"Anak gising na" Gustong kong imulat ang mga mata ko para makita ang babaeng nagsasalita sa akin. Ngunit kahit ang pag galaw ng kamay ko ay hindi ko magawa.
"Miss na miss ka na namin ng Papa mo. 'Yong isa mong kuya ikinasal na" Pagkukuwento pa nito sa akin. Ang boses na 'yon. Kung hindi ako nagkakamali ay boses iyon ni Mama.
Puro dilim lang ang nakikita ko. Gusto ko silang makita at mayakap na para bang matagal ko na silang hindi makakasama.
"Ma" Pagkasabi ko no'n ay dahan dahan kong naimulat ang mga mata ko. Nakita ko ang munting luha sa kanilang mga mata.
"Anak, gising ka na" Napangiti ako sa sinabi ni Mama. Niyakap naman sya ni Papa ang ngiti sa labi ko ay unti unting nawala ng bigla nalamang nabalutan ng dilim ang buong paligid ng silid.
"Akala mo ba makakatakas ka sa kamatayan" Napatingin ako muli sa aking mga magulang. Nakayuko na silang pareho at hindi ko makita ang kanilang mukha.
"Ma. Pa" Humigpit ang hawak ko sa aking kumot ng makita ang pula sa kanilang mga mata. Nakangisi rin silang dalawa. Napasigaw nalang din ako ng bigla nilang akong sugurin.
NAPABALIKWAS ako ng bangon ng magising ako sa panaginip na yon. Pinunasan ko rin ang pawis sa aking noo.
"Ayos ka lang" Muntik na akong mapatalon sa gulat ng magsalita si Austin sa katabi ko. Gag* talagang multo na 'to. May pagkakataon naman na hindi ako nagugulat sa bigla bigla nyang pagsulpot pero ikaw ba namang bangungutin tapos biglang magsasalita tong multo na 'to.
"Binangungot ka na naman" Nakita ko ang pag alis nya sa tabi ko. Sinundan ko sya ng tingin at pumunta sya sa table ko at pilit nya na hinahawakan ang basong may tubig na.
Napabuntong hininga ako bago tumungo sa kanya. Ako na kumuha ng baso at sabay inom noon. Nakita ko naman ang pag lungkot ng mukha nya.
"Anong oras na?" Tanong ko sa kanya
"Alas tres na ng umaga" Ganitong oras rin ako nagigising mula sa bangungot. Nong umpisa akala ko normal lang pero nag sunod sunod ang panaginip ko na palaging ganun.
"Lumabas naman tayo mamayang umaga" Napataas ang kilay ko ng marinig ang sinabi nya.
"Tapos kanino ka naman sasanib ha?" Natawa naman sya sa sinabi ko.
"Ginagawa ko lang naman 'yon dahil ayaw kong mapagkamalan kang baliw dahil sa pag-sasalita mo ng mag-isa"
"At ano naman kong ganun ang tingin nila sa akin. Eh, mahal kita at wala silang magagawa" Nakita ko ang pag ngisi nya bago sya tumalikod sa akin.
"Matulog ka na lang ulit" Mahinang sabi nya. Muli syang humarap sa akin kaya mas lalo ko pang inilapit ang sarili ko sa kanya. Humakbang naman sya ng isang beses bago tumikim na ikinangiti ko.
"Hindi na ako makakatulog. Mabuti pa pumunta nalang tayo sa rooftop tapos sabay natin tingnan ang sunrise " Hindi na sya nakapag salita pa dahil umalis na ako sa harapan nya at nagtungo na sa pintuan.
"Alas tres palang ng umaga. Mamaya pang alas sais ang sunrise" Nandito na kami ngayon sa corridor ng dormitoryo. Madilim parin hindi bukas ang ilaw pero dahil sa buwan ay nakikita namin ang daan.
"Sus. Takot ka lang" Sabi ko sa kanya at tinakbo ang pang-tatlong palapag. Lumingon ako at nasa baba pa rin sya.
"Ano na Mr. Austin, sasamahan mo ba ako o hindi?" Nakangiting tanong ko sa kanya. Nakangiti naman s'yang pumunta sa akin pero habang papalapit sya ay nakita ko ang isang anino na papalapit rin sa amin at nakita ko rin ang pula nitong mga mata. Katulad ng nasa panaginip ko.
"Jiya" Napalingon ako kay Austin na nasa katabi ko na pala. Tiningnan nya rin ang tiningnan ko pero wala na doon ang bakas ng anino'ng yon.
"Halikana" Nasa likuran ko lang sya habang naglalakad kami. Nawala tuloy ang sabik na nararamdaman ko kanina dahil sa nangyari ngayon.
Bumungad sa amin ang mga bituin at ang buwan ng makarating kami sa rooftop. Dahil sa alas tres palang ng umaga ay makikita mo parin ito. Maliwanag din ang buwan at hindi ito natatakpan ng mga ulap. Malamig din ang simoy ng hangin, mabuti nalang at nakasuot ako ng jacket.
"Alam mo pangarap ko noong bata pa ako gusto kong tumira sa isang lugar na kung saan makikita mo buong kalangitan. Pero noong lumaki na ako, wala naman palang ganung lugar" Sabi ko sa kanya. Sumandal ako sa pader na nasa likuran ko.
"Sabi nila ang bawat bituin sa kalangitan ay nagsisilbing luha nito. Dahil gustong maabot ng langit ang lupa pero dahil sa masyado silang malayo sa isa't isa hindi ito nangyari. At ang mga bituin na yan ang palatandaan kung gaano sya kalungkot" Kuwento ko sa kanya.
"Hindi naman talaga sila puwedeng magpang-abot -"
"Katulad nating dalawa" Singit ko sa kanya. Hindi sya tumingin sa akin at ipinikit lamang ang kanyang mga mata.
"Bakit ba ako namatay ng araw na yon?" Mahinang tanong nya sa sarili nya.
"Sus.... Kung hindi ka rin namatay ng araw na yon ay hindi tayo magkikita" Bakit ko pa kasi sinabi yon. Ngayon tuloy ang awkward na naming dalawa.
"Mahal kita, Jiya. At kung kaya ko lang ibalik ang oras na yon at pipigilan ko ang kamatayan ko. ........ Pipilitin ko rin na hanapin ka at makilala ka" Itinaas nya ang kanyang kanang kamay at sinubukan nyang haplusin ang aking pisngi.
" Mahal na mahal kita, Austin "Nakita ko ang mumunting luha sa kanyang mga mata. Dahan dahan kong inilapit ang sarili ko sa kanya.
"Hahalikan kita" Nakapikit kong sabi sa kanya.
"Bahala ka" Sabi rin nya.
Inilapit ko na ang labi ko sa kanya. Papalapit ng papalapit hanggang sa natigilan ako dahil bigla kong naimulat ang mga mata ko.
Napatayo rin ako dahil sa paghanga. Ang daming meteor shower sa kalangitan. Naramdaman ko rin ang pagtayo ni Austin sa tabi ko.
"Ang ganda" Manghang sabi ko.
"Oo. Ang ganda nga" Hindi ko na tiningnan pa si Austin. Nakatingin lang ako sa kalangitan.
ᜋᜒᜐ᜔ᜐ᜔ ᜀᜂᜇᜓᜇ ᜎ᜔
YOU ARE READING
My Boyfriend Is A Ghost
General FictionThey said that love was a great weapon. At first, I didn't believe that, because all I know is that when you love someone, you easily get hurt. But everything changed when I met this person, or should I say a ghost? I don't really expect that I will...