KABANATA 4

17 0 0
                                    

NAGLAKADLAKAD ako sa loob ng mall at ilang beses na akong humikab. Madaling araw na akong natapos mag impake at makahanap ng hotel pansalamanta.

Hinihintay ko ngayon si Eliana at Mika na dumating. Hindi makakarating si Riyo dahil sa trabaho. Si Yuri naman, byahe palang pabalik ng city. Si Julia, gumagala pa. Sila ang mga kaibigan ko sa Andromeda University na mga kaklase ko rin.

"Oy, ang cute!"

Nabigla kami ni Spade 2 ng biglang may yumakap sa akin at kinuha sa kamay ko ang aso.

"Pumayat ka ata, Rine?" Tanong ni Mika saka kumawala sa pagka kayakap saakin.

"Ang cute mo!" Pangigigil ni Eliana kay Spade 2. Medyo weird parin na Spade ang tawag ko sa kanya.

"Akala ko ba bawal ka magka aso? Nyare, te?" Tanong niya pa.

Natawa ako ng makitang kumakaway ang buntot ni Spade 2 at dinidilaan pa si Eliana. Nilaro rin siya ni Mika. Bantay ko ba talaga ang asong to?

"Regalo sakin ni Spade." Tanging sagot ko at ngumiti dalawa.

"Aba, Kailan ba namin makikita ang Reagan Spade na yan?"

Tumitingin si Spade 2 tuwing nababangit ang pangalan ni Reagan. Akala niya siguro siya ang tinatawag.

Oo nga pala. Dalawang taon na kaming mag ka-kaibigan pero ni isang beses, hindi pa nila nakita si Reagan. Yun kasi ang hiling ko. Normal university life. Yung wala akong bodyguard at PA na susunod sa akin sa loob ng campus.

"Saka bakit ka lilipat? May problema ba?" Nagtatakang tanong ni Mika. Tinawagan ko kasi sila kagabi habang nag iimpake ako. Nagpapatulong maghanap ng condo na hindi under sa ZaneCo (Zaneta Company).

"Ah, living independently?" patawang sagot ko.

Nagkatitigan silang dalawa. "Kaya mo ba?" Bakas sa boses ni Eliana ang pag-aalala. Kahit sila, alam nilang palagi akong naka depende kay Reagan. Pero hindi na ngayon. "Hindi naman sa insulto pero Rine, I'm asking genuinely."

"Kakayanin. Dapat kayanin."

Tumahimik kaming tatlo ng panandalian bago ako tumikhim at basagin ang katahimikan.

"Anyways, order na kayo ng foods, guys. May bibilhin lang muna ako sandali. Ako magbabayad ha? Let's celebrate my independence day!"

Aangal na sana sila dahil sila ang tipong ayaw magpa libre. Pero iniwan ko muna si Spade 2 sakanila at dalidaling umalis. Napangamot nalang ng ulo ang dalawa.

I heard Spade 2 wail. Ano ba yan, bakit pakiramdam ko kasama ko pa rin ang unggoy na yun? Ayaw ako umalis ng hindi siya kasama.

Hindi nagtagal at nahanap ko na rin ang shop ng phone. Kung gusto kong hindi nila ako mahanap, dapat pati cellphones ko mapalitan.

Since umalis ako kahapon, pinatay ko na ang working phone ko. Pagkatapos ko ring replyan si Reagan at Yaya Lena na safe and sound ako, hindi ko na sinagot pa ang mga tawag nila.

Mahirap sa part ko dahil alam ko na ngayon kung gaano kalala mag alala ang dalawang yun pero kailangan eh. Lalo na't hindi ko sigurado bakit bumalik ang oras.

"Ma'am, cash po or card?" Tanong ng saleslady ng nakangiti.

"Cash." Hindi ako pwedeng gumamit ng card. Kilala ko si Reagan at Hermano, sigurado pag ginamit ko ang card ko, maya maya alam na nila kung nasaan ako.

"Ma'am, pwede pong magtanong?" Nag-aalinlangan na tanong ng isang sales lady sa gilid. Maiksi ang buhok niya at hindi gaanong katangkad. Kabaliktaran ng sales lady na nag-aasist sakin. Pansin kong kanina pa siya nakatingin.

Her DandelionsWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu