Chapter 3

26 2 4
                                    

"Tang-inang meeting 'yan. Kararating ko pa nga lang dito, tapos meeting na naman? Edi babalik na naman ako sa office, gano'n?" Laking angal ni Axienne nang sinabihan siya ni Irene tungkol sa meeting.

Mag-classmates sila. Nakaupo lang ang SSG President sa seat niya while doing her make up.

"Pero, Axienne, urget kasi, eh." Mainam na pinaliwanag ng SSG Secretary ang dahilan. "Ang school head na mismo ang nag-utos na mag-meeting tayo. Pupunta siya sa office mamaya kapag nakumpleto na tayong officers."

"Aish!" Napatayo siya sa kanyang upuan at pasimple silang lumabas sa classroom na walang inaabala dahil wala rin namang teacher na nagbabantay sa kanila after lumabas ng kanilang subject teacher.

Pababa na sila sa building and they are now heading through the SSG office.


SSG Office, 12:48 PM.

Nasa office na ang mga SSG officers, ang secretary at president na lang ang hinihintay para umpisahan na ang meeting.

Nakaupo na sila sa kani-kanilang mga table.

Si Kevin Tolentino, isang grade 12 HUMSS strand na siyang vice president ng SSG ay nakaupo sa seat niya at katabi niya naman ang treasurer na si Virgie Samoya na kaklase rin ng president.

Sa tabi ni Samoya ay nakaupo ang auditor na si Mariane Montefalco, isang grade 12 ABM student. Sa tabi naman niya'y si Raven Nausico na isang grade 11 EIM, na katabi naman ng Person Information Officer na si Kyle Macosa galing sa grade 11 HUMSS.

May isa pang linya sa office sa mismong tapat ng seat ng major officers kung saan nakaupo ang mga curriculum representatives mula sa grade 7 hanggang sa grade 12.

Si Ariane Maguante, grade 12 representative, kaklase pa rin ng president. Si Ray Ocampo, grade 11 representative na kaklase naman ni Kyle Macosa. Si Christian Alvero, grade 10 representative. Si Annie Arnuello naman sa grade 9, na katabi ni Marco Molave na grade 8 representative, at ang nasa pinakadulo ay si Bethalyn Sanchez na siyang grade 7 representative.

Nasa harapan ang seat ng President, at nasa gilid naman ng President's table ang Secretary's table, na parehong bakante.

Nakaupo si Frizt Gonzales na siyang SSG adviser nila sa adviser's table katabi ang school principal na si Ma'am Shiela Hairy.

"What's the rush?" Annie can't resist asking the question to her seatmate, and then without her expecting, it was answered by Christian. "There are students na nagdadala ng baraha dito sa school natin at ginagawang pasugalan ang classroom nila during lunch break. It's so suspicious because walang teacher na sumisita sa kanila."

"Oh, so it's like Kakegurui? Like the anime? Ang exciting nito!"

"It's not exciting. It will be an issue to the school." Christian bitterly responded.

And then suddenly, Marco joined the conversation. "Siguro pinapayagan sila ng mga teachers na maglaro lang."

"Don't be ridiculous." Sabat ni Ray Ocampo. "A teacher can't allow such behaviors like that. Walang matinong teacher ang mag a-allow ng students niya na magsugalan sa loob ng kanyang classroom."

"So, are you saying na hindi lang talaga sila nahuhuli?" Said Annie.

Bumukas na ang pinto bago pa man makasagot si Ocampo.

"Oh, there she is." Saad ng Vice Pres with some drop of mockery on her. "Sa wakas at dumating na rin."

"Shut it, Kevin." Naiinis na banggit ni Axienne while heading to her seat without her knowledge na kasama nila sa iisang silid ang principal, until nakaupo na siya sa table niya at mismong sa tabi ni Sir Frizt nakaupo ang school principal.

High School Of Tension: Ace Of SpadesWhere stories live. Discover now