I. Introduction to Harmonia

46 1 0
                                    

Located in the southwestern part of the enchanting Kingdom of Crius, the province of Harmonia graces the land with its captivating landscapes.

Ang sinumang dumayo sa probinsya ay sinasalubong ng sariwang hangin at payapang tunog ng kalikasan mula sa mga sangang sumasayaw dahil sa hangin, huni ng mga ibon at ang pag-agos ng tubig mula sa kilalang ilog na kung tawagin ay Agape River.

Ang payapang bayan kung saan matatagpuan ang mga maliliit na bahay ay maihahalintulad sa mga larawang guhit mula sa libro. Simple at organisado. Sa sentro nito ay nakatirik ang kilalang fountain. Dito karaniwang nagtutungo ang mga mamamayan partikular ang matatanda upang magtipon at ang mga kabataan upang maglaro.

Kapansin pansin rin sa probinsya ang mga nakangiting mamamayan sa kabila ng pagiging abala sa kani-kaniyang hanapbuhay. Ito ay isang patunay ng mabisang pamumuno ng duke ng probinsya.

"Narinig nyo na ba ang usap usapan mula sa palasyo?" tanong ng isang aleng may bitbit na basket ng gulay, isang hapon malapit sa fountain kung saan sila madalas magtipon

"Narinig ko rin, tunay kaya?"

"Sana nga."

"Ang alin?" tanong ng isa pang aleng naroon ngunit walang ideya sa pinag-uusapan ng grupo.

"Nagdadalang-tao raw ang Dukesa!"

Natutop ng mga nakarinig ang kanilang mga bibig. Ang kumpol ng taong nag-uusap usap malapit sa fountain ay tila dumble.

"Siyang tunay?"

"Saan mula ang balita?"

"Aba ang kaibigan ko ay may kapatid na tauhan sa palasyo. Ang nakarating sa akin, nagpapakita raw ng sintomas ng pagdadalang tao ang dukesa!"

"Magandang balita iyan!"

The news of Duchess Leonora's pregnancy quickly spread throughout the province until it reached the palace.

In her bedchamber, the young Duchess stood near the window, her wavy light brown hair neatly tied up in a bun with a few loose strands framing her face. Her brown eyes, usually filled with warmth, now reflected of hope and anxiety.

The circulating rumors regarding her pregnancy symptoms held true, yet no official confirmation had been made. Balisa siya sa kumakalat na usap-usapan, ngunit mas balisa siya sa kaniyang sitwasyon.

Paano kung isa itong phantom pregnancy?

Paano kung matulad siya sa kaibigan niyang Dukesa?

Nais niyang hintayin ang pagbabalik ng Duke bago sana magpa-suri sa manggagamot.

The duke had been away in the province for a week, fulfilling responsibilities to the King, unaware of her symptoms. He planned to return next week. However, with rumors spreading and speculations escalating, the Duchess felt compelled to consult a physician sooner, regardless of whether she was pregnant or not.

Bagaman nagdadalawang isip, lumabas ang Dukesa mula sa kanilang silid mag-asawa. Mabilis siyang sinundan ng isang kasambahay. Nagtungo sila sa boudoir.

Seated at an ornate desk, the Duchess picked up a quill and opened a piece of paper. Tahimik ang silid, kaya dinig na dinig ang bawat kilos niya. The sound of the quill on the paper made a gentle sound, breaking the quietness with each careful stroke.

In her letter, she carefully explained her worries, describing her situation. She meticulously chose her words, conveying both urgency and discretion in seeking the renowned physician's counsel.

THE HARMONIAWhere stories live. Discover now