FIVE

16 1 0
                                    

Nagising ako sa pagtapik sa balikat ko nag angat naman ako ng mukha at nakita si Val. Nakatulog na pala ako kakaisip, wala pa si Ms. Santiago
"Kanina ka pa namin hinahanap, tara na don sa pwesto natin. Okay ka lang ba?" Tumango na lang ako para hindi na humaba pa ang usapan. Wala din naman ako sa mood dumaldal nang dumaldal.

Hindi rin nagtagal ay dumating na si Ms. Santiago at nag arrange sya ng upuan. Me, angel, niki. Hindi na si niki ang katabi ko wala akong sasandalan ng ulo ko. Hindi ko naman close itong si angel.
"Oy, oy" Ako ba ang kausap nya? Hinayaan ko nalang dahil baka hindi naman ako. Friendly din ang isang ito kaya baka sila ate mae ang tinatawag nya. Pero maya maya lang ay kinulbit na nya ako. Seryoso lang akong tumingin at nagtanong.
"Wala, alam ko na kung bakit hindi ka namamansin" Agad naman nangunot ang noo ko sa sinabi nya. Ako hindi namamansin? Malamang alangan naman ngitian ko sila kung hindi rin nila ako pinapansin.
"Namamansin ako sa mga kaibigan ko" Sagot ko bago humarap ulit kay ma'am.
"Hindi e, alam ko na kung bakit hindi ka natingin kasi may girlfriend ka no. Inistalk kita kaya pala hindi mo ako pinapansin kasi may jowa ka. Nuks, loyal naman takot ka sa girlfriend mo?" Umiling na lang ako at hindi na sya pinansin sa mga pinagsasabi nya. Mamaya mapagalitan pa ako ni Ms. Santiago
"Bisex ka ba or lesbian?" Maya maya'y tanong nya.
"Bi, but fortunately sa girls na lang ako nagkakagusto so i think i'm a fem lesbian na? don't know. Ikaw?" Sagot ko at nakinig na ulit kay Ma'am.
"Lesbian na fem, hindi ko trip ang mag pagupit na pang lalaki, hindi ko bagay. Anong feeling ng may girlfriend? never pa akong nagkagirlfriend but i really do know to myself that i am lesbian." I told her that having a girlfriend is happy but sometimes happiness can turns into sadness and heart break.
Pasimple kong binuksan ang phone ko at nagonline, umaasa na online na sya at may message and explanation na galing sa kanya. Online na syaa! Agad naman akong nakaramdam nang tuwa pero nawala rin agad nang bumungad lang sakin ay ‘hii baby, kakauwi ko lang po sobrang nakakapagod, pahinga lang ako ingat ka pauwi ha. imissyousomuch and iloveyouu’ Ayos na rin at least may message na sya and she's fine.

My Love.
hi loveyy, nandito pa ako sa school may klase pa kami, rest ka po and eat dinner. namiss kita sobra, I'll update u later pag pauwi na ako. iloveyoumost.

Pinatay ko na rin agad ang phone baka wala pa akong maintindahan sa subj namin. Kawawa naman magulang ko kung masasayang lang pinangbabayad nila.

Hindi rin nagtagal ang klase namin kay Ms. Santiago at nagpalabas na sya.
"Uwi na ako guys, ingat kayo" Paalam ko at lumabas na ng school at dumiretso sa sakayan ng tricycle. Kinuha ko naman ang phone ko. Ofc, i'll update her.

My love.
my love, pauwi na po ako ngayon lang kami natapos sa klase namin. i'll update you pag nasa bahay na ako, imissyouu.

Nakakapagod naman ang buong maghapon na ito napagod ako kahit hindi naman ganoon karami ang activities namin. Sa dami na rin siguro ng iniisip ko kaya napagod both physically and mentally. Hoping that my best friend's wrong about what she saw. Ayoko pa munang alamin ang totoo, hindi ko pa kaya.

After a more than 20mins nakarating na ako sa bahay. Finally, it's so tiring. Katulad ng nakasanay pagdating ko sa bahay nagpalit na ako ng damit at inayos ang mga gamit ko, naghilamos ng mukha at naghanda ng pagkain. She's not online again.

My love
nakauwi na po ako, nakain na rin ako now. have you eaten? how was ur day po?
sent.
delivered.
seen.

Our Love Story (on-going)Where stories live. Discover now