3:00

97 4 1
                                    

3:00

Lahat ng hakbang at galaw ko sa buhay ay para sa aking pamilya. Ang matunton ang kapatid, ang mabigyan ng hustisya si mama. All those dreams had led me to this place and status. To avenge them, I need to be strong and powerful. Kaya ako nagsikap maging pulis, dahil may kapangyarihan sa edukasyon at koneksyon.

Dati, walang mapagsidlan si mama para sa aming dalawa. Bagama't mahirap ang buhay na kinagisnan ko, sinikap niyang mai-ahon ako sa kabila ng pagiging single mother.

Isang sikat na escort si mama sa isang local bar. Doon, nakilala niya ang kanyang maimpluwensyang kliyente--my father, who was at that time the head councellor. Despite being deemed powerful, he was powerless against his morals.

At dahil wala namang maasahan sa mga lalaking gaya ng tatay ko, iniwan niyang mag-isa si mama upang itaguyod ako.

Mama was a fighter.

Hindi niya hinayaan ang sitwasyon para pabayaan ako. Pero aaminin kong mahirap ang buhay noon, kaya wala na rin siyang ibang nadaluhan kundi gamitin ang katawan para may maihaing pagkain sa aming hapagkainan.

Gayunpaman, kahit ganoon ang klase ng trabaho ni mama, nabigyan niya ako ng buhay na masagana.

Kahit ganoon kadumi ang aking kinalakihan, nagawa niya akong ilayo sa bisyo at sa mga taong may masasamang binabalak.

She had homeschooled me--taught me how to write and read. Siguro kung lumaki si mama sa magandang tahanan, baka hindi rin ganito ang kahahantungan niya.  Baka isa na siyang lawyer, gaya ng pangarap niya.

But instead, she made ends meet in this hell.

She was well sought after by men and by her clients, but eventually she became pregnant once more.

It was finally then that I was happy to have another addition to the family. Hindi na lang kaming dalawa ni mama sa buhay. May kapatid na ako!

"Lily... Kayo na ng kapatid mo ang magtutulungan sa oras na mawala na ako."

"M-Ma wag ka naman magsalita ng ganyan."

"Lahat ng tao namamatay Lily... Pero hindi ipagsabihin non ay kailangan mong matakot. Gusto ko lang pagdating ng araw iyon... gusto kong malaman mo na kayo ang pinaka-magandang nangyari sa buhay ko."

Hindi ko maintindihan dati kung bakit niya iyon sinasabi. Pero nang pumatak ang nalalapit na kabuwanan ni mama, tsaka ko napagtanto ang matagal na niyang iniinda sa katawan.

Alam niyang hindi na kaya ng katawan niya ang manganak. Binigyan siya ng opsyon ng mga doctor. It was either she abort her baby, or she would die.

"Mrs. Iris, I'm sorry to bear this news to you. Pero malaki ang tsansa magkaroon ka ng komplikasyon sa panganganak mo. I highly suggest you undergo therapeutic abortion, if you want to live."

Sa kabila ng maayos na paguusap at pangungumbinsi ng mga doctor, nanatiling desidido si mama na ituloy ang kanyang pagbubuntis. Ganoon man, naroon ang takot sa kanyang puso--nakikita ko sa tuwing mahuhuli ko siyang luhaan tuwing gabi.

"Makinig ka sa akin Lily... May matalik akong kaibigan sa Spider Flower club. Doon... Alam kong maalagaan ka."

"Ma... A-anong s-sinasabi mo?"

Hindi agad makatugon si mama, tila ba hirap na hirap siyang sabihin sa akin ang lahat ng ito.

"Tama sila, Lily. Hindi ko kayo kayang itaguyod magisa... Hindi ko na rin kaya alagaan at damayaan kayo sa pagtanda. Walang makakapag-sabi kung kailan ako mawawala kaya ngayon palang gumagawa na ako ng paraan."

12:00Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon