Chapter 4

23 2 6
                                    

Habang patawid si Marco Molave sa kalsada ay maingat siyang nagbantay sa mga sasakyang dumadaan.

Yumapak na siya sa pedestrian lane ngunit sa kasamaang palad, sa pinakamalas na paraan at kaganapan, ang kawawang Grade 8 SSG Representative ay nabangga ng humaharurot na ambulance vehicle sa mismong tapat ng gate ng Banyaga National High School.

Tumilapon si Marco at napuruhan nang husto ang kanyang ulo. Huminto ang sasakyang nakabangga sa kanya dahilan upang matigilan si Juan sa pag-inom ng kanyang buko juice.

Biglang nataranta ang mga tao na nakasaksi sa insidente. Hindi mapigilang sumigaw ng babaeng tindera ng juice dahil sa pagkahabag niya, "Tumawag kayo ng ambulansya!"

Ngunit hinarap siya bigla ni Juan at sinabi ni Juan sa kanya, "Ambulansya po yung nakabangga."

At ngayon, mag co-conduct ng special election ang SSG para sa grade 8 representative dahil sa biglaang pagkamatay ni Marco.

Nakarating ang balita sa Grade 8 SPA kahit walang nag-announce sa section nila.

"Ernand! Ernand! May sasabihin ako!" Hinahabol ni Mariano ang kanyang hininga matapos niyang takbuhin ang canteen patungo sa classroom nilang nasa second floor nang narinig niya ang balita tungkol sa special elections exclusive for grade 8 curriculum.

"Bakit? Papunta ba ang mga SSG dito?" Saad niya naman kay Mariano na nakatayo sa pintuan na parang inaatake na ng asthma habang siya naman ay nakaupo lang sa seat ng long table kasama si Guilbert at Robin at may hawak na mga baraha sa kanyang kamay.

"Hindi! Sa katunayan, hindi nga tayo pinuntahan ng SSG kung kailan nila tayo dapat puntahan!"

Nakuha nito ang interest ni Ernand, napatayo siya dala ang mga baraha niya at lumakad palapit kay Mariano at siniyasat pa nang maigi kung tungkol saan ang impormasyong dala nito.

"Bakit? Ano bang meron? Bakit kailangan nilang pumunta?"

Naagaw ang atensyon ni Juan sa pinagsasabi ni Ernand.

"May kailangan ba akong malaman na hindi nila pinaalam sa akin?"

"Alam mo naman yung nangyari kay Marco kahapon, 'di ba? Yung grade 8 representative?"

"Yung nasagasaan?"

"Oo. Patay na siya."

Laking gulat ng mga kaklase nila sa narinig. Bigla silang natahimik.

Nawala sa focus si Juan. Nakikipag-agawan siya sa kanyang concentration kung makikinig ba siya sa usapan o mag-focus sa baraha niya.

"Sa kasamaang palad, hindi niya kayang labanan si kamatayan. At ang kapalit no'n ay binawian siya ng buhay." Pagpapatuloy ni Mariano. "At narinig kong nag-uusap ang mga SSG sa canteen kanina. Magkakaroon daw sila ng special election para sa grade 8 representative. Usap-usapan din yung eleksyon sa grade 8, pero ang nakakapagtaka, hindi sila nag-announce sa atin."

Naintriga ang kaluluwa ni Ernand. Lumakad pa siya palapit kay Mariano habang binibigkas ang kanyang mga saloobin. "Bakit hindi sila nag-announce?" Pinitik niya sa ere ang mga barahang nasa kamay niya at isa-isa itong nagbagsakan sa sahig. "Takot ba sila na tumakbo ako as grade 8 representative? Takot ba silang maupo ako sa pwesto? Takot ba sila na makapasok ako sa SSG? Pwes kung gano'n, tatakbo ako!"

Tuluyan nang naubos ang pasensya ni Juan dahilan ng bigla niyang pagtayo sa kanyang upuan sabay hampas ng mga baraha niya sa mesa. Nawala na talaga siya sa focus.

"Hindi pwedeng tumakbo sa SSG ang SPA students!" Malakas na tono niyang sinabi sa kaklaseng si Ernand.

Biglang napahinto si Ernand sabay lingon sa kanya, "Anong sinabi mo?"

High School Of Tension: Ace Of SpadesWhere stories live. Discover now