Chapter 17

463 16 26
                                    

"Na naman? Diabetes talaga aabutin ko sa mga pinagbibigay mo sa'kin, eh!"

Hindi ko maiwasan ang matawa dahil sa pagrereklamo ni Yami nang ibigay ko sa kaniya ang panibagong kahon ng tsokolate na pinapasuyo lang naman sa akin. Wala siyang ideya na galing kay Gil ang mga ito dahil hindi rin naman pinapaamin ng lalake.

"Tignan mo, Enra, oh," nginuso niya ang pisil-pisil na maliit na bilbil. "Nag-gain agad ako ng weight. Mabilis lang kasi talaga ako manaba."

"Hindi naman halata. Sexy ka pa rin, 'no." I complimented. Mukha hindi niya talaga gusto ang tumaba pero patuloy pa rin sa paglantak ng tsokolate.

"May pagka-bolera ka, ah." Pabirong siniko niya ang tagiliran ko. "Pamilyar talaga 'yung lasa ng mga chocolates.. parang natikman ko na galing kay Gil?"

Bigla akong natahimik saglit. Narating na namin ang floor, kaya nandito pa kami sa tapat at para bang walang balak na humiwalay sa isa't isa kahit magkikita rin naman sa lunch mamaya.

"Hala, wait! Don't tell me, nililigawan ka pa rin ni Gil, ano?!"

Napalakas ang boses ni Yami, kaya tuloy napatingin ako sa ibang students na nandito sa corridor pero wala naman mga pakialam. Makakahinga na sana ako nang maluwag kung hindi lang dumating si Miss Ralvez. Hindi. Kanina pa pala siya nandito!

"Ang sabihin mo sa lalakeng 'yon–Uh, bye na pala, Enra! See you sa lunch!" Yami quickly escaped! Pumasok na siya sa room niya at iniwan akong mag-isa.

Hinarap ko si Miss Ralvez at umiling-iling sa kaniya habang nangungusap ang mga mata na mali ang iniisip niya pero blangko niya lang akong tinignan pero mapapansin na may bahid ng galit ang mga mata.

"I'll mark you as an absent." Nag-activate ang professor mode ni Ma'am saka pumasok sa loob at binagsakan ako ng pintuan.

Mariin na lamang ako napapikit at pinihit ang doorknob. Hindi niya ni-lock, kaya pwede pa rin akong pumasok. Ang aga-aga ay nagpa-quiz siya agad saka nagpa-ulan ng recitation. Kaka-sabak nga lang namin kahapon sa ibang subject tapos sinundan niya agad.

"Get out!" Professor Ralvez shouted at one of my classmates on the back kasi hindi ito nakasagot sa tanong niya.

Nabibilang na lang sa daliri ang natitira rito sa loob ng room ngayon dahil paubos na kami at halos na sa labas na ang lahat.

"Just where in earth did you get the huge guts to attend in my class with an inability to answer a very simple question?!" Miss Ralvez yelled out. "Hindi ko ba diniscuss sa inyo 'yan? My god. This section never failed to disappoint me over the past few months!"

Muli siyang may binalingan sa estudyante sa likod. "You. Stand up."

"Y-yes, Ma'am." boses 'yon ni Delton, kaya napalingon na ako sa likod.

"Explain the process of muscle contraction at the molecular level within 20 seconds. Start." Madiin na salita ni Miss Ralvez.

"M-Muscle contraction po? Uh.. It intereact between the.. the.. between key proteins and.. and.." Halata ang pamamawis ni Delton. At kahit na sa bulsa niya ang mga kamay ay nanginginig pa rin ang mga ito.

"Oh, my god, Mr. Hernandez!" Professor Ralvez look so frustrated and mad.

"I-Isang minuto lang, M-Ma'am.. kaya ko po na ipaliwa–"

"Get out!"

I wanted to save Delton, pero kapag ginawa ko 'yan ay siguradong hindi magugustuhan ni Professor Ralvez. She's in rage and I swear to God that in this state, no one can stop her.

Pagkalingon ko sa likuran ay apat na lang kami. Archel, Jersen and Steph. I pursed my lips and looked again in front. Kahit hindi nawala ang posure ni Professor ay halata naman ang paghabol nito sa paghinga. Galit na galit talaga siya at iba na ang lumalabas na salita sa bibig niya.

Pure PunishmentWhere stories live. Discover now