KABANATA 8

5 0 0
                                    

MAVY'S POV

IT WAS a long day. As I exhaled my deep breath, a puff of smoke evaporated into thin air. The night was cold but for a moment, I felt her warmth when I drove her to her condo.

Tila hindi ako makapaniwala sa mga nangyari ngayong araw. Hindi magandang kamuntikan na siyang ma-kidnap pero sa hindi inaasahang dahilan, nakakabilib siya. Alam ko at ramdam ko na natatakot siya pero hindi niya pinapakita. Siguro dahil ayaw niyang may ibang madamay? O baka naman sanay na siya? Ayos lang pag ang una huwag naman sana ang huli.

Napatingin ako sa side mirror at nahuli ang sariling... nakangiti? Sinampal ko kaagad ang dalawang pisngi ko. No, Maverick. Wake up. I shook my head. Hindi pwede.

"Dude, di ka pa uuwi? Gabi na a. Tinamaan kana ata ng antok."

Bumaling ang atensyon ko kay Raver na lumapit saakin. Quarter to 9 pm na at ngayon lang ata sila natapos mag training.

"Pauwi na rin. Late ata kayo natapos a?"

"Oo eh. Nga pala, ano daw yung bali balitang may muntik na kidnapan kanina sa gate? Totoo ba yun? Saka sinong muntik ng ma kidnap?"

Sinasabi ko na nga ba eh. Mahirap talagang kontrolin ang usap usapan sa buong school. Pero nakakapagtaka, bakit ayaw ni Mama i announce ang nangyari sa buong campus para ma aware ang mga tao? Mas mahirap patahimikin ang mga chismoso't chimosa.

Pangkaraniwang pagkakataon rin na pinatigil niya ang buong klase dahil sa announcement niyang iyon. Na lahat ng bibig, itikom. Kung sino man ang may alam, dapat manahimik. Pero paniguradong hindi iyon magtatagal.

Napahugot ako ng malalim na hininga. "Basta, mag-iingat na lang ang lahat. Siguradong malalaman niyo rin sa sunod." Tanging turan ko na ikinaasim ng pagmumukha niya.

"Damot mo talaga sa kwento, bro. Oh siya sige, ingat. Huwag kang matutolog sa daan." Saad niya na may matching kamot pa ng ulo. Bigla kong naalala ang game namin kaninang umaga at ang pagkataranta ni Raver nang masugat si Rine. May binanggit siyang pangalan eh.

"Ah, nga pala bro." Tawag ko kaya lumingon siya ulit. "Sino ba talaga yung... ano ba yun? Yung sabi mong best friend ni Rine na best friend rin pala ni Doc William? Kilala niyo rin siya ni Coach Del. Na curious ako ha bakit hindi ko siya kilala."

Nag blink blink ang mokong ng ilang beses na para bang nag lo-loading ang wifi niya bago siya ngumisi ng apakalaki. Yung ngising nang-aasar.

"Ah, si Reagan? Ha! Malalaman mo rin sa sunod, dude." Balos niya at dinilaan ako bago siya sumakay sa motor niya. Sira ulo talaga, kainis naman.

"Lang hiya." Natawa lang siya at sumakay na rin ako sa motor ko at umarangkada. Sigurado, inaantay na ako ni Mama sa bahay. Mabuti na lang at wala masyadong traffic dahil gabi kaya mas mabilis akong nakauwi. Naghiwalay kami ng daad ni Raver sa may intersection.

"Good. You're home. Let's dine together in a moment." Bungad ni Mama sa akin pagpasok ko ng bahay. Kasama niya sila manang Cecile na nag pre-prepare ng dining table.

"Bihis lang po ako Ma tapos sunod po ako dito." Tumango lang siya kaya umakyat na ako sa kwarto at naligo saglit. Sa totoo lang, antok na ako dahil sa buong araw na duty pero alam kong gusto akong makasama ni Mama kaya no choice. One day, ma mi-miss ko rin ito.

Patapos na ako sa pagbibihis nang may kumatok sa kwarto ko. "Tito, kain na daw po tayo tell ni Granny!" Pasigaw na tawag ni Macky.

"Hindi kapa natulog?" Nagtatakang tanong ko pagkabukas ng pinto.

He shook his head. "I want to talk to Teacher Rine, Tito please. Call her for me please." Pagmamaka-awa niya na naka position pa ang dalawang kamay sa bibig niya na parang nagdadasal.

Her DandelionsOnde histórias criam vida. Descubra agora