7:00

89 5 1
                                    

7:00

Nakatulala ang iba sa direksyon ng kanilang mga pagkain habang unti-unti na rin kaming nababawasan. Kasalukuyan kaming nasa gilid ng malawak na hapag-kainan habang nasa gitna naman ang ma-espasyong ball room kung saan sinasayaw ni Maradona ang bawat isa sa kanyang listahan ng mapapangasawa – or as he calls it his ‘brides’.

Matatandaang kailan lang ay nagkaroon kami ng masinsinang paguusap, kalakip noon ay ang oras na naigugol ko upang gawin ang aking trabaho. Minsan iniisip ko kung bakit napaka-daling mauto ni Maradona sa simpleng paki-usap ko lamang, subalit mahirap din naman makampante gayong matagal ng bihasa sa pag-dakip si Maradona. Imposibleng ako ang unang taong nanghingi sa kanya ng pabor sa libo-libong babaeng nakitil niya. Imposible ring hindi sila gumawa ng paraan para makatakas.

Malamang ay gaya namin, ginawa rin nila ang lahat ng makakaya upang manlaban.

"Shall we dance?"

An extended gloved hand appeared besides me. Mababa ang rehistro ng kanyang boses, tila hinihiwa ang mahinang himig ng tugtog. Ang iba sa amin, na ngayo’y nanahimik at naka-tungo lamang ay nanatiling bingi sa aming munting interaksyon. Sinalubong ko sa kauna-unahang beses ang mata niya bago tanggapin ang anyaya niya.

Dahan-dahan kong binagtas ang daan kasama siya, ang isang kamay naka-kawit sa kanya habang ang isa naman ay mahigpit na kapit-kapit ang laylayan ng aking gown sa takot na mapatid. Sa talang ng aking buhay, ngayon lamang ako nakapagsuot ng ganitong kahabang kasuotan. Ang pinaka-mahaba ko na atang naisuot ay ang toga ng ganapin ang graduation ko, maliban doon ay wala na.

Kumislap ang bahagyang kaba sa aking mata nang muntik na akong matalisod kahit ano pang pag-iingat ko.

"Careful…” He whispered on my ear, too close for my liking.

Bahagya na lamang akong ngumiti, kahit puno ng pangamba ang kabuuan ng mukha kong natatabunan ng maskara.

Miski pagsasayaw ay wala akong kasanayan…

As we moved through the center podium, the music and ambience became even more haunting. Hinawakan niya ang aking baywang habang ang kabila’y sinakop ang kamay ko. Humigpit ang pagkakahawak niya nang mapasinghap ako, at tila ba natuwa siya sa naging reaksyon ko.

Bukod sa pagiging seryoso sa aking layunin, hindi pa ako nakakalapit ng ganito sa kahit sinong lalaki, kaya naman… ang puso ko’y parang sasabog sa kakaibang kaba. Ito ba ang tinatawag nilang pagka-intimida? O baka talaga masyado lang panibago ang lahat ng ito sa akin?

“We’ll go slow.” Maradona reassured, his grip tightening. “We’re the only ones here… I will hold you close.”

Parang mas lalong naghumarentado ang aking puso nang tila yakapin ako ng napaka-laki niyang bulto. Sakop na sakop niya ang nanliliit kong pigura. With each step we took, the tension mounts a hundred fold. Tama bang ganito ang maramdaman para sa tulad niya? Ang sabi ko sa sarili’y hindi ko ipapakita anumang kislap ng kahinaan sa harap niya, ngunit ngayong partikular na araw, para niya akong hinubaran sa lahat ng kinagisnan ko.

Mula sa mga hawak, sa unang sayaw, sa bangkete, sa kasuotan… hanggang sa pagpaparamdam niyang espesyal ka sa okasyong ito–lahat iyon ay bago sa akin. Kaya naguguluhan ako sa sariling nararamdaman, kung bakit parang gusto ko hulihin ang mga mata niya?

Hindi. Nasasakal lang ako sa mga una kong experience sa kanya. Oo… natatakot lang ako.

"One step at a time."

Gusto kong umiyak habang sinasayaw at iginagaya niya ang katawan ko upang sundin ang kanya. Nagsasayaw man kami sa musika sa panlabas, ang mga sikreto naman naming sulyapan ang naging lugar ng aming labanan. Habang iniiwasan ko ang kanya, pilit naman niyang inaangkin ang akin bagama’t labag sa aking kalooban.

12:00Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon