THIRTY SEVEN

17 1 0
                                    

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo, ang sakit nang ulo ko sobra. Hindi ko na alam kung anong mga nangyari basta ang tanda ko ay sinundo na ako ni viva sa bar. Dahan dahan ako bumangon at kinuha ang phone ko na nakacharge, chinarge ko ba ito? Hindi ko na alam basta mahalaga full charged ang iphone ko. Mamayang alas 3 pa ang pasok ko pero hindi ako papasok, pupunta na lang muna ako sa restobar na pagtatrabahuhan ko para doon muna tumambay at para makapag start na rin.

Maaga pa pala for sure tulog pa sila tita, makakalabas ako nang matiwasay sa bahay nila ng walang nakakakita. Dali dali akong kumilos para hindi sayang sa oras at dahan dahan akong lumabas. Imemessage ko na lang si calvin at si viva.
Great, wala pang gising” Sambit ko sa aking sarili bago lumabas ng bahay nila. Para akong magnanakaw kung tumakas. Agad na akong nagpunta sa sakayan para umuwi sa tree house magcocommute na lang muna ako ngayon papunta sa tree house at mamaya na ako pupunta sa condo. Habang nasa byahe ay nilabas ko na ang phone ko at minessage si calvin at nagpasalamat.
Dito na lang po, kuya. Salamat po” Pagkaabot ko ng bayad ay pumasok na ako sa mga bushes na narito at dumiretso sa lugar kung nasaan ang tree house namin. Nandito ang motor ko, dinala ko ba ito rito kagabi? Baka pinadala ni calvin dito buti naman hindi ko na pala kailangan pang magcommute papunta sa condo.

Naligo lang muna ako buti ay may natira pang damit rito, sumakay na ako sa motor ko at pinaandar na paalis sa tree house. Uuwi muna ako sa bahay namin miss ko na sila mama. After 1hour and half minutes of driving ay nakarating na rin ako sa bahay. Dito kaya muna ako matulog ngayong gabi? Wag na pala sa condo na lang.
Ma! namiss kita, namiss ko po kayo! Nasaan si lucas?” Lumabas naman si lucas sa kwarto ng mommy nya at niyakap ako, parang ilang linggo lang akong wala rito sa bahay ay mukhang tumatangkad ang pamangkin ko. Hanggang legs ko na sya konti na lang ay aabot na sya sa bewang ko.
Tita A! dito kana ulit?” Umiling naman ako at hinalikan sya sa buhok, namiss kong gawin iyon.
Aalis din ulit si tita a, bumisita lang ako kasi miss ko na ang kapogian mo! May pasalubong si tita sayo!” At nilabas ko na ang burger at fries pati na rin ang bucket chicken na binili ko kanina sa jollibee drive thru kaya ako natagalan.
Yey burger! Thank you po tita!” Yumuko naman ako para maabot nya ako, he kissed me sa pisnge ko. Nakangiting ginulo ko naman ang buhok nya.
Malapit na ang midterm nyo, nak. Wala pa akong pera pasensya kana ha” Ngumiti lang ako at niyakap si mama, kaya ko na bayaran yon.
Ayos lang ma, hindi mo na kailangan mag-isip para don may trabaho naman na akong napasukan every week ang sahod non saka malaki laki na rin makakaipon na ako pambayad ng tuition ko hanggang finals ng 1st sem.” Bumisita lang talaga ako para dalahan sila ng ulam, minsan na lang kami makakain ng bucket chicken dahil sa hirap ng buhay at mahal na din naman ang mga bilihin talaga kumpara dati.
Ma, alis na po ako. Babalik ako rito sa sabado kapag po hindi masyadong busy sa part time job ko, bisita ako rito agad. Iloveyou! ingat kayo ha, saka si papa. Hindi ko na nakikita lagi ba naman nasa inuman yon e. Sige na, alis na me” Niyakap ko muna si lucas at hinalikan sa noo bago umalis sa bahay. Kita ko naman ang mga marites na nakatingin sa akin paglabas ko ng eskinita pinagpipiyestahan nila ang motor ko.
Ganda, sayo pala iyan ang ganda naman, saan kana pala nakatira ngayon?” Sus, pasimpleng tanong pero sa utak utak nyan may side comment yan. Chismis pala gusto nyo ah, sige hayaan ko kayo magmukhang tanga.
Sa tabi tabi lang ho, sige alis na ako aling tesi.” Nagsilayuan naman silang mga chismosa at umalis na ako. Mga chismosang iyon hindi magbago mag babagong taon na. Pagkarating ko sa condo ay kinuha ko ang mga marurumi kong damit maglalaba muna ako bago magpunta sa restobar.

After 1hour and 30mins na paglalaba ay natapos na rin ako. Hindi naman ganon karami ang labahin ko at hindi ganon karumi ang mga damit ko kaya hindi ako nahirapan kuskusin bago iwashing, drinayer ko na rin bago isampay. Tanghali na pala ako natapos sa paglalaba 12:30pm na agad ang bilis naman ng oras, tumayo na ako para kumain at maligo. Matapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko bago dumiretso sa kwarto ko para maligo. While taking a bath ay nag papatugtog ako para mas feel ko ang paliligo.

Our Love Story (on-going)Where stories live. Discover now