1:00

93 3 0
                                    

1:00

Pasimple kong pinasadahan ng tingin ang mga lalaking katabi ko na halatang-halata ang kanina pang paninitig. Bahagya pa itong umiwas ng tingin, ngunit hindi nakatakas sa akin ang maliit nitong ngisi sa gilid ng labi. Napakagat labi ako dahil maging ang imahe ko'y malayong-malayo sa dating Lily. Kapiranggot ang aking pananamit. Hindi mo aakalaing isang pulis ang kaharap nila ngayon.

Pero hindi na rin bago sa akin ang mag-undercover. Tutal obligado ako bilang pulis na gawin ang lahat para maiusad ang imbestigasyon na hawak namin. Minsan pa nga'y mas delikado at mas agaw-buhay ang ginagampanang katauhan ng iba. There's the buy bust operation, ang mga implant namin, at iba pa. Ang pinagka-iba sa sitwasyong ito ay mag-isa ako sa misyong ito.

Iisipin ng iba na dinibdib ko ang mga sinabi ni Officer Villanueva. Na hindi tulad nila'y may mga koneksyon sila sa ilalim. Aaminin ko ngang na-intimida ako sa mga narinig. Pero ngayon, kung maibabalik ang oras, baka nasabi ko pa ang matagal na nililihim.

"Lily?"

"Ave..."

Tinapon nito ang sigarilyo kahit pa hindi tinutupok ang upos. Sa isang segundo, nagawa niya akong salubungin ng kanyang mainit na yakap. Matagal-tagal na rin pala. May sama kaya siya ng loob sa akin matapos manahimik ng ilang taon?

"Sabi mo hinding hindi ka na tatapak dito. Baka malaman ng mga katrabaho mo!" Halata ang pag-aalala sa boses nito. Ibinalik ko ang kanyang yakap at marahang hinagod ang kanyang likod.

Kapwa kaming pinalaki ni Avery sa Spider Flower Club. Matibay at matagal ang aming pinagsamahan kaya kahit pa magkaiba ang tinahak naming landas, nanatili pa rin akong tapat sa kanya, at siya naman sa akin.

"Anong punta mo dito? At sa ganyang suot? May assignment ka ba sa lugar na ito? Person of interest? Suspect?"

Lahat ng iyon ay inilingan ko.

"Bakit ka ba nandito Lily?" anito na pawang atat na atat malaman ang pakay ko.

Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba ang katotohanan o hindi. Parang magkapatid na ang aming turingan ni Avery kaya alam kong nararapat na malaman niya rin ang pinunta ko dito. Gayunpaman, nandon din ang agam-agam sa aking isip. Paano kung hindi maging successful ang misyong ito? Paano kung sa huli ay matalo ako? Imposibleng hindi niya hadlangan ang aking mga plano sa oras na malaman niya ito. Kahit sino'y mag-aalala.

Sa huli, napagpasyahan kong manahimik na lamang.

"Ave... Naisip kong... Kinakailangan ko ng tulong mo sa misyong ito," Pagsisinunggaling ko pa sa kanya.

Saglit itong napatingin sa akin at halos matunaw naman ako dala ng konsensya. Tumango na siya at nilagpasan ako para tumungo sa island bar. Nagsindi uli ito ng sigarilyo.

"Bakit ko nga ba iisipin na pumunta ka dito para sa ibang bagay?"

Walang salita akong lumapit sa kanyang pwesto. "Hindi sa ganon iyon Ave... Hindi ako lumapit dito para gamitin kayo. Kinakailangan ko ng tulong para sa akin... para sa kapatid ko,"

May biglaang pagbabago sa kanyang mukha na tila naunawaan niyang desperate ako para sa kasong ito. Muling nagbalik ang sigla sa kanyang ekspresyon.

"Kung ganon, ano ang matutulong ko sayo?"

Nilunok ko ang aking kaba. "Papaano ko mailalabas ang sarili sa ilalim?"

"Ano?"

"Kailangan akong makita ng mga tauhan ng Citadels. That's it,"

"Yun lang?"

Tumango ako.

Naguguluhan itong naglakad-lakad na parang inaalisa ang nais kong mangyari. Hindi ko siya masisisi. Kahit sino'y magtataka sa pakay ko. Citadel Cartels from the name itself evokes fear in anyone. Sila lang naman ang nangunguna sa herakiya ng mga kriminal. Ang ugat ng krimen. At ang nagiisang grupo na maaaring tatalo sa pinangalanang salarin-si Maradona. Who would want to be associated with them?

12:00Where stories live. Discover now