MAY mga pulis na dumating para imbestigahan ang nangyari. Isinakay na rin sa ambulansya ang katawan ni Gwen. Ipinagbawal na rin ng Dean ang pumunta sa rooftop.
"Ano ba 'yan! Sumpa yata ang eskwelahan na 'to. Gusto ko na tuloy umalis" Hinagisan lang sulyap ni Jimmy ng hawak nyang popcorn.
"Tama na 'yang drama mo! Hindi bagay sayo" Inalis naman ni Yanna ang kumot na nakapulopot sa katawan nya.
"Hmp! Pero mabuti nalang at namatay sya. Wala ng attention seeker sa room natin" Nakangisi nyang sabi sabay kuha ng popcorn kay Jimmy.
"Ang bad mo naman. Kahit na ganun ang ugali ni Gwen deserve namn nya ang mabuhay noh" Magkahulugan lang na ngumiti si Yanna sa sinabi ni Jimmy.
"Jimmy. Lahat ng tao nakatadhana kong paano o kung kailan sila mamamatay. Walang second chance sa kamatayan"
"Makapagsalita naman 'to akala mo namatay na" Bulong na sabi ni Jimmy.
"Tama na nga 'yan! Matulog na tayo"
"Matulog? Ang aga pa, Jiya. ....... Wala namang pasok, bakasyon na natin pwede na nga tayong umuwi eh kaso nga lang pinagbawalan tayong lumabas sa school dahil natatakot sila na baka nasa labas lang ang killer! Pero mga tanga! Paano kung nasa loob pala?! Saan tayo tatakbo" Nakabusangot na sabi ni Yanna.
Napailing nalang kaming dalawa ni Jimmy sa sinasabi nya. Mainit talaga ang ulo nya dahil gusto nyang makauwi ngayon. Ang sabi nya kasi ay malapit na ang birthday ng ate nya at gusto nyang batiin ito ng personal.
"Iniiwasan mo 'ko" Sya ang bumungad sa akin ng pumasok ako sa kwarto. Nilampasan ko sya at pumunta sa closet para kumuha ng damit pantulog.
"Magbibihis ako kaya pwede umalis ka" Matabang kong sabi sa kanya. Nakita ko sa mukha nya na hindi nya nagustuhan ang sinabi ko.
Inaamin ko hanggang ngayon natatakot parin ako sa kanya. Hindi ko alam kong may kinalaman ba sya sa pagkamatay ni Gwen o wala basta ang alam ko pinapangunahan ako natakot ngayon.
"Akala ko ba mahal mo 'ko" Namula ako sa sinabi nya. Gusto ko syang batukan dahil sa hiyang nararamdaman ko.
"Wala kang tiwala sa akin" Napalingon ako sa sinabi nya. Unti-unti kong nabitawan ang hawak kong damit at lumapit sa kanya.
"Pasensya na. Natatakot lang kasi ako sa nangyayari ngayon"
"Natatakot ka sa akin" Malamig nyang sabi. Agad naman akong umiling pero para saan pa. Tama naman ang sinabi nya na natakot ako sa kanya.
"Hindi naman sa ganun-" Hindi ko na natapos ang sinabi ko dahil bigla nalang syang naglaho.
Ano ba, Jiya! Girlfriend ka nya pero wala kang tiwala sa kanya. Alam mo naman na hindi nya yon kayang gawin. ..... Ayan tuloy nagtampo sayo.
Sana magpakita sya sa kin bukas para makahingi ako ng tawad. Maling-mali talaga ang ginawa ko. Napakasama kong girlfriend.
HINDI naging maganda ang gising ko dahil sa nangyari kagabi. Wala rin akong ganang kumain kanina na napansin ni Yanna pero hindi na lamang sya nagsalita. Sinubukan ko syang hanapin sa buong department pwera na lamang sa rooftop dahil hindi pwede doon pero hindi ko sya nahanap.
Nanlulumo akong napaupo sa bench dahil sa pagod at pagkadismaya dahil hindi ko sya nakita. Nagtatampo parin sya hanggang ngayon. Saan ko ba syang pwedeng makita?
