?

“Oh, napapatunganga ka nanaman. Ano ba ang nangyari sa iyo. Daig mo pa nakakita ng multo. Gabi na, baka magalit si manang Esperanza.” Sigaw ni Inggo, nasa kalayuan na pala siya.

Tumingin ako sa kaniya at nagbigay ng pilit na ngiti. Pagkuwan ay nagsimula narin akong umabante palapit sa kaniya.

Nilakad namin hanggang sa nakarating kami sa bahay, pumasok kami sa loob. Doon ay kumakain na sila ate Adelina at Ina. Isda ang kanilang ulam, may prito na talong din. Sa gitna ng mesa ay naroon ang lampara na nagsisilbing ilaw sa hapag kainan.

Kaka-refill lang namin ng langis niyan kaya mas magagamit namin ng pang matagalan.

“Anak, halika at kumain na.” tumayo si ina at inialay ang upuan, upuang gawa sa nasibak lamang na puno.

Ngumiti ako kay ina. “Salamat ina.” Lumapit ako at inilagay sa lamesa ang ibinigay sa akin ni Inggo na supot. Laman nito ay lechon, karne ng baboy at manok na iba't iba ang pagkakaluto.

Salamat nalang talaga kay Inggo at nagawa pang makapagsupot ng ganito karami.

Kumuha naman si ina ng mga mangkok na gawa sa bao. Doon niya inilagay ang mga pagkain na ibinigay sa akin ni Inggi.  “Inggo, sumabay kana rin sa amin sa pagkain.” Pag-aya ni ina.

“Sige lang ho.” Mula naman kay inggo na nakasandal lamang sa pintuan. “Manang Esperanza, mauuna na po sana ako, baka hinahanap na po kasi ako ni Inay.”

“Sige, mag-ingat ka.” Mula kay ina, umupo na siya at nagsimula na ulit kumain. “Siya nga pala, pakisabi kay Ate Onse, bukas ko ibibigay ang pang bayad dito sa bahay.”

“Sige ho manang, makakarating sa kaniya.” Mula naman kay Inggo at nagmamadaling umalis na ng bahay.

Mahinang natawa si ina at napa iling-iling. “Nako, pagagalitan nanaman iyan ni ate Onse. Laging gabi kung umuwi. May pagkapilyo talaga pero mabait namang bata.”

Ipinagpatuloy namin ang pag-kain. Hindi rin namin maiwasang mag kuwentuhan patungkol sa nangyari ngayong araw, nag tatawanan, masaya akong makita sila ng ganito sa kabila ng pinagdadaanan namin. Habang ako, pinigilan kong ikuwento ang mga nakita ko. Pinipigilan ko ang aking sarili na sabihin sa kanila na narito ang mga Villanueva.


MAAGA pa lamang ay nangbulabog na si Inggo. Kung sa bagay ako na lang naman ang tulog. May pagtataka rin ako kung bakit ang aaga gumising nina kuya herman, ate Adelina at ina. Sa kabila ng pagod ay nagawa pa nilang magising ng ganoon maaga.

ManawariWhere stories live. Discover now