KABANATA 6

1 0 0
                                    

MAAGA akong nagising kaya minabuti kong maglakad lakad kasama si Spade 2. Hindi pa rin talaga ako sanay na wala masyadong papeles na trina trabaho pag dilat palang ng mata ko.

Hindi pa sumisikat ang araw kaya medyo madilim pa sa paligid at malamig. Bad trip, mali atang nag sleeveless lang ako. Medyo marami rin namang nag wa-walking. Ang iba nag ge-greet at ang iba naman, ngumingiti lang. 

Pang walong araw na ngayon mula noong bumalik ang oras at palaisipan pa rin sa akin kung bakit. Tama ba na umalis ako sa amin? Tama pa ba ang takbo ng buhay ko ngayon? Mas maganda na siguro ito para masanay na silang wala ako. At kung ano man ang dahilan, mas mabuti ng ligtas sila. 

Nabigla ako ng biglang kumaripas ng tumakbo si Spade 2 at nabitawan ko ang tali niya. 

“Oh heavens, Spade!” Tawag ko habang hinahabol siya. Isang buwan mahigit palang ata ang edad nito pero bakit mas mabilis pa sa akin tumakbo?!

“Spade, come back here!” Baka may sasakyang biglang dumaan, delikado.Napapatingin ang ibang mga nag wa-walking at jogging pero binabalewala lang rin nila. 

Salamat naman at huminto na ang aso kaya huminto na rin ako. Nasa harap kami ngayon ng isang 24 hours cafe na hindi naman sobrang layo sa condo.

Sapo sapo ang aking tuhod, minuto rin nang bumalik ang hangin ko pero hinihingal parin ako. Bawat buga ko ng hangin sa bibig, may usok na lumalabas. Bakit ba hindi ako nag jacket. Tig lamig parin pala ngayon.

Kumakaway kaway ang buntot niya at tumatahol na parang gustong makilaro sa isang lalaking nakatalikod sa akin. Iyon ang palaging bungad niya sa akin sa tuwing bumabalik ako sa condo. 

“Hey boy, is that you?” Masaya ngunit nagtatakang tanong ng isang lalaki at kinuha si Spade, chineck, at nilaruan. Hoy! Akin yan! 

Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nga sa nakatalikod siya pero bakit parang pamilyar?

“Spade.” Tawag ko ulit sa aso at tumahol siya para mag respond saakin. Napalingon ang lalaki. Pagkakita ko kung sino siya, nanlaki ang mga mata ko at ganon rin siya. 

“S-Sir Santiago?” 

“Rine?”

Sabay naming tugon. Naka tactical pants, boots, at black fitted polo sa taas siya. May nakalagay na “CJD Officer” sa isang sleeve at apelyido niya sa left side ng chest. Type A full uniform ng isang intern ang suot niya ngayon. Ang astig.

Pero agad kong iniwas ang tingin ko sa suot niya’t baka iba pa ang maisip niya. Napansin kong nag outfit check din siya sa akin at kumunot ang noo niya. 

“Hindi ka nilalamig?” Naka black sleeveless at running shorts lang ako plus running shoes. Aba, walang pakialamanan o.

Umiling lang ako at tinuro ko si Spade 2 gayong nilalamig talaga ako to be honest. “Bakit ka kilala ng aso ko?” 

Sa isang iglap, naalis ang kunot ng noo niya. “Aso mo to?” Ngumiti siya at naglakad papalapit sa akin sabay abot ng aso.

“Sa pet shop siya ng kuya ko nakatira. Ako ang nag-aalaga sa kanya bago siya bilhin ng isang lalaking masungit ang mukha.” Tumawa siya. Bilhin ng lalaking masungit ang mukha? Si Reagan ba ang tinutukoy niya? Masungit pero mabait naman yun... Minsan. 

“Hindi ko alam sayo pala siya mapupunta.” Kinuha ko si Spade 2 na kumakaway pa rin ang buntot at dinilaan ako sa pisngi. “Well, I’m glad sayo siya napunta. Pakiramdam ko maaalagaan mo siya ng mabuti.” 

“I’m glad as well na kilala niya pa ang dati niyang amo.”

Nilaruan niya ulit ang aso kahit nasa kamay ko na para bang nanggigigil. Kamuntikan ko pa nga siyang mahulog. 

Her DandelionsWhere stories live. Discover now