EXORDIUM

119 10 1
                                    

"I really can't do this right now, Freya."

I didn't just hear that... I was rejected?

"Ganoon nalang?" sarkastiko kong ani upang mapiligan ang pag-tulo ng aking luha.

"Alam natin na hindi pa natin kayang  buhayin yan." Kasabay ng pag-taas ng boses nito ay ang pagtayo niya at hinarap ako.

'Yan' that only shows that he doesn't really care for me and our baby that's growing inside of me. He's too selfish and he only thinks about himself. Paano na kami ng anak niya?

"Kaya natin—Kakayanin natin." sinubukan kong hawakan ang kamay nito pero tinabig niya lamang ang akin.

Handa akong ibaba ang sarili ko upang madaan namin ito sa maayos na usapan. I can't ket us get separated dahil lang nabuntis niya ako sa murang edad.

"No, Freya, hindi pwede ang gusto mo! Nag-aaral palang ako at walang pantustos para sa inyo. I'm too young to be a Father... I don't know nothing!"

I felt my heart break for the second time. Is he gonna leave me?

"W-we can seek guidance, we can ask your parents—" I was cut off nang biglang sumagot nanaman ito.

"For Pete's sake! They don't even know I have a girlfriend, they don't even know you yet." depensa nito.

"Dahil hindi mo ako ipinapakilala!" bulyaw ko kasabay ng paglandas ng mga luha mula sa mga mata ko.

May halos dalawang taon na kaming relasyon, pero ni isang beses ay wala siyang nasabi na mag balak siyang ipakilala ako sa magulang niya. Ayaw niya kaming maging legal at miski sa mga tao sa paligid namin ay kailangan naming itago na may relasyon kami dahil ito ang gusto niya. Gusto niyang manatili ako bilang sikreto.

Ngunit may nangyari na wala sa plano at ito ay ang pagdadalang tao ko. Isa lamang akong graduating na Senior Highschool student at ang aking nobyo ay nasa Ikalawang taon ng kolehiyo. Pawang mga walang trabaho at umaasa sa magulang... Umaasa sa aking Lola na nagpa laki sa akin.

Were both immature. May nangyayari ngunit hindi namin iniisip ang maaring kahantungan nito.

"You know I can't afford to disappoint my parents, Freya. Please understand my situation."

Marahas kong pinunasan ang aking mga luha. "How about mine? Ni hindi ko kilala kung sino ang mga magulang mo, lahat ng namamagitan sa atin kailangang maging sikreto! Kailan mo ako balak ipakilala sakanila, kapag lumabas na ang anak mo!?"

He shook his head then sighed, he massaged his temples and sat on the couch. He continued shaking his head as if he was thinking deeply.

"I'm really sorry, Freya. I Love you but I don't think I'm ready to be a Father yet." he apologized and looked at me.

"Iiwan mo ako?" natatakot kong tanong. Hindi niya ako pwedeng iwanan. Walang maga-alaga sa amin dahil ang kaisa-isang pamilya ko ay nasa malayong lugar.

Nahihiya ako sabihin sa aking Lola na naging isa akong disgrasya. Ang alam niya ay nag-aaral ako pero may iba na pala akong inaatupag.

"Don't leave me, please." hagulgol ko at tuluyan ng lumuhod sa harapan niya. Nakayuko lamang ako habang tahimik na humihikbi, hinihintay ang sagot niya na sana ay ikonsidira niya din ako dahil dinadala ko na ang baby niya.

Namayani ang katahimikan sa pagitan namin. The only sound you can hear was my sobs and silent pleas for him to not leave me—us.

"I'm sorry if I'm gonna say this, Freya," said Alessandro.

Napatingin ako dito. Hindi ko maintindihan kung ano ang iniisip niya but he seems really bothered. He looks like he is torn on something—that he is struggling to make a decision.

"I don't want to leave you too..." he said and there was hope... We could be good parents to our little one.

I smiled and was about to embrace him when he said the most painful thing he has ever said.

"It's either I'm going to leave you with our child or stay with you but terminate your pregnancy."

Serie 5- Frail Hearts and Dead Roses Where stories live. Discover now