KABANATA 37

831 43 33
                                    

KABANATA 37

NAKAUPO si Leonardo at Esteban sa isang malaking tipak ng bato. Sa kinauupuan nila ay kita ang maganda at bilog na bilong na buwan. Ang repleksiyon nito ay may kalabuang nakikita sa maalon na tubig ng dagat.

Naka akbay si Leonardo kay Esteban habang sukbit ang pinaka matamis na kurbang ngiti sa kaniyang labi. Hindi niya lubos isipin na may nararamdaman  ang minamahal niyang binata sa kaniya. Ang buong akala niya ay puputi pa ang buhok nila bago niya ito mapaamin.

Ngayon ay alam niya nang isang kahibangan ang maniwala sa kaniyang ama, sa mga sinasabi nito  na ang mga Claveria ang nagtaksil sa magkabilang pamilya. Kaunting paglason na lamang ng kaniyang ama sa kaniyang utak ay mawawala na ang tiwala niya sa pamilyang Claveria at ang pagmamahal niya kay Esteban.

Isang napaka laking suwerte  na naisip ng tadhana na muli silang paglapitin ni Esteban. Maliban sa isang malakas na sampal ang ibinigay nito sa kaniya, isang napakalaking sampal rin para sa kaniya ang nalaman na ang kaniyang ama ang mali.

“Hindi ako makapaniwala na ako'y mahal mo rin.” Ani Leonardo at hinigpitan ang pagkaka akbay kay Esteban palapit sa kaniya kaya naman nagawa niyang halikan ang bunbunan ng ulo nito.

Napatakip naman ito ng kamay sa  bibig. Kapansin-pansin na itinatago nito ang ngiti at labis na kilig. “M-masaya din ako na nasabi ko na... na mahal kita.” Tinuran nito na animo'y hirap na bigkasin ang bawat salita.

Mahina lamang siyang napatawa. “Paumanhin sa nagawa ng aking ama.” Tanging lumabas sa kaniyang bibig kaya naman agad na napawi ang kaniyang ngiti.

Napatingin si Esteban sa kaniya. Bumuntong hininga ito. “Alam mo, hindi ngayon ang oras para sa ating problema. Bukas na lamang ‘yan, pag-uusapan natin.” Tumayo na si Esteban at tumalon pababa sa bato. Pagkuwan ay kinuha ang lampara na nasa buhanginan. “Tara na nilalamig na ako. Tignan mo oh, wala tayong kadamit-damit.” Dagdag pa nito.

Mahal ko talaga, tila sa lahat ng oras ay laging sumesermon. Salita mula sa utak niya na nagbigay sa kaniya ng ngiti.

Tumalon rin siya, kaya naman ay nakababa na siya sa bato, napagtanto niyang hanggang  bewang niya lamang ang taas nito. Hinawakan niya ang lampara na hawak ni Esteban. “Sandali lamang!” Kinuha niya ang lampara at ibinalik muli iyon sa buhanginan.

“Bakit?”

“May kakayahan akong magpainit ng isang tao.” Saad niya at yumuko, nahihiya siyang baka maintindihan ni Esteban ang nais niya.

Tumawa lamang ito. “Oo na, lagi ngang nangiinit ang mukha ko, lagi mo nalang akong pinapakilig.” Anito at may patapik-tapik pa sa kaniyang braso.

Maging siya ay medyo natawa rin.
“Hindi iyon ang aking nais sabihin. Hindi lamang ang iyong mukha ang mag-iinit. Maging ang iyong buong katawan… Gusto mong subukan?”

“Ano ka, heater?” hinila nito ang kaniyang kamay. “Tara na do’n sa bahay.” Pagpupumilit nito.

“Sandali lamang, gusto mo bang subukan?” tumingin siya sa mga mata ni Esteban na ani mo'y kaawa-awa siya kung hindi siya nito papayag sa naisin niya.

Napaikot mata na lamang si Esteban at bumuntong hininga. “Sige na nga! Para matigil na ‘yang kaluluwa mo.” Inis na saad nito.

Muli, isang napaka saya at napaka laking ngiti ang pinakawalan niya. Lumapit siya sa bato. “Mahal ko, upang maramdaman mo ang init. Ikay humiga sa batong ito.” Aniya at kumumpas-kumpas pa na ani mo'y mahikero. Sumulyap siya kay Esteban at kinindatan ito.

Seryoso lamang na nakatingin sa kaniya si Esteban. Iniisip nito na tila wala na sa katinuan si Leonardo.

Lumapit na si Esteban sa bato. Sumandal siya sa bato. Ipinatong doon ang kamay at nagbigay ng puwersa paitaas na dahilan kaya napaupo na siya sa ibabaw nito.

ManawariWhere stories live. Discover now