"Itanong mo sa akin
Kung sino'ng aking mahal?
Itanong mo sa akin
Sagot ko'y 'di magtatagal"Napatingin ako sa harapan ng may bigla kumunta. Napanganga ako ng makita ang isang babae. Teka lang! Kilala ko 'to ah! Ba't sya nandito. Ang pagkakaalam ko dapat nasa IT Department sya dahil doon ang course nya. Anong ginagawa nya dito.
Kilala ko sya dahil sya ang pambato ng academy pagdating sa kantahan. Kasama nya rin ang isang guitarist. Pero ang tanong ko talaga ang gusto kong masagot. Anong ginagawa nya dito. Ba't nya ako kinakantahan.
"Ikaw lang ang aking mahal
Ang pag-ibig mo'y aking kailangan
Pag-ibig na walang hangganan
Ang aking tunay na nararamdaman"Dumarami na ang mga estudyante na tumatambay sa garden. Napapatingin na rin ang iba. Lumingon ako sa aking likuran dahil nagbabasakali na baka nagkakamali lang ako ng hinala pero walang tao sa likuran ko. Ibig sabihin ako nga ang kinakantahan. Pero sino naman ang may pakana nito?!
"Isa lang ang damdamin
Ikaw ang aking mahal
Maniwala ka sana
Sa akin ay walang iba"Ang ikinabigla ko ay ang lahat ng taong nanonood sa amin ay nakasali na rin. Pumunta sila sa gitna at sumayaw rin habang sinasabayan ang kanta.
"Ikaw lang ang aking mahal
Ang pag-ibig mo'y aking kailangan
Pag-ibig na walang hanggananAng aking tunay na nararamdaman
Ang nais ko sana'y inyong malaman
Sa hilaga o sa timog o kanluran (sa silangan)"Habang kumakanta sa kanila ay lumilinaw na sa akin kung sino ang may gawa nito. Dahil habang tumatagal napapalitan ng pagkatao ni Austin ang babae. Hanggang sa boses nya na mismo ang nakikita ko.
"At kahit sa'n pa man
Ang laging isisigaw
Ikaw ang aking mahal"Dahan dahan syang lumapit sa akin at hinawakan ang kanang kamay ko at hinalikan iyon. Alam kong sumanib sya sa katawan na 'to pero ang hindi ko maintidihan ay kung paano sumakay sa trip ng lalakeng 'to ang mga estudyante.
"Ang nais ko sana'y inyong malaman
Sa hilaga o sa timog o kanluran (sa silangan)""I love you" Napangiti ako sa sinabi nya. Muli syang bumalik sa pwesto nya at muling kumanta.
"At kahit sa'n pa man
Ang laging isisigaw
Ikaw ang aking mahal
Ikaw ang aking mahal"Saya at kilig ang nararamdaman ko ngayon. Kahit na ako ang may kasalanan ay sya parin itong gumagawa ng paraan para magkabati kami.
Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang kanya pisngi. Tumulo ang mga luha ko sa aking mga mata.
"I'm sorry" Tanging nasambit ko lang sa kanya. Ngumiti naman sya sa akin at inipit ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tenga.
"Sorry din dahil basta nalang akong umalis kagabi. Mahal kita" Dalawang beses nya ng sinabi ngayon nyan.
"Mas mahal kita" Napangiti lang sya sa sinabi ko.
"Wala akong kinalaman sa pagkamatay ng classmate mo. At hanggang hindi pa nahuhuli ang killer, pinapangako ko na po-protektahahan kita" Naramdaman ko ang paghalik nya sa akin noo at niyakap ako.
Pinigilan kong tumawa dahil nakikita ngayon ng mga estudyante ay yong babaeng kinantahan ako pero ang nakikita ko ngayon ay si Austin.
ᜋᜒᜐ᜔ᜐ᜔ ᜀᜂᜇᜓᜇ ᜎ᜔
YOU ARE READING
My Boyfriend Is A Ghost
General FictionThey said that love was a great weapon. At first, I didn't believe that, because all I know is that when you love someone, you easily get hurt. But everything changed when I met this person, or should I say a ghost? I don't really expect that I will...