CHAPTER 1

125 9 0
                                    


Freya Elizabeth Rose

I hate chocolate!'

Napatingin ako sa isang piraso ng chocolate cake na nakalagay sa gilid ng plato ko. May pa-libreng midnight meal ang Santa Teresa de Avila Hospital tuwing Miyerkules sa kanilang mga empleyado, ito ang Ospital na pinagta-trabahuan ko bilang isang nurse at limang taon na akong nagtatrabaho dito.

Hindi ako kumakain ng kahit anong tsokolate dahil hindi ko gusto ang lasa nito. Masyadong matamis na parang unang kagat mo palang ay ramdam mo na ang type II diabetes, kung minsan naman ay sobrang pait na parang ngumunguya ka ng tabacco.

"Aba, mukhang malaki ang naibigay na panghimagas kay Freya, ah." singit ni Nurse Vince.

Alam nila na hindi ako mahilig sa tsokolate, panigurado ay inaabangan nito na ibigay ko sakanya.

"Hindi ka pa nakuntento diyan sa cake mo, bilisan ang kain at 10 minutes nalang natitira." panghihikayan ni Nurse Judy at isinubo ang kutsara nitong may lamang chocolate cake.

"Ibibigay ko nalang ito sa anak ko." Ani ko habang naglabas ng zip lock bag galing na maliit kong bag.

"Akin nala—" naputol ang sinasabi ni nurse Vince nang sikuhin siya sa tadyang ni Nurse Judy.

Gamit ang malinis na plastic spoon ay isinalin ko ang cake sa plastic bag, mas mainam sana kapag container pero wala naman akong naidala, di bale na at malinis naman itong plastic... Nasira nga lang ang hitsura ng cake.

"Tara mamaya sa tapsihan kapag out na natin." Aya ni Nurse Dahlia.

"G!"
"Tara! Gusto ko mag-tocilog." sabay na Ani ni Vince at Judy.

Tahimik lamang ako na isinilid ang plastic na may lamang cake sa aking bag at pinagpatuloy ang pagkain ng chop suey, adobo, at kanin na nasa plato ko.

"Ay, hindi nanaman sasama yong isa." bulong ni Dahlia habang naka-side eye sa akin.

Napabuntong hininga ako at uminom ng tubig.

"Alam niyo naman na ipinag-kakasya ko ang sahod ko sa bills at sa amin ng anak ko." rason ko.

"Para isang beses lang."

"Hinihintay ko pa ang sweldo ko, petsa de peligro ko nanaman at magbabayad pa ako ng renta sa bahay." napahilot ako sa sentido.

Hindi sapat ang sweldo ko para sa gastusin, kahit na dalawa lang kami ng anak ko ay kulang pa din dahil nagbabayad pa ako renta, tubig, kuryente at pagkain sa pang-araw-araw. Wala naman ako karapatang mag-reklamo dahil bago pa lamang ako sa trabaho at hindi pa na po-promote.

Hindi bale na na nahihirapan ako basta komportable ang anak ko at naibibigay ko ang kailangan niya.

"Problema talaga ang gastusin, gusto ko sana mag-hanap ng isa pang trabaho." nakailang buntong hininga na ako at ipinag-patuloy ang pagkain.

"Bakit ba kasi hindi ka humingi ng sustento sa Hudas na ama ni Alvarro." Ana ni Judy.

Bigla akong nanlumo. Ayaw ko ng balikan ang mga multo ng kahapon. Isa ang ama ng anak ko na ayaw ko ng balikan pa miski ang mga ala-ala nito.

I don't want anything to do with him. Kaya kong buhayin ang anak ko ng mag-isa, at isa pa... He disowned his son kahit na nasa sinapupunan ko pa lamang.

Hindi na lamang ako umimik at pinagpatuloy ang pagkain. Alam naman nila na problemado talaga ako kapag tahimik at hindi interesado sa usapin. Ayaw ko naman na patulan pa ang topic nila lalo na kapag ako ang napunta sa hot seat.

Tumunog ang bell, nangangahulugan na oras nanaman para kumayod. Nagpunta ako sa locker room at inilagay na muna doon ang bag ko, habang naglalakad ako sa hallways at iniisip ko kung paano ko nanaman haharapin si Alvarro na may ngiti sa labi kahit na sa loob-looban ko at nahihirapan talaga ako.

Serie 5- Frail Hearts and Dead Roses Where stories live. Discover now