CHAPTER 3

128 13 1
                                    

Freya Elizabeth Rose

Life is not always like a bed of roses.

Sana talaga madali lang ang buhay. I read somewhere na kapag pinanganak ka daw na mahirap ay kasalanan mo raw kapag mamamatay ka rin ma mahirap, pero isipin natin... Paano kapag may mga bagay lang talaga na wala sa kontrol na ang kahihinatnan ay mahirapan tayo.

Napunta ako dati sa punto na sarili ko ang sinisisi ko sa kadahilanang kami ay naghihirap... Paano? Isa akong musmos na umaasa na manatiling buo ang aming pamilya.

Nabuntis ang aking nanay sa akin noong siya ay disi-siyete at ang tatay ko ay walang balak na panagutan kami. Kung hindi pa daw binantaan ng Lolo Rueben ko ay baka hindi ko daw nakilala ang tatay ko at hindi sila nagsama ng nanay ko. Spoiled na natatawag ang Mama ko sa magulang niya dahil only-child lamang siya.

Naalala ko noon kung gaano kahirap ang buhay, idagdag mo pa ang Papa ko na walang trabaho at nakikitira lang kami sa bahay ng Lolo at Lola ko na magulang ng Mama. May mga araw na wala kaming makain at matutulog na lang na kumakalam ang sikmura. Minsan ay naghahati-hati kami sa de latang sardinas pero may mga araw din na ang ulam namin ay asin o toyo. Kahit na kasama namin si Papa ay hindi ko naramdaman na tumayo siya bilang Padre de Pamilya. Batugan siya at walang trabaho, kung hindi pa gagawa ng paraan ang Lolo Reuben ko para lang may pambili ako ng gatas at diaper at malamang sa malamang pababayaan lang ako ng magulang ko. Kung tutuusin, sila Lola Nita at Lolo Reuben talaga ang tumayong mga magulang ko.

Anim na taon na ako at wala pa ring pinagbago, nanatiling palamunin ng Lolo at Lola ko ang pamilya namin. Ang gusto lang ni Lolo ay lumaki ako sa kumpletong pamilya kaya nagagawa niyang tiisin ang araw-araw na paga-away ng magulang ko. Ang Lola ko ang naga-asikaso sa akin dahil nag-aaral na ako ng mga panahon na 'yon habang ang Lolo ko ay nagta-trabaho bilang security guard sa isang banko para sa araw-araw na gastos at para sa pagpapa-aral aral sa Mama ko dahil balak niyang ipagpatuloy... Ang Papa ko naman ay walang balak sa buhay, at iyon ang palagi nilang pinagaawayan ni Mama.

Ang bata-bata ko pa lang pero nagagawa ko ng sisihin ang sarili ko dahil kung hindi dapat ako ipinanganak sa mundong ito ay walang apat na tao ang naiipit at nasasaktan para lamang matugunan ang pangangailangan ko bilang bata... I was only six yet I already wanted a way out. I was a toddler thinking about leaving my home, kung hindi lang kay Lola Nita at Lolo Reuben ay talagang ayaw ko ng manatili sa poder nila Mama at Papa. Hanggang sa dumating ang dagok sa buhay ko...

Inatake sa puso ang Lolo Reuben ko at namatay.

Mula ng mawala ang Lolo ay mas lalong napadalas ang pag-gaway ng magulang ko. There where instances na nagkakasakitan sila ng pisikal at ang galit nila ay naibubuntong sa akin.

As much as I want to keep my family together, my Parents separated.

Naiwan ako sa poder ng Lola habang ang Mama ko ay nag-self-supporting para sa pag-aaral niya. Ang Papa ko naman ay naglaho na lamang na parang bula.

Parang tuta na lamang akong inabandona ng mga magulang ko. Pero nangako ako kay Lola na hinding hindi ako gagaya sa asta ng Mama. Pero may sukli din ang paghihirap ng Lola ko sa akin... Dahil may talino daw ako at baka kaya kong maka-kuha ng scholarship sa mga prestigious school.

Pero may mga naririnig na dati ako sa mga kamaganak, na kesyo matulad lamang ako kay Mama dahil may talino rin naman daw dati siya, ang kaso maagang nadisgrasya.

Lumipas ang ilang taon ay nag-asawa ng bago si Mama at tuluyan na akong tinanggalan ng suporta dahil bubuo na siya ng bago niyang pamilya. Nagka-anak siya ng tatlo sa bago niyang asawa—na isang lasinggero at wala rin trabaho—ang bunsong anak nila ay may cerebral palsy.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Serie 5- Frail Hearts and Dead Roses Where stories live. Discover now