UNMISERABLE LIFE WITH MY MYSTERIOUS BOYFRIEND (CHAPTER 5)

0 0 0
                                    

Nasa pinto nako ng bigla akong hilahin nito papasok.

"Pwede ba tanggapin mo na yung offer ko"-tanong nito.

"Ano ba bitawan mo nga ako!"-sigaw ko ng hilahin nya ko palapit sa kanya.

"Babayaran naman kita eh at ibibigay ko lahat ng gusto mo"-pangungulit nito.

"Pero hindi ko kailangan"-ani ko na subrang kinakabahan na.

"Walang makaka alam promise"- sabi pa nito. naku naman ang kulit.

"Kung gusto mo,,man ligaw ka muna"-saad ko na ikinatawa naman nito.

"Tang-.. hindi naman girlfriend ang hinahanap ko eh."-sabi nito.Napahiya ako dun ah.

"Edi mag hanap ka nalang ng iba,,hindi ako interesado!!"-inis kongsabi dito..Nakakainis kasi di nya ata alam na crush ko sya!

Gusto ko kasi maging kami,,ayuko naman na maymangyayare tapos wala naman akong mapapala.

"Ok cge edi liligawan"-saad nya na ikinagulat ko.

Seryuso ba sya..Nababaliw na ata tong lalake na to .

"A-ano bang sinasabi mo!"-tanong ko dito,,napangiti nman ito .

"Mangliligaw nga ako,, pwede ba yun?"-tanong ulit nito.

"Pati ba naman pang liligaw di mo pa tatanggapin hah"-pangungulit pa nito. Hayy bwesit naman.

"Hmm pag iisipan ko"-sagot ko naman dito.

"Ano? Bat di mo pa kase ako payagan,,sa gwapo kong to tinatanggihan mo ko?"- pang iinis nito.

Ano daw gwapo? Nagwagwapuhan pala sya sa sarili nya..Wala na talaga ata tong matinong pag iisip.

"Cge na Ms. Jemah,,may sunod na subject pa kayo"-ani nito at binitawan na ang pag kakakapit nito sa bewang ko.

"Mamaya kailangan ko ng malaman ang sagot mo ..kung hindi sa magulang mo na mismo ako mag papaalam"-sabi nito at ngumiti...Nako gawin nya lang talaga mapapatay ko sya .

Actually si Kyle Shan ay di talaga professor ng school na to,,nag aaral din sya at second year college na...Sabi ni Eckalie ay lolo daw ni Kyle yung na sa hospital namin na professor kaya sya ang pinalit pangsamantala.
Hindi pa rin ako maka paniwala na mang liligaw sya sakin,,napaka pogi nya pero Bakit kaya ako pa?

"Hoi jemah bat ang tagal mo hah?"-tanong sakin ni Ecka na naka abang sa may pinto ng room namin.

"Ahh nag cr pa kasi ako"-sagot ko naman dito.

"Oh anong sabi?"-tanong pa nito.

"Wala naman,,nag usap lang kami about sa grades ko."-palusot ko dito.. Shempre ayuko munang may makaalam lalo pa at di pa ko sigurado kung seryuso ba talaga sya.
Sa tingin ko kasi parang hindi naman.

"Tuloy ba tayo sa Saturday?"-pag tatanong nito..Oo nga pala may lakad kami sa sabado.Nag aaya kasi tong si Ecka pupunta daw dun sa bagong bukas na kainan.

"Ewan ko,di pa ko sigurado.. pero mag chachat nalang ako sayo"-sagot ko dito.

"Siguraduhin mo ah!"-ani nito at kinurot pa ko.

"Oo nga"-sagot ko naman.

Tumigil na kami dahil pumasok na yung sunod na subject teacher namin.

.........

"Uuwi kana ba?"-tanong ko kay Eckalie na nag mamadali.

"Oo eh walang bantay sa shop,,cge na una na ko."-sagot nito na nag mamadali mashado.

"Cge ingat!"-sigaw ko habang tinitingnan itong papasakay ng tricycle .

"Sumabay kana sakin"- ani ng lalake sa likod ko. Oo si Kyle.

"Hatid na kita sainyo"-dagdag pa nito na ikinalingon ko.

"Wag na mag jejeep nalang ako"-sagot ko naman dito.

"Pati ba naman pag hatid?"-tanong nito.

"Jemah mangliligaw nga ako diba"-sabi pa nito .

"Oo na oo na"-sagot ko na ikinangiti nya.

"Cge na pasok na sa kotse"-ani nito at binuksan ang sasakyan.

Nilagyan nya ko nang seatbelt at pinaandar na ang sasakyan.

"So pumapayag kana ba?"-tanong nito habang nakatingin sa unahan habang nag mamaneho.

"Wala naman akong sinabi"-mataray kong sagot dito.

"Cge mag hihintay pa rin ako "-sabi nito at lumingon sa akin.

Tumigil kami sa tapat ng bahay namin.

"Diba dito ang bahay nyo?"-tanong nito,, nagulat naman ako..Teka bat nya alam?

"Pano mo nalaman?-takang tanong ko.

"Wag mo ng alamin"-saad naman nito at bumaba ng kotse.

"Baba kana"-ani nito ng pag buksan ako ng sasakyan.

"Salamat sa pag hatid Sir Shan"-saad ko naman at ngumiti.

"Pwede na ba kong manligaw?"-pasingit na tanong nito .

"Oo na cge na,,basta ligaw lang muna"-sabi ko naman at ngumiti ito.

"Cge na pumasok kana"-tumango naman ako at nag lakad na papasok ng bahay namin.

To be continue.

@Maessie Manunulat

UNMISERABLE LIFE WITH MY MYSTERIOUS BOYFRIEND Where stories live. Discover now