KABANATA 3

13 1 0
                                    

"NAKONG!"

Dumilat ang mga mata ko sabay bangon ng mabilis. Naramdaman kong biglang umikot ang mundo ko kasabay ng panlalabo ng mga mata ko. Napahawak ako sa ulo ko na parang sasabog na. Epekto ba to ng pagkakabagok? Pero teka, 32nd floor ako nanggaling. Dapat wala na akong ulo ngayon.

Dahan dahan kong tiningnan ang palibot. Bakit buhay pa ko? Wala ring dugo. Napatigil ako nang mapansin kong nag-iba na ang buong paligid.

"Nakong"

Table, laptop, mataas na ceiling, white bedsheet, limang pinto, at si...

"NAKONG!"

"Y-Ya... Yaya?"

Naramdaman ko ang panlalamig ng buong katawan ko pati na rin ang pagpapawis nito. Bakit ako nasa kwarto? Bakit nasa harap ko si Yaya Lena? Naguguluhan na ako. Nananaginip ba ako? Baka naman nasa kabilang buhay na ako? Pero bakit kasama ko si Yaya? Baka naman nahulog ako sa parallel universe? Multiverse? Kawawa naman ang pumalit saakin sa mundo namin. Pagdilat niya palang, patay na siya.

"Nakong, ano bang nangyayari sayo? Pinapakaba mo naman ako eh!"

Naalimpungatan ako ng yugyugin ni yaya ang mga balikat ko. Anong nagyayari?

"I'm alive?"

Kumunot ang nuo niya. "Inyameten!" (Ano ba yan!) singhal niya.

"Nakong huwag kang magbiro ng ganyan. Hindi maganda." Tumayo siya at hinila ang comforter ko.

"Meeting niyo daw ngayon, nabanggit ng kuya mo. Anong oras na, ali bangon na. Malalate ka."

Napakurap ako ng ilang beses. Halos walang kurap ko ring pinagmasdan si yaya at ang kinaroroonan ko. Meeting? Sinong i me-meet ko? Si God na nasa taas o yung isang may sunggay?

"Nak, papasukan ng langgaw ang bibig mo."

Hindi. Panaghinip lang ito. O panaghinip lang na tumalon ako?

"Yaya, what date is today?"

Pinahid ko ng palad ko ang pawis na kanina pa tumatagaktak.

"January 3, 2024." Napahinto ako. January 3? No, no. January 7 dapat ngayon. Impossible.

"Nakong, bakit? Masama bang pakiramdam mo? Kanina lang umuungol at nagsasalita ka habang tulog. Halos sampong minuto kitang ginigising. Tapos ngayon ang putla mo." Hinawakan niya ang nuo ko, checking my temperature.

"Hindi ka naman mainit ah." Nagaalalang tungon niya.

Bigla kong naalala ang boses na narinig ko. 7 months... second chance. Anong ibig sabihin nun? Panaghinip ba talaga yun o ang mangyayari palang?

Kinagat ko ang lower lip ko. What's happening? Nabigla ako nang biglang tumunog ang phone ko. Si hermano. Nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko ba. Pero sandali, nangyari na to a.

"Hermano?" Nag-aalangan kong sagot. Tinawagan niya rin ako ng ganitong oras dati, saying we have a very important meeting at huwag akong mag palate. Pero na late ako that time at hindi na ako pinapasok ni papa.

"Good. You're awake. We have an important meeting in about two hours from now. Don't be late, okay?" Nanigas ako. Iyon ang exact words na sinabi niya sa panaghinip ko.

"Hey? Are you there?"

"Y-Yes, Hermano. I'll just prepare now." Papatayin ko na sana ang tawag ng maalala ko nanaman ang nangyari.

"Wait. I have a request."

Kung talaga ngang mangyayari palang ang mga napanaginipan ko, bukas malalaman na magloloko ang tatlong tauhan namin at mawawalan ng apat na bilyon ang kumpanya. Kailangan ko yung maunahan.

Her DandelionsWhere stories live. Discover now