Chapter 23

306 11 17
                                    

"Totoo ba? May bago tayong classmate?"

Usap-usapan sa room ngayon ang tungkol sa bago namin na kaklase. Kanina pa nila ako kinukulit kung sino raw ba 'yon pero ngiti lang ang sinasagot ko sa kanila. I can't wait for Yami to arrive. Na saan na ba ang babaeng 'yon? Anong oras na, oh.

Matapos kong tignan ang oras sa wrist watch ay saktong pagdating ng bestfriend ko na halatang nahihiya dahil na rin bigla na lamang tumahimik ang kwarto.

"Hello, guys.. Yashein Mira Rosales. Yami for short. Nice to meet you all.." My bestfriend shyly introduced herself.

Ngiting-ngiti ako sa kaniya pero tinitignan niya ako na parang gusto niyang tulungan ko siya, kaya tumayo ako para samahan siya sa harap at mas ipakilala pa sa kanila.

"Uy, pres, hindi ba't siya 'yung palagi mong kasama dati?" Unang tanong ni Claude matapos nila kaming paligiran ng kaibigan ko.

"Nakikita ka na namin noon, eh. Bakit mo naisipan na lumipat ng block?" si Jersen naman ang naki-usyuso.

"Uhm, nandito kasi si Enra." maikling sagot ni Yami sa kaniya at yumakap sa braso ko.

Dahil naninibago ay nahihiya pa siyang ilabas ang kadaldalan niya pero 'pag nagtagal ay baka masapawan na nito ang makukulit sa amin.

"Swerte mo at bakante ang section namin. May tatlo kasi na umalis, 'yung dalawa lumipat ng block tapos 'yung isa naman nag-drop out." Natatawang si Claude at tumataas-taas pa ang kilay.

"Ah, 'yung mga kontrabida na cheaters ba? Deserve nila umalis, boi." nakangising sabi ni Yami at tumingin sa akin. Napaiwas tuloy ako.

As expected, they easily got along well. I have a feeling na baka maging magtandem pa itong si Claude at Yami sa kulitan at masaya naman ako dahil may bagong friends na ulit ang bestfriend ko.

Naging abala kami sa kwentuhan, kaya nang bumukas ang pinto ay inakala namin na teacher ang bubungad, ngunit hindi pala dahil nakasuot ito ng uniporme ng katulad sa amin pero ang buhok ay nakalugay tapos nakabukas pa ang unang butones ng blouse.

It's unproper. Kapag nahuli siya ng mga prof na ganyan ang itsura ay baka idiretso siya agad sa dean. Hindi pwede 'yan, eh. Sobrang kapal pa ng lipstick.

Habang tahimik na naglalakad siya papunta sa gitna ay hindi tumigil ang paningin nito sa pag-ikot sa silid hanggang sa tumigil sa akin. Umangat ang gilid ng mapulang labi niya bago bumuka para magsalita.

"Hi, everyone! I'm Pauline! Your beautiful and hot new classmate!" ngiting-ngiti nitong pakilala sa sarili pero nanatiling tahimik ang kwarto, kaya naman mabilis naging blangko ang mukha niya.

"Mali ka po 'ata ng room na pinasukan, Miss." Pigil tawa na salita ni Claude dahilan para mapatingin sa kaniya ang babae.

"No, no, no. I'm a transfer student, okay? You're so rude naman!" The girl dramatically held her chest and made a sad face.

"Totoo ba, Pres? Bakit hindi mo pinaalam na may transfer pala?" tanong ng isa.

"Hindi ko rin naman alam," sagot ko nang hindi inaalis ang tingin sa babae. "Ano ba ang buong pangalan niyo?"

Pauline's bloodshot eyes darted into me. I felt uneasy for a second before she showed me a force wide smile, even though her eyes were sending me a death glare.

"Pauline. Pauline Sobrevilla." she tilted her head and I swear to God, tumaas ang mga balahibo ko sa katawan nang marinig ang last name na iyon.

"Okay.." I cleared my throat. "May bakante pang mga upuan sa likod.. pwede kang–"

"I'd like to sit here." Sa isang iglap ay na sa kaliwa ko na siya at napakalapit ng mukha niya sa akin.

"Kung saan ka.. komportable." pilit akong ngumiti saka ko tinuon ang atensyon kay Yami na nasa kanan ko naman.

Pure PunishmentTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang