6:00

95 6 4
                                    

6:00

Kung mayroon man sa amin ang kailangan usisain, walang iba iyon kundi si One. Ang totoong pangyayari, ang dapat naming asahan, at ang lahat ng katanungan ay tanging siya lamang ang makakasagot.

Nasaksihan ko kung paano siya mamutla, kabahan, at lumikot ang mga mata nang madinig ang pahayag ko.

Hindi rin nagtagal ay bumigay na ito matapos mapagtantong lahat kami'y nakatutok sa kanya.

Napuno ng desperasyon at mabigat na tensyon ang kapaligiran habang kami'y nagsisiksikan sa maduming sahig ng silid. All ten of them had their eyes wide and frantic as they awaited an explanation. Mukhang gusto rin nila ako interogahin kung papaano ko ba ito nalaman lahat, ngunit ang sentro ng atensyon ay si Meredith na ngayo'y tahimik at puno ng kontemplasyon.

Sa gitna ng madilim-dilim na kwarto, ang kislap ng kandila ang nagbigay depinisyon sa lugar, at nagtalaga ng mga anino sa aming maliit na kumpulan.

"Listen carefully to what I'm about to say..." bulong niya na tipong natatakot madinig ng buong-buo ang kanyang rebelasyon. "Maradona, as he calls himself, is playing a twisted game of life and death."

Habang nagsasalita, napahawak ang ibang kababaihan sa kanilang katabi, isa-isang nagbago ang kanilang ekspresyon.

"And every stroke of the clock...every hour, one of us will die."

"What?" Hangos ng iba samantalang mukhang inaasahan naman ito ng iilan.

"Years ago, I was kidnapped and brought in this hell. Before any of you knew me, I was thrust into this same game before. Forced to survive... and obey him. It's a nightmare I can never forget." Hinawakan niya ang dibdib na animo'y nasasaktan pa rin sa pait ng sinapit niya. "I was one of the preceding victims. The survivor of his previous game... Hindi ko aakalain na babalik ako sa larong ito. I didn't realize that it was a never ending cycle... akala ko talaga ligtas na ako."

"P-paano k-ka nabuhay?"

Iniling niya ang ulo. "H-hindi ko n-na rin masyadong maalala. Ang alam ko lang ay... g-ginawa ko ang makakaya makarating sa Cathedral bago pa ang pagpatak ng alas-dose ng gabi."

"Cathedral?"

Tumango si One. "T-that night, where his game starts and ends. I was forced to survive."

Isang koleksyon ng pagsinghap ang natamo namin matapos maglahad si One. Saglit kaming nag-salitan ng nangangambang tingin matapos makumpirma ang kinakatakutan ng lahat.

"A-ano ang dapat namin gawin para mabuhay? M-may paraan pa naman hindi ba? You survived once! I'm sure we can do it again!" paghihimutok ni Five.

Mas lalong humigpit ang nakasiklop na kamay ni One. Hindi nakatakas sa akin ang miski kakapiranggot nitong kinikilos. As a police officer, I was trained to spot any signs of guilt or deception. It was my job to observe my target.

"W-wala akong ginawang espesyal... b-bukod sa makinig sa mga utos at kagustuhan ni Maradona."

Mula sa kibot ng daliri hanggang sa pagbabago ng pag-uugali, lahat iyon ay kinakalkula at hinahanapan ko ng butas. Pero sa puntong ito, mukhang nagsasabi nga siya ng katotohanan.

Saglit na napunan ng katahimikan ang lugar. At dahan-dahan, humalili ang samu't saring bulong-bulungan.

"-W-what if... w-what if w-we can't g-get out of this?"

Si Four na ngayo'y hapit-hapit ang dibdib ay biglang nasuka. "I can't... I can't do this. I don't want to die!"

Tulad ng inaasahan ni One, napuno ng panic at takot ang puso ng bawat isa. At dahil tama ang kanyang hinala, matapang niyang sinalubong ang mata ko, na parang may hinanakit sa akin. I don't blame her for being angry at me, but I don't feel guilty by my actions at all. Walang duda na hindi ko pagsisisihan ang ginawa kong pagsiwalat ng katotohanan.

12:00Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon