🔒@koaraf
Sabi ni Pascal bakit gano'n ka-sweet na naman ang menu ng breakfast. Sabi ko umalis siya sa paningin ko bago ko isaksak sa bunganga niya 'yong toupee niya.
🔒@koaraf
Nagmamagaling ka talaga, Pascal, ako nga ang chef.
Dior 👩🏼🦳
6:02 AM
Good morning, Dior.
Dior 👩🏼🦳
6:35 AM
Nauna na kapatid at mga magulang mo kumain. Hindi ka pa raw gising.
Sabi ng nagpuyat sa 'yo sabay na kayo kumain.
tolebros
6:48 AM
koa
@jah
Gumawa ako ng extra breakfast para sa inyo ni Frannie. Idadaan ko pagkatapos namin kumain ni Dior.
dym
luh bumait si gago
at akala ko ba hindi sasarap kahit may kasama o wala!!
koa
Ha? Sino nagsabi n'on? Hindi ako 'yon.
jah
ang ganda ng gising ko kuya
what's for breakfast
koa
Inside-out everything bagel sandwich with lemon-blueberry parfait and double chocolate pancakes with strawberry compote and maple syrup.
dym
di mo ba pwedeng sabihin bagel, parfait, tsaka pancakes
ice
It's a chef thing.
koa
Hindi. Kasi 'yan ang tawag ko sa kanila.
jah
SARAAAAAAAP
thanks kuya labyu
dym
ang hirap ng buhay ng malayo
ice
Kailan pala kayo uuwi, Koa?
koa
This weekend, Kuya.
Hinahanap na kami ni Mama?
ice
Yes. Miss niya na rin luto mo.
koa
Ok. Uuwi tayo @jah.
jah
ok sabihan ko si frannie
koa
Sasabihin ko sana isasama ko si Dior pero ayaw kong matakot siya sa inyo.
dym
hoy
kami nga yung natakot kay frannie e ano pinagsasabi mo
koa
Hindi katulad ni Frannie si Dior.
'Tsaka 'di siya sanay sa ingay ng pamilya natin. 'Yong mga Bettencourt...kahit nasa bahay lang sila, akala mo may mga nanonood. Hindi sila rowdy o maingay o masaya.
'Pag in-ask ko na maging kami na, saka ko ipapakilala sa inyo at kay Mama at Papa para wala siyang takas.
jah
kuya that is vaguely threatening
ice
Gusto ko yung sure siya na magiging sila.
dym
huy boi maghanap ka muna bagong trabaho HAHAHAHAHAH
tatanggapin ka ba ng pamilya niyan?
alam ba nila na mahirap lang tayo?
na nakatapos lang tayong tatlo ng pag-aaral dahil kay kuya ice?
ice
Dym.
koa
Alam ni Dior.
Hindi ko pa alam kung tatanggapin nila ako.
YOU ARE READING
Once Burned
Romance[Epistolary 𓎩𓐐 Toledo Brothers #2] Private chef si Koa Toledo para sa pamilya ni Dior Bettencourt. Para kay Dior, suplado si Koa, at para kay Koa, spoiled si Dior. That doesn't mean they're not attracted to each other. DISCLAIMER: This story is...