Chapter 10

14 2 0
                                    

"Paano kung mahuli ka nila?" Asked Mariano.

"Hindi nila ako mahuhuli." Ernand replied.

"Paano kung kausapin ka nila in English?"

"Wala akong pakialam. Nakipaglaban ang mga bayani natin para makamit ang kalayaang makapagsalita gamit ang sarili nating wika. At anong masama kung ayaw ko mag-English? Napakababa ba nating uri ng estudyante kung hindi tayo magsalita in English?"

"Pero paano kung hahamunin ka nila mag-English speaking?"

Nang sinabi ni Mariano ang tanong na iyon, natahimik ang buong klase at ang tanging naririnig ay ang tunog ng mga hangin na dumadaan sa bintana.

Napangiting nagyabang si Ernand, "Huwag nila akong pagsalitain ng English at 'wag na 'wag nila akong hahamunin, dahil kapag nag-english ako, pati Amerikano ma no-nosebleed."

Lahat ng SSG officers ay nag-lunch sa SSG office maliban kay Kevin. Sino ba naman ang aayaw sa air-conditioned na office exclusive for student-leaders?

Hindi sumama si Kevin sa kanila hindi dahil ayaw niya sa air-con, kundi ayaw niyang minamaliit lang siya ng ibang mga SSG officers. Palibhasa ay karamihan sa mga officers na nanalo ay galing sa partido ni Axienne.

Si Kevin lang ang nanalo sa major officers galing sa kanyang partido.

Nagtatawanan sila at nagkukulitan, habang si Chester naman na nakaupo sa Grade 8 Representative's Table, ay nababagabag.

Something's bothering him.

He never thought that he would get hurt like that after his confession, that in a very young age, his young heart is wounded already.

While the cold breeze of air-conditioning covered his body, making him more lonely.

Kumakain naman si Kevin sa kanilang classroom. Ayaw niyang makisalo sa mga taong kakampi ni Axienne.

"Akalain mo!" Dala ng labis na pagkatuwa, ipinahayag ni Ryan ang kanyang nararamdaman sa mga kaganapang nangyayari sa classroom nila ngayon. "Mga honor students pa ang may ideya na magpasimuno ng sugal dito sa classroom!"

"Mas malala pa tayo sa last section, eh! Anong nangyari sa section A? Bakit naging section Z na?" Cassey Leron raised an attacking opinion disguised as a question.

Hawak ang baraha, ipinahayag din ni Greg Soriano ang kanyang saloobin, "Hindi pa rin ako makapaniwalang ideya ito ng mga honor students."

That's because Gray Mendioso and the class president Charisa Barley joined the war. Gray can't take it anymore. The SSG came off this far to abuse the power vested in them.

"What difference does it make? Honor students o hindi, it doesn't matter anymore. Kalaban natin ang SSG, kaya wala nang with-honor with-honor sa ganitong sitwasyon." Roco Eul too raised his view while holding his winning cards in front of his opponents.

"Ako rin, honor student." Biglaan na lang ang pagsulpot ni Juan sa eksena kasabay ng pagsulpot niya sa usapan.

Silang lahat ay napatingin kay Juan na nakatayo sa bandang likod ng classroom na makikitang nakabukas ang back door.

Due to a sudden shock, nabigla rin si Cassey nang napatanong siya kahit wala naman talaga siyang balak na magtanong. "S-Sino ka! Paano ka nakapasok?"

"Honor student ka, 'di ba?" Juan replied. "Edi ibig sabihin, matalino ka. Kung matalino ka, edi dapat alam mo kung paano ako nakapasok."

Nanlaki nalang ang mata ni Cassey, at napanganga na lang din si Gray Mendioso habang pinagmamasdan na naman ang katarantaduhan ni Juan.

Tumingin lang si Juan kay Charisa at hindi ito sinagot. Maya-maya ay naglakad siya papunta sa harap habang nagsasalita.

High School Of Tension: Ace Of SpadesWhere stories live. Discover now